XXX. Last Touch

11.2K 446 168
                                    


Nagmadali akong bumaba ng hagdan ng marinig ko ang pagkabasag ng kung anong bagay na nagdulot ng takot at pangamba sa aking dibdib. Lalo pa itong nadagdagan ng marinig ko ang pagsigaw ni Kuya Greg. Marahil ay sinisita si Simon sa kanyang pagwawala.

Naabutan ko naman sa akto si Simon na pumipiglas mula sa pagkakahawak ni Kuya Greg. Hindi ko alam kung ilang bote ng alak na ang kanilang nainom ngunit base sa mga basyo ng bote na ngayon ay nakatumba sa gilid ng lamesa ay sigurado akong marami na.

Nakita ko pa ang nagkalat na basag na bote ng alak. Hindi ko magawang lumapit kay Simon dahil baka mabubog ako gayong nakayapak lang ako. Alam kong si Simon ang may gawa nito dahil sa ikinikilos niya ngayon ay para siyang adik na naghahanap ng gulo.

"Simon, tama na pare. Ano bang problema? Bakit bigla ka na lang nagwala dyan?" Takang tanong ni Kuya.

Bumaling naman ang pansin nila sa akin ng makita nilang nakababa na ako dahil sa ingay na kanilang idinulot.

"You're asking me why Greg? Bakit hindi mo tanungin yang kapatid mo!" Galit na hinaing ni Simon at talagang dinuro pa ko.

"Alam kong nagulat ka rin Pare. Kahit ako ay hindi ko gustong makipagrelasyon itong si Red kay Homer kaya wag mong isisi sa kapatid ko." Pagtatanggol sakin ni Kuya.

Oh sh*t! Ito na nga ba ang kinakatakot ko eh. Ang dumating pa sa puntong magiging magulo ang lahat. Kung bakit ba naman kasi hindi ko na lang sinabi sa kanilang dalawa ang totoo para hindi na naging malaki ang problemang bumalik sakin. Pero sa tingin ko ay huli na. Lalabas na lahat ng katotohanan. Alam kong sasabihin na ni Simon ang namamagitan saming dalawa, base sa mga ikinikilos niya.

"Dont put the blame on him? Sino ang gusto mong sisihin ko?" tanong nito kay Kuya at bumaling sa akin.

"Simon, lasing ka lang. Pag-usapan natin to. Magpapaliwanag ako sayo." pahayag ko.

"I am not drunk Red! Now tell me, naghalikan ba kayo ni Homer?" Seryosong tanong ni Simon at nakita ko pa ang pagkamao ng kanyang kamay.

Hindi agad ako nakapagsalita. Sandali akong natulala at nawala sa sarili ng magtama ang aming mga mata. Kitang-kita ko ang lungkot, galit at iba pang emosyon sa kanyang mga mata. Nagulat na lang ako ng sumigaw siya.

"Ano Red? Sumagot ka!" Sigaw nito.

Tinignan ko muna si Kuya Greg na seryoso lang ang mukha at halatang naguguluhan sa nangyayari bago ako sumagot.

"O-oo Simon, pero hin--" hindi ko na nagawang tapusin ang sasabihin ko.

"That's the only thing I wanna hear Red. No need to explain. Damage has been done. WE'RE OVER!" puno ng pait niyang sabi at mas mabilis pa sa kidlat siyang lumisan sa aming bahay.

"S-simon!" Garalgal ang boses na tinawag ko siya. Ngunit walang reaksyon na nagmula sa kanya. Kahit matalim na titig ay hindi na niya ako tinapunan pa.

Nagmadali naman akong habulin siya.
Nagbabakasakali na kapag nagmakaawa ako ay papakinggan niya ako. Umaasa na magiging maayos pa ang lahat sa pagitan naming dalawa. Isang maliit na hindi pagkakaintindihan lang ito. Alam kong kaya pang maayos kung pag-uusapan namin.

Nawala sa aking isipan na nagkalat ang bubog sa sahig. Kaya't sa unang hakbang ko pa lang ng aking paa ay napasigaw na ako sa sakit ng bumaon ang bubog sa aking talampakan. Hindi ko na tinangka pang habulin si Simon hanggang sa narinig ko na lang ang pag-andar ng makina ng sasakyan at ilang sandali pa ay nawala na rin. Agad na tumulo ang dugo sa aking sugat dala ng pagkakatapak ko sa bubog, kasabay ng pagtulo ng aking luha. Hindi dahil sa sakit ng pagkakabubog kung hindi dahil sa sakit ng pag-iwan niya sakin.

Callboy, No phone! [BoyxBoy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon