Pagkababa ko palang ng jeep ay agad ko ng hinanap kung nasaan ang sinasabi ni Brylle na bagong bukas na bar. Ilang hakbang pa ang ginawa ko bago ko marinig ang napakalakas na tugtugan na tila wala ng bukas sa sobrang lakas hindi kalayuan sa aking kinaroroonan.
Huminto muna ko saglit upang itext siya at sabihin na narito na ko.
"Hoy Brylle, nandito na ko malapit sa bar labasin mo na ko. Bilisan mo, lasenggero ka talaga!"
Naghintay pa ko ng ilang minuto at sa wakas ay nagvibrate ang cellphone na hawak ko. Binasa ko agad ang nakasulat na text kasabay ng paglingon ko sa may entrance ng bar.
"Nandito ko sa entrance Red. Pasok na dali bayad ka na rin sa entrance fee."
Pagkabasang-pagkabasa ko naman ay agad na rin akong lumapit at pumunta sa entrance ng bar.
Bestfriend ko si Brylle simula high school palang kami at ngayon ay pareho kaming 3rd year college sa pribadong unibersidad dito sa cavite, parehong kumukuha ng Business Mangement.
Parang kapatid na ang turingan naming dalawa. Para na nga kaming kambal niyan at kung minsan naman ay napagkakamalan pang may bromance na namamagitan sa aming dalawa. Parehong gwapo, dahil pagdating sa pisikal na aspeto ay hindi ito papatalo dahil isa ito sa mga head turner sa aming paaralan.
Yun nga lang magkaiba kami ng height. Paano galit yata sakin yung nagsaboy ng katangkaran. 5'10 ang height nitong si Brylle samantalang ako eh 5'4 lang! Nasaan ang hustisya?!
Napabalik nalang ako sa realidad ng akbayan ako nito at bumulong sa aking tenga.
"Mamaya mo na ko pagnasahan sa kwarto mo, wag dito ayokong mag-live show. Kaya tara na mag happy-happy na tayo! Inumang walang hanggan Red!"
Binatukan ko naman siya.
"Hoy ikaw napaka rated PG mo talaga pagdating sa alak! Saka tigil-tigilan mo nga ako sa mga pinagsasabi mo. Hindi kita pinagnanasahan noh! May Trey na ko." Mahabang pahayag ko dito.
So LQ lang pala kayo ng boyfriend mong stainless? Tanong nito na may kasamang pagngisi.
Huh? Ano bang sinabi ko? Saka bakit mo ba sya tinatawag na stainless? Hindi naman sya TRAY! T-R-E-Y ang pangalan nun okay? Inispell ko pa talaga sa kanya.
"Bahala ka ang kulit mo talaga. Tara na nga at ng makwento mo na sakin ang dahilan ng pag-iinit ng ulo mo." Sabi pa ni Brylle habang patuloy pa ring nakaakbay papunta sa counter ng bar.
Umupo kami sa may harap ng bartender na nagpapasikat pa sa paghahagis ng bote ng alak sabay sasaluhin gamit ang baso. Medyo nadistract naman ako sa ginagawa nya dahil nakakabilib talaga.
Nang matapos magpakitang gilas ng bartender ay napa-palakpak naman ako ng mahina sa sobrang bilib. First time ko lang kasing makapanuod ng ganon kagaling na performance. Syempre live performance, nakapanuod na ko ng mga nag gaganyan pero sa t.v lang, iba pa rin talaga kapag live.
"Buti pa yung alak kahit ilang beses ihagis at bumagsak hindi pa rin nababasag at nasasaktan. Sinasalo kasi sya ng baso!" pagsasalita ko sa kawalan.
"Dapat kasi sa baso ka nalang nakipagrelasyon hindi sa T-R-A-Y!" sigaw ni Brylle sa tenga ko at talagang inispell din nya sakin upang marinig ko dahil mas lalo pang lumakas ang tugtog.
*uhmm* Batok ko sakanya.
Panira ka talaga kahit kailan.
Umorder ka na nga ang dami pang sinasabi eh. Akala mo naman sya! Wala ka pa ngang girlfriend! Iritang sabi ko sakanya.Umorder naman agad si Brylle ng aming maiinom, tuloy pa rin ang malakas na musika na umaalingawngaw sa kabuuan ng bar na iyon. Sinuri kong mabuti ang lugar, napakaraming tao ang naroroon.
BINABASA MO ANG
Callboy, No phone! [BoyxBoy]
RomanceWala pang bente minutos na nakatayo si Red sa lugar na di kalayuan sa isang sikat na bar ay hinintuan siya ng isang mamahaling sasakyan. Laking gulat nito ng ibaba ang windshield ng kotse at agad na tinignan siya mula ulo hanggang paa, tila kinikila...