Homer David on media section. Played by Douglas Booth.
--
Mabilis na naupo sina Simon at yung boyfriend nya sa harap namin ni Brylle. Tahimik lang akong kumakain habang sila ay nag-uusap at nagtatawanan pa. Edi kayo na close!
"Ang sarap naman nitong menudo Brylle, kahit kailan wala ka talagang kupas. Kaya mahal na mahal kita eh." Pagpuri ko sa luto ni Brylle.
Uminom muna sya ng tubig bago nagsalita.
"Ano ka ba Red, dala yan nila Simon. Hindi ko yan kasama sa mga niluto. Hindi mo ba napansin?" sabi nito sakin.
Nanlaki naman agad ang mata ko sa sinabi ni Brylle. Oh my god! As in Oh my god talaga. Nakakahiya talaga.
Bumaling naman ako ng tingin kay Simon at nakita kong parang natatawa sya, siguro dahil napuri ko ang luto nya. Nako kung alam ko lang na sya nagluto nitong menudo, hindi ko na sana tinikman.
"Thanks for the compliment Red. Alam ko naman na masarap ako. I mean masarap akong magluto." He give me an evil grin, sabay kindat nya sakin.
Umayos na lang muna ko ng pagkakaupo at uminom ng tubig para makabawi. Medyo pahiya talaga ko sa part na yun.
Nang tingnan ko naman ang Boyfriend ni Simon ay nakangiti naman to sakin. Nagpacute pa, akala nya siguro madadaan nya ko sa kakaganyan nya. Hindi porket gwapo tong isang to, matatalo nya na ko. Pwe! Karibal ka. Huwag ako, iba nalang.
"Im Homer by the way." Sabi nito ng mapansing nakatitig ako sa kanya.
Bilang napakabait ko namang nilalang dito sa earth ay nginitian ko naman sya.
"Oh great. Homer by the way, such a nice name dear. From the rootword home. Why dont you guys go home? At tumawa pa ko. Im Red Austin Alvaro, And Im very friendly." Masayang sabi ko. At tinignan ko talaga ang reaksyon nila ni Simon sa introduction ko. Akala nila ha!
"Hahaha. Im Homer David, Simon's--" hindi nya na natapos ang kanyang sasabihin dahil ako na ang nagsalita para sa kanya.
"Oh my god! Homer David? S-so ibig sabihin mag-asawa na kayo? Kasal na kayo? Akala ko magboyfriend lang kayo." gulat na sabi ko sa kanila. Talagang lumaki ang mga magaganda kong mata sa gulat. Ganon!
Napuno naman ng halakhakan sa buong dining area ng mga sandaling iyon. Pati si Brylle ay hindi na rin mapigilan ang pagtawa.
Si Simon at Homer naman ay parang mamamatay na sa sobrang tuwa. Matuluyan sana kayong dalawa. Akala naman nitong mga to, kung makatawa wala ng bukas? Mga baliw na talaga. Walang forever mga bakulaw!
Nang mahimasmasan at makabawi sa pagtawa ay uminom agad sila ng juice.
"Red ano bang sinasabi mong mag-asawa?" tanong ni Brylle at pinipigil pang matawa ulit.
"Huh? Hindi ba sila magboyfriend or mag-asawa? Pareho na sila ng apelyido eh saka parehong gwapo, hot, matangkad, makinis, mayaman. Bagay sila. I mean ano pala. Ano yung kasi. Sinabi ko bang bagay sila? Hahahahaha. Joke lang yun ah. Wag kayong funny!" walang preno kong sabi.
"Anong funny? Ikaw nga tong nakakatawa kung ano-anong sinasabi mo dyan." Yung Homer. Feeling close agad ha, talagang tinuro pa ko.
"Oo mga funny kayo! As in funnywalain." sabi ko sabay tawa.
Tumigil lang ako sa pagtawa ng hindi na sila nagsasalita o tumatawa. Nakatitig lang silang tatlo sakin.
"Oh magka ano-ano ba kayong dalawa ha? Magtatay? Medyo hawig kayo eh." tanong ko kay Simon.
BINABASA MO ANG
Callboy, No phone! [BoyxBoy]
RomanceWala pang bente minutos na nakatayo si Red sa lugar na di kalayuan sa isang sikat na bar ay hinintuan siya ng isang mamahaling sasakyan. Laking gulat nito ng ibaba ang windshield ng kotse at agad na tinignan siya mula ulo hanggang paa, tila kinikila...