XIV. Interview

10.1K 426 49
                                    

A revised version of this chapter since I didn't save the previous one. Hope you enjoy! Comment down. Lemme know what you think.

--
Malakas na katok sa aking pintuan ang gumising sakin. Medyo nairita pa ko dahil anong oras pa lang, eh ginigising na ko ni Kuya. Hindi nya ba alam na bakasyon na namin? Pwede na kong matulog buong araw. Kainis talaga!

Hindi pa rin tumitigil sa pagkatok si Kuya kaya wala naman akong choice kundi buksan iyon.

"Hoy Gregoryo ang aga-aga ang lakas ng katok mo! Hindi ako bingi! Tulog mantika lang. Yung used oil! Para tipid. Yun ako!" sigaw ko habang papalapit sa pinto.

Pagbukas ko ay nagulat ako dahil gwapong mukha ni Brylle ang sumalubong sakin.

"Ayos ah! Ang gwapo natin at talagang nakaformal attire ka pa! Saang fine dining restaurant naman kayo magd-date ni Cara? Hanep! Bigtime na bigtime!" Natatawang sabi ko sa kanya.

"Ha-ha-ha" pekeng tawa ni Brylle at talagang sinamaan nya pa ko ng tingin.

"Eh bakit ka nga kasi nandito? Ang aga-aga pa kaya. Saka san ba talaga ang date nyo ni Cara? Dont tell me magp-propose ka na sa kanya? Oh my god!"

Binatukan naman ako ng Brylle kaya napa-aray na lang ako.

"Hoy Alvaro! Ikaw nagkatol ka na naman ba?! kung ano-anong sinasabi mo dyan. Saka anong maaga? Ngayon ang schedule ng interview natin for our internship and we only have 40 minutes to get there before they disqualified us for what? For being late dahil sa pagiging adik mo!" sermon sakin ni Brylle.

"Ay sh*t! Oo nga pala sorry nawala sa isip ko. Sige maliligo na ko agad. Wait ka lang dyan Brylle ah, wag mo kong iiwan gaya ng pag-iwan sakin dati ni Tre--." Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil si Brylle na mismo ang nagdala sakin papasok sa cr ko.

"Inayan! Ang daming sinasabi. Hubad na! Dali!!!!!" Talagang iritado na si Brylle.

"B-bakit ako maghuhubad? B-brylle naman, parang magkapatid na tayo diba? W-wag ka na mang ganyan please. K-kuya Greg! Tulooooong!" kinakabahan kong sigaw.

"Wala si Kuya Greg pumasok na sa trabaho. Putang!na Red, dalian mo na sa pagligo dahil baka ma-late na talaga tayo sa Interviewwww!" Sigaw ni Brylle. Halos mamula na sya.

Kinabahan naman ako sa tono ng boses ni Brylle kaya nginitian ko sya at agad kong sinara ang pintuan. Beastmode na si Incredible Brylle mamaya magt-transform na yan at dudurugin ako.

Naligo naman ako sa pinakamabilis kong pagligo sa buong buhay ko. Ngayon lang naman ako na-late ng gising na mayroong importanteng gagawin kaya bawal ang turtle mode. After 5 minutes ay tapos na kong maligo. Nagsuot na ko ng brief an lumabas ng cr.

"Wow sexy natin ah." si Brylle.

"I know right, kaya nga naglalaway ka na eh." biro ko at dumiretso na ko sa closet para kumuha ng damit.

"Huwag na kaya tayong tumuloy Red." sabi ni Brylle.

"Huh? Baliw ka ba? Kailangan natin yun para makapasa dahil required yun for next year! Adik ka talaga." sabi ko at sinuot ko na yung longsleeve na polo. Kulay Red yung pinili ko para litaw na litaw ang kaputian ko. Para maakit ang interviewer at pasado agad ako! Ganon.

"Adik talaga ako Red. At alam mo ba kung anong ginagawa ng mga adik Red?" Nakatitig lang siya sakin.

Lumingon naman ako sa kanya habang binu-butones ko yung polo ko.

"Malamang nagd-drugs! Pumapatay, or nagpapakamatay!" dali lang ng sagot tinanong pa ko. Kailan pa to naging bobo si Brylle? Napapailing na lang ako.

Callboy, No phone! [BoyxBoy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon