XXII. Love, Harder!

11.4K 391 28
                                    

Pagpasok ko pa lang sa loob ng bahay ni Simon ay namangha na agad ako sa ganda ng bahay. Napaka classy and cozy ng ambiance ng buong bahay. Kombinasyon ng itim, puti at abo ang kulay nito. Napakaganda talaga.

Nakaakbay pa rin si Simon sa akin simula ng lumabas sya sa kotse nya hanggang sa makarating na kami sa may kitchen. At muli akong namangha sapagkat napaka elegante talagang tignan ng lahat ng parte ng kanyang bahay. Parang mamahalin at nakakatakot hawakan. My god yung mesa namin sa bahay walang-wala sa mesa nila. Grabe talaga iba na ang yayamanin!

Umupo naman ako sa upuan habang nagpunta sya sa fridge para magluto ng dinner daw namin. At ang ideyang ipagluluto nya ko ay labis na kasiyahan agad ang bumalot sa aking puso. He's such a nice and sweet guy really. At walang dahilan para hindi ako mainlove sa kanya. Hinubad nya lang ang polo nya at sinuot ang apron at nagsimula na sa pagluluto. He's one hot chef by the way. I cant!!!

Chicken Adobo ang lulutuin nya. Sabi ko nga mag-order na lang sya ng pagkain para hindi na sya mapagod. At ang sagot nya ay gusto nya daw akong ipagluto at sabado naman daw bukas. Wala naman daw syang important meetings and such, kaya mag-a-absent na lang daw sya.

Habang naghihiwa sya ay kwinento pa ni Simon na naclosed nya daw ang isang deal sa isang client. Masaya ko na nakikita ko syang successful at masaya sa gusto nya. I will support him all the way. Ganon!

"Kamusta naman yung lunch nyo ni Trey?" tanong nya.

"Ayos naman. Sinabi ko lang sa kanya na may boyfriend na ko tapos ayun, nagwalk-out na." sagot ko habang nakatingin lang sa kanya na patuloy lang sa ginagawa.

"R, as much as possible ikaw na ang lumayo doon. Hindi ko gusto yung Trey."

"Suuus! Nagseselos ka 'no?" Pang-aasar ko.

"Ofcourse not. Mas gwapo ako doon, and besides you're not that handsome." Puno ng kayabangan na sambit nito. At tinuon na ang atensyon sa pagluluto.

"Mongoloid ka naman. Hahahahaha." natatawa kong sabi at hindi na sya nagsalita.

Wala pa rin pinagbago tong lalaki na 'to. Mahal daw ako pero hindi ako gwapo? Ganon? Cannot be, borrow one!

Ilang minuto pa ay naaamoy ko na ang sobrang bangong Chicken Adobo at nagrambulan na ang mga alaga ko sa tiyan. Grabe mga patay-gutom din!

"Alright. All done!" masayang wika ni Simon at humarap sa akin habang tinatanggal ang kanyang apron.

At bumungad sa akin ang nagmumura nyang katawan. My god! Nakakabusog talaga ang kanyang abs, chest, biceps, triceps at lahat-lahat sa kanya.

Bumalik naman ako sa realidad ng ikaway nya ang kanyang kamay sa harap ng mukha ko at biglang magsalita.

"R, sabi ko aakyat muna ko para magbihis. Ikaw na magprepare ng pagkain." sabi niya.

"Ha? Ah sige-sige. Ako ng bahala." sagot ko at uminit talaga ang mukha ko, literal na naging pula ako. Bakit kasi ang hot ni Simon at ang landi ko? Bakit? Sagot ho agad!

Isang mabilis na halik sa aking labi at dumiretso na si Simon paakyat sa kanyang kwarto.

Tumayo na ako at kumuha ng plato at nagsandok ng kakainin namin. Sinabi rin ni Simon kanina na may kasambahay daw syang napunta dito every sunday for general cleaning, though hindi naman talaga makalat yung bahay. Maintenance siguro.

Nakaready na ang lahat at si Simon na lang ang hinihintay ko. Tinapunan ko pa ng tingin ang mesa habang hinihintay si Simon. Kandila nalang ang kulang at dim light, with background music ay magiging napaka romantic at perfect na ng gabi. Pero mukhang malabo dahil hindi naman ganoon yung personality ni Simon, I guess? Sweet sya in his own way na alam nyang hindi nawawala yung pagiging swag at cool nya. Ganon! So I bet hindi sya yung overly romantic type. Pero okay lang sakin, hindi rin naman ako babae. Hahahaha.

Callboy, No phone! [BoyxBoy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon