Red & Simon on media section. They are so adorable as hell, aren't they?
--
Nagtama ang paningin namin ni Simon pagkapasok ko palang sa sala. Para naman akong nahipnotismo sa kanyang mga titig. Mga titig na makikita ang purong pagnanasa at paghanga. Walang nagpapatalo sa aming titigan. Walang gustong pumutol at bumawi saming dalawa.
Inayos pa nya ang kanyang pagkakaupo at humawak sa kanyang baba (chin).
Napakaarogante at presko niyang tignan sa ayos niyang iyon. Hindi mo talaga maitatanggi ang taglay nitong kagwapuhan. Lalaking-lalaki tignan. Sobrang hot! Ganon!
Kung ang tingin nya ay purong pagnanasa sa akin naman ay titig ng poot at galit. I still hated that guy! Kahit na ang sarap niyang halikan dahil sa sobrang pula ng kanyang mga labi na bahagya pa niyang kinagat na tila nang-aakit. Tarantado talaga tong Simon na to! Kapag hindi ako nakapagpigil, hahalikan ko na to.
Nagbalik lamang ako sa realidad ng tawagin ako ni Kuya.
"Red nandiyan ka na pala. May pizza palang dala si Kuya Simon mo para sayo. Kainin mo na lang daw ng buo kung gusto mo." Natatawang sabi ni kuya.
Napatingin naman ako ulit sa kinaroroonan ni Simon. Nagbitiw lang ito ng isang nakakalokong ngiti. Ngiti na mayroong nais ipakahulugan. At alam ko naman ang ibig sabihin. Kaya't sinamaan ko na lang sya ng tingin.
Dumiretso na lang ako sa kwarto para magpalit na ng damit. Nagsuot lang ako ng sando at boxer shorts saka bumaba na at pumunta sa kusina para kunin ang paborito at mahal na mahal kong pizza.
Pagkakuha ko ng pizza ay dumiretso na ko sa kwarto. Doon na lang ako kakain habang nagawa ng assignments.
Tuloy lang naman ako sa paggawa ng mga assigments habang nakain ng pizza. Nang matapos ay nagbrowse lang ako sa FB. Wala namang interesting na post akong nakita maliban sa picture ni Brylle kasama yung ka-date nya. Infainess dyosa ang level-an ng nililigawan nitong si Brylle, bagay sila.
Hindi na rin ako nagtangka pang i-stalk ang fb ni Trey. Masyado ng masakit ang nangyari ngayong araw.
Hindi ko namalayan ang oras. Medyo inaantok na rin ako kaya pinatay ko na ang laptop ko at naglinis na ko ng katawan. Nagtoothbrush na rin ako.
Kakahiga ko pa lang sa kama ng bigla namang may kumatok sa pinto.
Ito talagang si Gregoryo eh, baka ako pa paglinisin nya ng kalat sa baba. Inaantok na ko talaga, kainis!
Walang gana naman akong naglakad papunta sa harap ng pinto ng aking kwarto upang pagbuksan ang talipandas kong Kuya na katok pa rin ng katok.
Binuksan ko agad ang pinto at sumigaw.
"Bakit ba Kuya?!"
Nagulat naman ako ng hindi si Kuya ang makita kong nakatayo sa harap ko.
"K-kuya Simon, bakit po?" nahihiyang tanong ko. Hindi ako makatingin ng diretso sa kanya dahil na rin sa kakaibang tingin na binibigay nya sakin.
Hindi sya nagsalita. Mariin lang siyang nakatitig sa aking labi. Kinabahan naman ako sa pagkakatingin nya. Muli ay nagsalubong ang aming mga paningin. Bumilis ang tibok ng puso ko ng mga sandaling iyon. Hindi ko alam ang dahilan pero parang gusto ko syang halikan. Gusto kong magdikit ang aming mga balat.
Mabilis ang mga sumunod na pangyayari. Lumapat sa aking labi ang kanyang mga labi. Ngunit hindi tulad ng dati na marahas. Buong pagsuyo ang iginawad nyang halik sakin. Hinawakan nya ko sa aking bewang gamit ang isa nyang kamay habang ang isa naman ay nakahawak sa aking batok.
BINABASA MO ANG
Callboy, No phone! [BoyxBoy]
RomanceWala pang bente minutos na nakatayo si Red sa lugar na di kalayuan sa isang sikat na bar ay hinintuan siya ng isang mamahaling sasakyan. Laking gulat nito ng ibaba ang windshield ng kotse at agad na tinignan siya mula ulo hanggang paa, tila kinikila...