Please click the video para mas intense. I love this chapter, I hope you do too.
--Huling araw na ng internship ko ngayon at ganoon din si Brylle. At dahil last day na namin ay kailangan pa namin na umattend sa isang seminar. And having said that, kailangan magformal attire. Hindi ko kinakaya ang mga pakulo ng kumpanya nila Simon. Tinanong ko nga siya kung kailangan pa ba talagang umattend at sabi niya ay kailangan daw iyon para makumpleto ang internship.
Kaya nandito kami ngayon ni Brylle sa mall para bumili ng susuotin namin sa event mamaya. Mayroon pa naman kaming 2 hours bago ang seminar kaya hindi naman kami masyadong gahol sa oras. Sinundo ako ni Brylle sa bahay kanina dahil wala daw siyang masuot. Sakto naman na wala rin ako, kaya sumama na rin ako sa kanya.
Medyo ilang din ako ng konti kay Brylle. Dahil nga sa sinabi ni Simon nung isang araw na may gusto pala 'to sa akin. Hindi ko alam dito kay Brylle, bakit sa akin pa nagkagusto. I mean alam ko naman na perfect ako, pero may Simon na ako. Saka parang kapatid na talaga ang turing ko dito. Bestfriend, kaya hindi ko talaga magawang mahalin siya ng mas higit pa doon. Ewan ko ba dito kay Brylle sobrang gwapo naman tapos ayaw sa iba manligaw. Bahala siya. Bestfriend is bestfriend. Walang talo-talo. Haba ng buhok ko sa part na 'to.
Pumasok na kami sa isang sikat na clothing line at namili agad ako ng polo. Hindi naman ako nahirapan mamili dahil ng makita ko ang isang gray na polo ay kinuha ko agad. Nagtingin-tingin pa ulit ako ng ibang polo at nakakita pa ako ng isang kulay royal blue na polo at kinuha ko rin ito.
Hinanap ko naman kung nasaan si Brylle at ang loko nasa counter na. My god, may napili agad siya. Wala yatang balak manlibre ang isang 'to. Alam ko kung bakit. Badtrip kasi siya dahil kanina ko pa kine-kwento yung pagbabati namin ni Simon. Hindi ko naman talaga intensyon na saktan ang feelings nitong si Brylle. Talagang kinikilig lang ako at walang masabihan kaya hindi ko napigil magkwento sa kanya.
"Brylle!" Pagtawag ko sa kanya.
Agad naman siyang lumingon sa pwesto ko.
"Bakit na naman?" Iritadong sigaw niya.
Napaka rin nitong lalaking to. Walang breeding, talagang sumigaw din? Nagtinginan tuloy lahat ng customer sa ingay namin. Nilapitan ko na lang siya para sabihin na samahan niya ako sa fitting room para tulungan ako kung anong kulay ng polo ang mas magandang suotin.
Kahit medyo iritado ang loko ay walang angal naman siyang sumunod sa akin sa fitting room.
Agad naman akong pumasok sa loob ng fitting room dala ang dalawang kulay ng polo. Una kong sinukat ang royal blue na kulay. Saktong-sakto ang size. Humahapit sa aking katawan. Binuksan ko ang pinto at tumingin kay Brylle.
"Bagay ba?" Maang na tanong ko.
Pinasadahan niya naman ng tingin ang aking suot.
"Bagay naman. Dalian mo, suotin mo na yung isa! Anong oras na." Sabi pa niya.
Isasara ko na sana ang pinto para sukatin ang pangalawang polo ng magsalita siya.
"Wag mo ng isara, nakita ko na naman yang pangit mong katawan! Bilisan mo na at ng makapag-ayos pa tayo." Sabi nito.
Hinubad ko agad ang polo at binalik sa pagkaka-hanger. Nang tuluyan ng malantad ang aking topless na katawan ay narinig kong sumipol si Brylle. Nakatingin sa akin mula sa salamin habang ang isang kamay ay nakasuksok sa likod ng kanyang pantalon. Ang siraulo! Akala niya siguro hindi ko pa alam na may gusto siya sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin.
"Hoy ikaw! Anong sinisipol-sipol mo?" Tanong ko kahit alam ko naman ang sagot.
"Masama ba?" sagot niya at sumilay ang pilyo niyang ngiti.
BINABASA MO ANG
Callboy, No phone! [BoyxBoy]
RomanceWala pang bente minutos na nakatayo si Red sa lugar na di kalayuan sa isang sikat na bar ay hinintuan siya ng isang mamahaling sasakyan. Laking gulat nito ng ibaba ang windshield ng kotse at agad na tinignan siya mula ulo hanggang paa, tila kinikila...