XIII. Fast & Furious

11.5K 455 26
                                    

Mabilis na tumakbo ang mga araw. Ngayon nga ay March 2016 na at ilang araw na lang mula ngayon ay magsisimula na kami ni Brylle sa aming internship dahil tapos na ang school year.

Maraming nangyari sa nakalipas na halos dalawang buwan. Masyado kaming naging busy sa school. Naipasa naman namin ni Brylle ang lahat ng subjects at ngayon nga ay nandito kami sa registrar para i-submit lahat ng requirements for our internship. Hinihintay na lang namin ang mga papers.

Si Brylle at si Cara na rin. Going strong ang relationship nila for the last two months. Close na rin kami nun ni Cara dahil sobrang bait pero hindi pa kami nakakapagbonding ng kaming dalawa lang busy kasi kami sa mga school works lately, but hopefully after ng internship eh makapagbonding kami. Masaya ko para kay Brylle. Aftel all he deserves to be happy.

Si Trey, nagkakausap na rin kami at tuluyan na kong nakapag move-on sa kanya. Mas lalong naging gwapo ang lolo nyo! Masaya na rin sya sa boyfriend nya ngayon.

Si Kuya Greg ay wala namang bago bukod sa Supervisor na sya sa company nila. Over protective pa rin pagdating sa safety ko and sweet pa rin. Lagi pa ring nagkakaroon ng commotion everytime na nag-uusap kami. Minsan nga may gyera na sa bahay.

Si Homer, nagstart ng magtrabaho sa company nila pero hindi agad sa mataas na posisyon. Manager pa lang sya. Pero kahit hindi namanna daw sya magtrabaho ay ibibigay din sa kanya ang isa sa mga matataas na posisyon. But he insist na maging normal na empleyado muna daw sya.

Si Simon naman ay naging masyado ng busy sa trabaho at minsan ko na lang din makita sa bahay namin kapag may inuman session sila ni Kuya Greg. But the feelings I have for him did not fade. As a matter of fact, it grows more deeper everyday. And I dont actually know why. Dahil siguro gwapo at hot sya? And syempre dahil na rin sa pagligtas nya sakin sa swimming pool nila Brylle.

Bumalik na lamang ako sa realidad ng marinig ko ang aking pangalan. Agad naman akong tumayo at lumapit.

"Mr. Alvaro here's your paper." And she handed me the paper I mostly needed in my OJT.

Hindi naman nagtagal ay ibinigay na rin yung kay Brylle at sabay na kaming lumabas ng registrar office.

Tinignan ko agad sa permit kung saang company ako mag-i-internship. Todo dasal pa ko na sana sa company nila Simon para syempre, inspired ako everyday.

"Oh my god! Yes! Yes! Yes!" Sigaw ko ng makitang sa David Business Company ako mag-i-intern. Hayyy thank you lord talaga.

"Look Red, doon din ako! Ang bait talaga ng kapalaran satin. Magkasama na naman tayo." masayang wika rin ni Brylle at pinakita pa sakin ang papel.

"Oo ang bait talaga Brylle. Buong summer kong makikita ang napaka gwapong mukha ni Simon! My god! Im so excited to start." buong-gilas kong sabi.

"Grabe iba ka talaga Red. Talaga bang scholar ka? Puro ka Simon eh!" pabirong sabi naman ni Brylle at tumatawa pa.

"Ewan ko sayo! Ayaw mo talaga kong sumasaya no?" sagot ko sa kanya.

Hindi na nagsalita pa si Brylle at sumakay na kami sa kotse nya. Napagdesisyonan namin na kumain muna sa labas para mas makapag-usap pa about sa nalalapit naming internship sa Company nila Simon.

Sa greenwich kami kumain. At syempre hindi mawawala ang isang box ng pizza as an appetizer. And yes my dear, appetizer pa lang yan. Hindi pa kasi kami nagl-lunch sa sobrang tagal ng ginawa naming paghihintay sa registrar office. Like hello its already 3:00 pm.

Nang gumating ang pagkain ay kumain na kami agad. Nilalasap ko pa rin syempre ang sarap ng pinakamamahal kong pizza.

"Red, do you have a background about Kuya Simon's company?" tanong nito.

Callboy, No phone! [BoyxBoy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon