"I love you Red." muli nyang sambit at isang halik muli sa aking labi ang kanyang iginawad. Hindi naman mawala ang mga ngiti sa aking labi."So tayo na? Or should I stereotype, you know take you on a date." Nakangiti nyang sambit at hindi pa rin inaalis ang pagkapulupot ng mga kamay nya sa akin.
"Nah. Doon din naman tayo papunta, We're officially lovers Simon. No need to go out for some fancy dinner, Ayoko na ng ganun." Wika ko sa kanya at hinatak ang kanyang leeg at muling pinagsaluhan ang isang matamis at puno ng kagalakan na halik.
"Hehehe. Sige, How about lunch Red?" Masaya nyang tanong.
Paano ba yan naka-oo na ko kay Trey. I need to talk to Trey pa naman.
"Ahm Simon, What if magsleep-over na lang ako sa inyo? I have lunch with someone eh." Pilyo kong sabi na ikinalapad naman agad ng kanyang mga ngiti.
"Oh sure thing Red." Sabi nya at hinila nya ko paupo sa dalawang upuan sa harap mesa nya.
Pinagtabi nya ang mga upuan at magkahawak kamay kami habang may mga pinipirmahan syang mga papeles.
"Hindi natin pwedeng ipaalam yung relasyon natin dito. Okay lang ba?" Kalmadong wika ni Simon.
Naiintindihan ko naman ang gusto nya kaya wala akong tutol doon. Saka hindi ko rin pwedeng ipaalam kay Kuya Greg. Alangan naman sabihin ko, "Hey Kuya kami na ni Simon, ang bilis di ba?" Baka napingot agad ako nun.
"Oo naman Simon, Naiintindihan ko." Masaya kong sambit.
"I can totally say that you're a good catch R. Gwapo na understanding pa." At hinalikan nya ulit ako. Grabe buong araw yata kaming maghahalikan nito. But its okay, pabor sa akin. Hahaha
"Whats with the R?" Tanong ko kahit alam ko naman ang isasagot nya.
"R, yun ang itatawag ko sayo kapag tinatamad akong bigkasin yung pangalan mo." Natatawang sabi nya at kiniliti nya pa ko.
"Okaaaaay medyo baduy!" Pang-aasar ko.
"Baduy pala ah." At muli nya kong kiniliti. Tumigil lang sya sa pagkiliti ng mahirapan na kong huminga. Baliw talaga.
"If I only dont have any important meetings for today R, malamang nasa kama na kita." Parang bata nitong hinaing. I find it cute kaya natawa naman ako.
"Ang libog mo, pupunta na ko sa department ko at may iniwang trabaho sa akin si Sir Homer." Sabi ko.
"What? Sabihin mo sa akin kapag tinatambakan ka ng trabaho ni Homer, lagot sakin yun." Sagot agad nya.
"Ang OA, sino kaya yung hindi tumanggap sa akin nung intetview." Pagpaparinig ko.
Tumigil naman sya sa kanyang ginagawa at iniharap ako sa kanya. Hinawakan nya ang dalawa kong pisngi at nagsalita.
" Im sorry R, I have my own reason. Hindi ko kasi kaya na makatrabaho ka, you're like a drug and I can be addicted to you. So I have to do that for my own sake. Sorry for being selfish Red." Seryoso nyang sabi at isang mabilisang halik ulit ang ibinigay nya.
Oh myyy! Im so so talaga. Like so you know. Who would have thought na magiging type na type ako ni Simon? Im so talaga.
Sa bawat minutong lumilipas ay mas lalo nya pa kong pinapakilig sa mga salitang binibitawan nya. Alam kong sinsero siya sa mga iyon dahil makikita mo ang katotohanan sa kanyang mga mata.
Nagkulitan lang kami hanggang 11:30 kwentugan ng mga bagay na walang kabuluhan. Napaka sweet pala nitong si Simon pero hindi nga lang maalis sa kanya yung pagiging malibog. Paano bigla na lang magsasalita ng "I want to take you now R, uwi tayo." Na sasagutin ko naman ng isang mahinang suntok sa kanyang braso.
BINABASA MO ANG
Callboy, No phone! [BoyxBoy]
RomanceWala pang bente minutos na nakatayo si Red sa lugar na di kalayuan sa isang sikat na bar ay hinintuan siya ng isang mamahaling sasakyan. Laking gulat nito ng ibaba ang windshield ng kotse at agad na tinignan siya mula ulo hanggang paa, tila kinikila...