Lumabas na kaming dalawa ni Brylle sa office ni Simon matapos ang aming interview. Hanggang ngayon ay sobrang bigat pa rin ng pakiramdam ko dahil hindi ako pumasa sa interview. Okay naman yung mga sagot ko, bakit naman hindi ako pumasa? Wala namang problema sa qualifications ko siguro. Ganun siguro talaga ang reality ng buhay. Hindi ng talaga lahat ng gusto natin, ay makukuha natin. Ito na siguro ang isa sa pinaka malungkot na araw sa buong buhay ko bukod nung iniwan kami ni mama at namatay naman si papa. Sa totoo lang ay kanina ko pa gustong umiyak mula ng marinig ko kay Simon na hindi pala ako pasado. Plus sobrang nakakahiya pa yung ginawa ko. Muntik pa kong maghubad, bwiset na buhay yan! No choice kundi pag-apply sa iba.
"Red, alam kong gusto mo talaga ditong mag-internship pero wala eh. Hayaan mo sa iba nalang tayo. Kawalan ni Simon yun hindi mo kawalan." pakikisimpatya ni Brylle.
"Baliw ka ba? Tanggap ka na dito kaya ituloy mo to. Ako na bahala bukas magt-try akong mag-apply sa banko." sabi ko.
"Hindi, doon na lang din ako sa pag-a-applay-an mo." Pagpupumilit ni Brylle.
"No Brylle, ayos nga lang ako. Magiging okay din ako. Aaminin ko nalungkot talaga ko but I assure you. Kakayanin ko." matatag kong sabi kay Brylle.
Mas maganda kung doon na si Brylle mas magnda yung opportunity saka hindi hassle since malapit lang. I swear, I hate Simon to death! As in hindi ko na sya crush. Everything about him is just a huge turn off! Ayoko na talaga sa kanya. Kailangan ko ng magmove-on. Oo uso yun, yung magmove-on kahit hindi naman kayo. Ahhhh!
"Oo na, hindi na kita sasamahan sa pag-aapply, dahil start na rin ko bukas. Ayaw mong papilit eh." sabi ni Brylle at umiling na lang.
Uwian na rin ng mga empleyado kaya ng sumakay kami sa elevator ay medyo siksikan. Pagkalabas naman namin sa elevator ay nakita namin si Homer.
"Homer!" Medyo may kalakasan tawag nito. Pauwi na rin siguro dahil papunta na sa exit eh.
Lumingon naman sya at ng makita kami ay agad na huminto sa paglalakad at kami'y nginitian. Lumapit naman kami ni Brylle sa kanya.
"Kumusta mga interviews nyo? Kailan kayo magsisimula?" masayang tanong nito saminat nagsimula na kaming tatlo sa paglalakad palabas ng building.
Si Brylle na rin ang sumagot sa tanong ni Homer. Mabuti naman at nakakaramdam tong si Brylle.
"Medyo hindi okay eh, Ako lang kasi pumasa. Si Red hindi tinanggap." malungkot na sabi nya at tumingin sa akin.
Hindi naman ako nagsalita pa at wala akong balak ngumiti ngayon. Hindi biro ang mareject ha! Nagsalita naman si Homer.
"Grabe naman si Kuya! Baka may saltik yun ngayon. Hayaan mo try kong kausapin mamaya sa bahay." Sabi nito at inakbayan ako.
Medyo nailang naman ako sa pagkaka-akbay ni Homer dahil bukod sa hindi naman ako sanay eh sobrang daming tao ang nakatingin samin. Hindi rin nagtagal ay nasa parking area na kami.
"Red gusto mo sakin sumabay pauwi?" tanong nito.
"Huh? Hindi na, kay Brylle na ko sasabay. Salamat nalang." sagot ko naman.
"Yes love, kakatapos lang ng interview. Ngayon na ba? Sige i'll be there. I love you." Narinig kong pagkausap ni Brylle sa cellphone. And I know its Cara.
"Baby Red, pwede bang kay pareng Homer ka muna sumabay pauwi? Susunduin ko kasi si Cara my love." masayang sabi nito.
"Hayyys. Ikaw na talaga Brylle ang pinagpala. May lovelife na swerte pa sa carreer. Sige na umalis ka na." Sagot ko sa kanya.
Dali-dali namang sumakay si Brylle sa kotse nya at pinaandar na ito. Nang umalis na ang sasakyan ni Brylle ay nagkatinginan naman kami ni Homer. Matamis na ngiti namanang binigay nya sakin.
BINABASA MO ANG
Callboy, No phone! [BoyxBoy]
RomanceWala pang bente minutos na nakatayo si Red sa lugar na di kalayuan sa isang sikat na bar ay hinintuan siya ng isang mamahaling sasakyan. Laking gulat nito ng ibaba ang windshield ng kotse at agad na tinignan siya mula ulo hanggang paa, tila kinikila...