Nakayuko akong naglalakad papasok sa subdivision nila Simon. Nagdarasal ng tahimik na sana ay hindi ako makita ng mga guards. Mahigpit ang security nila dito pagdating sa mga outsider kaya kailangan kong umakto na kunwari ay residente ako sa subdivision na 'to.
Pigil-hiningang nilakad ko ang entrance at talagang hindi ako tumitingin sa direksyon ng mga guards.
"Sir!" pagtawag sakin ng isang hampaslupang tagabantay.
"Yes?" Galit-galitan kong sabi at huminto sa paglalakad. Lintik na yan!
Lumapit naman sakin yung guard. At kinausap ako.
"Hindi ho kami basta-basta nagpapapasok. Sino pong pupuntahan nyo? Halatang hindi po kasi kayo tagarito." Sabi nito.
At talagang inalipusta pa ko? So hindi ako mukhang mayaman? Kapal ng mukha nito! Hindi nya ba alam yung kasabihang Dont judge the book when you're not a judge? Siya nga mukhang kriminal yung mukha pero naka-uniporme. Packing tape!
"Brylle Lopez po, bestfriend ko. Hindi nyo ba ko nataandaan kuya? Ako yung sinundo nya dati." Paliwanag ko.
"Ah kina Sir Lopez. Natatandaan na kita Sir, ikaw yung parang magnanakaw dati dahil sa pag-aligid-aligid mo sa entrance noon. Tuloy na kayo Sir." Natatawang sabi nito.
"Hoy manong! Wag mo kong mabiro-biro ngayon baka tamaan ka sakin! Close ba tayo para magjoke ka ha? Close ba tayoooo????!" Sabi ko sabay talikod at nagsimula ng maglakad.
Mabuti na lang at natandaan ako ng pangit na yun kung hindi ay kailangan pang itawag kay Brylle eh baka galit pa yung isang 'yun sa mundo.
Tuloy lang ako sa paglalakad sa tahimik na paligid. Bakit kaya tahimik kapag pangmayaman na subdivision? May naglilista kaya ng maingay? Itatanong ko nga kay Brylle. Alam ko naman na baka gabihin si Simon dahil magba-bar pa daw sila ng mga college buddies niya kaya doon na lang ako maghihintay kila Brylle.
"Simoooon! Sumasama na yung pakiramdam ko dahil sa panahon. Yung panahong wala ka sa tabi ko." Himutok ko sa katahimikan ng paligid. Okay lang naman mag-emo, wala naman ng tao.
Subukan lang talaga niyang lokohin ako. At yung Zia na yun! Makakatikim talaga silang dalawa sakin ng bagay na hindi nila magugustuhan.
Gusto ko rin matutong magluto. Gusto pala ni Simon ng magaling magluto. At yung Zia chef pala. Whatever! Natututunan naman lahat ng bagay. Magpapaturo ako kay Kuya Greg magluto saka kay Brylle or kahit ano basta matuwa si Simon.
Hindi naman nagtagal ay nasa harap na ko ng bahay ni Simon at Brylle, magkaharap lang kasi sila ng bahay. Tinungo ko naman ang gate ng mala-mansyon na gate nila Brylle para magdoorbell. Pero nang makita kong bahagyang nakabukas ang gate ay tuluyan na kong pumasok. Kailan pa nakalimutan ni Brylle magsara ng gate? Kung sabagay mukhang wala namang makakapasok na magnanakaw dito.
Nakabukas naman ang front door ng bahay nila Brylle kaya diretso pasok na rin ako. Natanaw ko naman agad siya na nakaupo sa sofa kaharap ang tv. Tumutungga pa siya ng beer. Kahit kailan, napaka lasenggo talaga nitong bestfriend ko eh. Sunog-baga talaga ang libangan.
Dahan-dahan akong naglakad papalapit sa likuran niya. Balak kong gulatin si Brylle para, intense!
Hakbang na punong-puno na pag-iingat na hindi marinig ang bawat yabag, kasabay ng pagpipigil sa pagtawa ang aking ginawa. Nang tuluyan na akong nasa likuran ni Brylle ay isang malakas na sigaw ang pinakawalan ko.
"BALUGAAAAAA!" sigaw ko.
Napatayo naman sa gulat si Brylle at dinampot pa ang vase na nasa ibabaw ng coffee table para sana ibato sakin. Mabuti na lang at nakapagpigil si Brylle, akala nya daw kasi kung sinong abnormal.
BINABASA MO ANG
Callboy, No phone! [BoyxBoy]
RomanceWala pang bente minutos na nakatayo si Red sa lugar na di kalayuan sa isang sikat na bar ay hinintuan siya ng isang mamahaling sasakyan. Laking gulat nito ng ibaba ang windshield ng kotse at agad na tinignan siya mula ulo hanggang paa, tila kinikila...