VII. Truth

12.1K 473 40
                                    

This Chapter is dedicated to Teejayjay23 dahil sa napakaganda nyang feedback sa story na ito.

And ofcourse para rin sa lahat ng loyal voters and patuloy na nagc-comment. Nakakatuwang mabasa na natutuwa kayo. So this is it. Enjoy!

--


Todo kapit ako sa aking kinauupuan dahil sa sobrang bilis ng pag-andar ng aming sinasakyan.

"T*ngina Simon! bagalan mo naman yung pagpapatakbo. Hindi pa ko ready mamatay! Marami pa kong pangarap sa buhay. Saka kailangan ko pang magmove-on! Masamang mamatay ng brokenhearted. Baka hindi pa ko tanggapin nyan sa langit!" sigaw ko sa kanya.

Hindi naman nagtagal ay unti-unti ng bumabagal ang pagpapatakbo niya sa sasakyan. Nakahinga naman ako ng maluwag.

Mabuti naman at binagalan na nitong hayop na to ang pagpapatakbo, muntik na kong kapusin ng hininga doon.

Pinunasan ko naman ang pawis sa aking noo na kanina pa tumatagaktak dala ng sobrang kaba.

"Binilisan ko lang yung pagpapatakbo baka kasi gusto mo ng pumunta sa langit." sabi nito sabay tingin sakin at nagbigay ng pilyong ngiti.

Sinamaan ko lang sya ng tingin.

"Hindi ka mapupunta sa langit! Kaya wag ka ng mangarap! Bwiset!" sigaw ko.

"Is that how you answer your customer?" tanong niya sakin.

Hindi ko sya sinagot. Sasabihin ko na lang sa kanya yung totoo kapag nahatid nya na ko sa bahay namin. Tinatamad na kong pakipag-away dito.

Buti na lang gwapo tong CD na to kung hindi, pinapatay ko na to eh. Walang kupas!

"So tell me, bakit ka pala nag-callboy? Hindi ka ba binibigyan ni Greg ng pera or what?" Seryosong tanong nito habang diretso lang sa pagmamaneho.

Wala na talagang pag-asa tong isang to. Hayyys

Medyo traffic pa kaya nainip lang ako lalo. Dapat pala hindi na lang ako sumakay eh. Akala tuloy nitong Simon na to callboy talaga ko. Double my prize daw? Kapal ng mukha!

Hindi pa rin naandar ang mga sasakyan na nasa harap namin dahil sa sobrang traffic. Grabe baka bukas pa ko maka-uwi nito, yari talaga ko kay Kuya.

Ano hindi na kayo gagalaw ha? Dyan na lang ba kayo sa pwesto nyo? Anak ng! Move-on kailangan nyong magmove-on para makarating kayo sa tamang tao! Dumungaw ako sa bintana at sumigaw sa mga sasakyang nasa harap namin.

Pinagtinginan lang ako ng mga nakarinig sa akin. Yung iba eh, nagbubulungan pa.

"Wow ang lalim. Hulaan ko nainlove ka sa isa sa mga customer mo no? Tapos hindi ka kayang mahalin. Tama ba?" tanong nito.

"Ewan ko sayo! T*ngina mo!" sabi ko.

Mukhang hindi naman nya nagustuhan ang pagmumura ko sa kanya.

Nakita kong napahigpit sya ng hawak sa manibela ng sasakyan at masamang tumitig sakin. Nagpipigil sigurong sikmurahan ako.

Natakot naman ako sa naging reaksyon ng mukha nya. Kaya tumahimik na lang ako at hinintay na umandar muli ang sasakyan. Ayokong umuwi ng lumpo, kaya kailangan kong tumahimik.

"How old are you Red?" tanong nya, siguro para mawala ang tensyon sa pagitan naming dalawa.

Umayos naman ako ng pagkaka-upo at tumikhim bago ko siya sagutin.

"N-nineteen years old na ko." sagot ko naman.

"Alright. So you go to ZLSU right?" tanong pa nito.

Callboy, No phone! [BoyxBoy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon