Nagising ako mula sa sinag ng araw na tumatagos sa sliding window ng kwarto ni Simon. Sinilip ko pa ang mahimbing at payapang bulto nito sa aking tabi. Marahan kong inalis ang pagkakayakap nya sa akin upang hindi siya magising.
Pagkatayo ay dumiretso ako sa cr upang maglinis ng katawan. Hindi na naman masyadong mahapdi yung pang-upo ko. Naalala ko pa ang nangyari kagabi. I just smile to fade the thoughts at nagsipilyo na ako ng matapos maligo.
Paglabas ko ng cr ay nakatapis na lang ako ng tuwalya at ng tignan ko sa kama si Simon ay tulog na tulog pa rin ito. Masyado yatang napagod kagabi.
Kumuha naman ako ng boxer shorts at sando sa closet ni Simon. Habang nagsusuot ng damit ay tinignan ko sa bedside table kung anong oras na at quarter to seven na. Hinalikan ko pa sa labi si Simon bago tuluyang bumaba. At ang aking agenda for this morning, magpaka-master chef.
Dala-dala ang aking cellphone ay tinungo ko ang kitchen at hinalughog ang laman ng kanyang ref. Simpleng almusal lang naman ang gagawin ko kaya wag kayong kabahan. Promise hindi ko susunugin yung bahay ni Simon. Gusto nyo gumawa pa ako ng promisory note?
Since favorite ko ang sinangag for breakfast ay ito ang napili kong lutuin for Simon. At dahil mataba ang utak ko, gusto kong magluto ng sinangag with a twist. Tatawagan ko sana si Kuya Greg para sa recipe nya ng sinangag with a twist na napakasarap talaga kapag natikman nyo. Kaya lang naisip ko na baka pauwiin ako ni Kuya. So wag na lang.
Nagsearch ako ng Sinangag Recipe with a twist sa internet gamit ang aking cellphone at ng may lumabas na result ay agad kong pinindot.
"How to make Sinangag w/ a Twist"
1. Ihanda lahat ng sangkap sa pagluluto. Painitin ang kawali. Oo painitin mo, gaya ng pagpapainit mo sa ulo ko sa tuwing makikita kong kasama mo yang kabit mo!
2. Maghiwa ng bawang. Kahit ilan. Mas marami, mas maigi para hindi aswangin yang bf mo.Ay punyeta yan. Ano ba yang recipe na yan? Ibang twist yata yan eh. Bakit naman ganon yun? Hindi ko na tinapos yung pagbabasa dahil hindi naman yata totoo yun. Parang bitter yung nagsulat ng recipe na yun. Bahala na, magluluto na nga lang ako sa abot ng aking makakaya.
So instead, hinanda ko na lang lahat ng sangkap. Kahit paano ay nakikita ko rin naman si Kuya Greg magluto so feeling ko kaya ko to. Para sa mahal ko, para kay Simon.
Nang uminit na ang mantika at kawali ay nilagay ko na ang bawang at maya-maya ay nilagay ko na rin ang ham na hinawa ko into cubes at bacon into vertical slices. Nagpaka warrior pa ako dahil sinasalag ko ang nagtatalsikang mantika. My god! Sabi ko na nga ba't hindi lang ako pang master chef eh. Panglabanan din ako!
Matapos ang ilang minuto ng pakikipaglaban sa mga mantikang feeling fountain sa pagtatalsikan na nagpasakit talaga sa ulo ko at nag-iwan ng ilang paso sa kamay ko, ay naluto ko na ang sinangag na medyo over-cooked pa dahil medyo nasunog yung kawali. Medyo lang naman.
Nang matapos kong mai-prepare ang lahat ay nilagay ko na ito sa tray at nagsimula na akong maglakad pa akyat sa kwarto nya.
Nadatnan ko naman si Simon na nagpupunas ng buhok at naka-boxer short lang sya. Oh my god! Katawan pa lang ulam na talaga. Pahinging kanin lima, tapos malamig na tubig isang timba! Daliiii!
"Good Morning Simon, breakfast in bed." Nakangiti kong sabi ng matapos syang magpatuyo ng buhok.
"Good Morning Red. You didnt tell me, may talent ka pala sa pagluluto." Sagot niya at kinuha ang hawak kong tray.
"Ay oo talented talaga ko." Sabi ko pa.
Pinaupo ko na sya sa kama at pinasandal sa may headboard. Pagsisilbihan ko sy ngayon. Besides, busy na tao tong boyfriend ko saka minsan lang kami magsama so I want to make the most out of it.
BINABASA MO ANG
Callboy, No phone! [BoyxBoy]
RomanceWala pang bente minutos na nakatayo si Red sa lugar na di kalayuan sa isang sikat na bar ay hinintuan siya ng isang mamahaling sasakyan. Laking gulat nito ng ibaba ang windshield ng kotse at agad na tinignan siya mula ulo hanggang paa, tila kinikila...