XXVI. Wounded

8.6K 370 85
                                    

Sa may kanto lang ng subdivision namin ako nagpababa kay Brylle, hindi naman na sya nagpumilit pa na ihatid ako hanggang sa bahay dahil may pupuntahan daw sya. Hindi ko na rin tinanong kung saan. Dahil sigurado naman akong sa inuman ang punta nung lalakung yun. Mabuti na lang at nakita ako ni Brylle, kung hindi baka nag "A Walk to Remember" talaga ako pauwi kung nagkataon. Bwiset na holdaper kasi yun eh, Badtrip!

"Psst! Pogi!" rinig kong tawag ng isang boses. Nagpalinga-linga naman ako. Hinahanap kung saan nagmula ang tinig.

Teka nga, bakit ba ako huminto? Sigurado ba kong ako yung pogi? Medyo nagiging makapal na rin mukha ko lately. Sa tuwing may natawag ng pogi, ako agad? Napailing na lang ako at nagpatuloy sa paglalakad.

Ngunit hindi pa ako nakakalayo ay nakarinig ulit ako ng pagsitsit sa aking likuran. Nang lingunin ko ito ay dalawang lalaking mukhang adik ang namataan ko di kalayuan sa aking pwesto. Nakangisi ng nakakaloko. Bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi dahil sa kilig kung hindi dahil sa kilabot. Bago pa mahuli ang lahat at mauwi na naman sa isang masalimuot na kaganapan ang gabing ito ay kumaripas na ako ng takbo. Hindi na nga yata sumasayad ang aking mga paa sa lupa dahil sa sobrang bilis ng aking pagtakbo. Mabuti na lang talaga at mahilig akong maghabol. Ganon!

Binagalan ko lamang ang aking pagtakbo ng nasa tapat na ko ng guardhouse ng subdibisyon namin. Huling sulyap sa aking likuran at swerteng nasa malayo pa ang mga hinayupak. Safe na naman ako dito sa subdivision namin kaya't hindi ko na kailangan pang tumakbo ng ganoon kabilis.

10:00 pm na ng tignan ko sa orasan sa may guard house. Feel ko ay tulog na iyon si Kuya Greg kaya wala na kong problema. Humahapdi na rin ang sugat ko sa gilid ng aking labi dala ng pagkakasapak ko kanina.

Pagkaraan ng ilang minutong paglalakad ay dahan-dahan ko ng binuksan ang gate sa bahay. May sikreto akong taguan ng duplicate ko ng susi sa mga ganitong pagkakataon, kaya hindi problema sa akin ang makapasok. Pero dahil gabi na nga ay siguradong tulog na si Kuya Greg.

Nang buksan ko ang pinto ng bahay ay bumungad agad sa akin si Kuya Greg na nakatayo sa harap ng pintuan at naka cross arms pa. Lintik, wala akong lusot nito.

"Anong oras na Red?" Tanong ni Kuya.

"Kuya naman, talaga bang hinintay mo pa ko ng ganito katagal para lang magtanong ng oras? Ayan orasan oh!" Sagot ko at iniiwas ang mukha kong makita ang sugat. Lalolang akong mayayari nito.

"Wag kang pilosopong bata ka, makakatikim ka!" Seryosong sabi nito. Aambahan na ko ng pingot sa tenga. Mabuti na lang at nakaiwas ako.

"10:15 pm na po Kuya Greg." sagot kong nakayuko pa rin.

"Oh tapos?" Tanong pa rin niya.

"Anong tapos? Ganyan naman kayo! Binigay na sa inyo lahat ng oras, kayo pa yung umiiwas!" Sabi ko.

At dahil dakila ako, nakatikim ako ng instant pingot kay Kuya Greg. Nasasarapan na 'to sa pagpingot sa akin eh.

"Napaano yang pisngi mo? Bakit may bangas ka banda sa labi? Nakipagbasag-ulo ka 'no? Sinabi ko na't nagsasa-sama ka sa mga tambay eh!" Galit na sigaw ni Kuya.

"Kuya naman! Parang tanga eh. Hindi nga ko nag-aadik! Kainis ka ah!" Nakabusangot kong sabi.

"Oh sige, care to explain?" Nanunuya niyang sabi.

"Buti pa yung explain may nagki-care, sakin wala." Madamdamin kong sambit at umupo sa sofa.

"Dami mong alam na bata ka! Kukuha lang ako ng panglinis dyan sa sugat mo, saka band-aid. Ipaliwanag mo mamaya kung napaano ka." Iiling-iling na sabi ni Kuya Greg at nagsimula ng humakbang paakyat sa kwarto niya.

Callboy, No phone! [BoyxBoy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon