Matiyaga pa rin akong nakatayo sa harap ni Simon. Hinihintay na sabihin niya sa kausap niyang babae kung sino ako. Pero ang salitang lumabas sa kanyang bibig ay nagdulot lamang ng sakit at kirot sa aking dibdib. Sandali akong nahirapang huminga at naniningkit ang mga matang tumitig sa kanya matapos niyang sabihin kung ano at sino ako para sa kanya.
"Dont mind him Bella, he's just an intern here. You may go now Red." sagot ni Simon sa babae na ang pangalan pala ay Bella. At isang tingin ang itinapon sakin.
"Oh really Simon? Look at your boy, he look so pained. You can change your answer my dear. Is he your new flavor of the month?" Sabi ni Bella na puno ng kasosyalan at kaartehan ang pagsasalita at nagawa pang ngumiti na parang demonyo.
Patawa yata tong babaeng 'to eh, ako flavor of the month? Ano ko ice cream? juice? cake? Sarap sampalin nitong Bella eh. Bwiset, akala mo kung sino. Subukan lang nitong landiin si Simon at makakatikim siya sakin. At itong Simon na 'to ha, nagagawa pa talagang makipaglandian sa iba habang ako eh halos magahasa na ni Trey. Natigil lang ako sa malalim na pag-iisip ng magsalita ulit si Bella. Hindi ko rin sinunod ang utos ni Simon na lumabas na ko ng office nya kaya alam kong medyo naiirita na rin sya base sa hilatsa ng kanyang mukha na salubong na ang kilay at naniningkit ang mga mata habang umiiling-iling pa.
"You're Red right? What made you think that Simon will take you seriously? Like really? Look at yourself boy." Maanghang na tanong niya sakin.
Hindi agad ako nagsalita. Tumitig muna ako kay Simon. Humihingi ng pagsang-ayon ngunit umiling lang siya. Mas pinili ko ang hindi magsalita sa pagkakataong ito. Alam kong ayaw ipaalam ni Simon sa iba ang relasyon namin kaya kahit gustong-gusto kong sabihin sa Bella na ito kung sino ako sa buhay ni Simon ay hindi ko ginawa. Dahil iyon ang mas makakabuti sa sitwasyon namin.
"What the fvck Bella! I told you, he's just an intern. Besides he's not my type! You better drop the subject about me-having a new flavor of the month. " pagsagot ni Simon.
Alam kong sinasabi niya lang ang mga bagay na iyon upang pagtakpan ang aming lihim na relasyon. Pero paano kung totoo rin na flavor of the month nga lang ako? Wala pa kaming isang buwan bilang magboyfriend kaya hindi pa rin ako nakakasigurado kung totoo lahat ng sinasabi ni Simon. But I choose to trust him. I love him and I guess thats a valid reason to believe him.
Ang magulo kong utak ay lalo pang gumulo dahil sa buhol-buhol na problema at sitwasyon na kinakaharap namin ni Simon. Hindi ko alam kung bakit kailangan namin pagdaanan ang ganito samantalang wala pa naman kaming isang buwan bilang magkapareha. Hindi ko alam, sakit sa ulo! Panghahawakan ko na lang ang tiwala na mayroon ako kay Simon. Dahil mahal ko siya. Sa tingin ko, iyon ang dapat na pairalin ko sa mga ganitong pagkakataon. Tiwala at hindi hinala. Kahit gusto kong tanungin sya ngayon kung girlfriend nya ba ang babaeng 'to ay hindi ko na lamang tinanong.
Ang mga salitang binigkas ni Bella ang sandaling nagbigay sa akin ng kasiyahan. Naging napakasarap sa aking pandinig ng kanyang mga sinabi na tila gusto kong ulit-ulitin. Nakahinga ako mg maluwag. Tila isang tinik sa dibdib ang nawala.
"Im Bella, his older Sister." Sabi nito na puno ng kaartehan.
"Good morning po mam." nakangiti kong sabi. Akala naman nitong Bella na 'to may pake ako? Pwe!
"You know what Red? I really dont like you for my brother. So stop the shit going on between the two of you or Dad will know about this." mataray na pahayag ni Bella at tumingin pa ng seryoso kay Simon. Tila naghahamon.
Nakita ko naman ang pagrehistro ng galit sa mga mata ni Simon. Bakas sa kanyang mukha ang inis sa kanyang kapatid. Walang duda na hindi sila magkasundo base sa mga sagutan nila.
BINABASA MO ANG
Callboy, No phone! [BoyxBoy]
RomanceWala pang bente minutos na nakatayo si Red sa lugar na di kalayuan sa isang sikat na bar ay hinintuan siya ng isang mamahaling sasakyan. Laking gulat nito ng ibaba ang windshield ng kotse at agad na tinignan siya mula ulo hanggang paa, tila kinikila...