Simon David on media section. Played by Channing Tatum.
--Maaga kong nagising dahil linggo ngayon ay balak kong magsimba. Magbabawas lang ako ng kasalanan. Umaapaw na kasi. Hahaha joke lang.
Pero magsisimba talaga ko ngayon. Kaya naman naligo na agad ako. At nagbihis sa pinaka mabilis kong kilos upang hindi ako ma-late sa first mass. Hindi na rin ako nag-abala pang gisingin si Kuya dahil alam kong sa second mass sya laging nagsisimba.
Kaya naman ng matapos na kong mag-ayos ng sarili ay kinuha ko na ang wallet ko at cellphone.
Siniguro kong naka-lock ang gate, ng masigurong secured na ang aming bahay ay naglakad na ko papalabas ng subdivision para sumakay ng jeep.
At makalipas ang ilang minuto ay nasa simbahan na rin ako.
Nang matapos ang misa ay dumiretso agad ako sa bahay. Naisipan kong sa bahay nalang din kumain ng almusal dahil mag aalas-otso palang naman at marami pa kong lilinisin kaya kailangan ko talagang umuwi, saka bawal naman akong gumala. Saklap eh.
Sumakay na ko ng jeep pauwi at nagtricycle papasok ng subdivision. Pagpasok ko ng bahay ay nakapang-alis na get-up naman si kuya. Magsisimba na siguro.
Dumiretso na rin ako sa kusina dahil nagugutom na ko. Umupo agad ako at tumapat sa mesa. Sakto sinangag at hotdog ang almusal.
Habang kumain ako ay lumapit pa si Kuya mula sa sala para magpaalam.
"Red magsisimba na ko ah. Mag-ingat ka dito. Linisin mo na rin tong bahay at huwag kang gagala. Remember grounded ka. Okay?" paalala pa nya.
"Okay copy. You can go now. Baka mahuli ka pa sa mass. Bye Kuya!" magalang kong wika.
"Oh Sure thing. But before I leave, hindi pala ko mag l-lunch dito. Sa mall nalang ako kakain. So ikaw nalang magluto ng kakainin mo okay?" dagdag pa ni kuya.
"Opo kuya masusunod lahat ng iyong huling habilin. Joke!" biro ko pa.
"Loko ka talaga. Oh sige na alis na ko. May ipapabili ka ba sa mall? Pasalubong? Ano bang gusto mo?" Pahabol pa ni kuya. Wala na yatang balak umalis ang daming chika eh. Hindi tuloy ako makakain ng ayos.
"Anong gusto ko? Kuya gusto kong makalimot." madamdamin kong sabi sabay bitiw ng isang malalim na buntong-hininga.
"Bahala ka na nga dyan, ang drama mo nitong mga nakaraang araw. Bwiset!" sabay lakad paalis.
"Kuya joke lang. Pasalubungan mo ko ng pizza ah, Yung Hawaiian flavor para walang hiwalayan!" sigaw ko para siguradong marinig.
Ilang saglit pa ay narinig ko na ang pagsara ng gate. Hudyat na nakaalis na si kuya. Tinuloy ko nalang ang pagkain upang makapaglinis na rin ako kaagad dahil magluluto pa ko.
Nang matapos akong mag-almusal ay hinugasan ko na kaagad yung platong ginamit ko. Nagpahinga lang ako saglit at nagsimula na kong maglinis.
General cleaning ang ginawa ko. Nag-mop talaga ko ng todo, nagpunas ng bintana at nagkuskos ng cr, yun lang at konting ayos. Actually hindi naman talaga makalat at magulo yung bahay. Organize at masinop naman kami ni kuya, Ni hindi nga rin madumi yung sahig feel ko lang din i-mop. Pero okay na rin to iwas boring.
By 11:30 eh natapos na rin ako sa aking general cleaning.
Pumunta na ko sa kusina at tinignan sa ref kung anong pwedeng lutuin.
At dahil pang master chef ang talent ko pagdating sa pagluluto ay sinara ko ulit ang ref at kumuha nalang ako ng de-lata sa stocks.
Pagkatapos kong kumain ay nanuod lang ako ng TV. Pamatay oras lang. Pero hindi pa rin nawala ang boredom ko.
BINABASA MO ANG
Callboy, No phone! [BoyxBoy]
RomanceWala pang bente minutos na nakatayo si Red sa lugar na di kalayuan sa isang sikat na bar ay hinintuan siya ng isang mamahaling sasakyan. Laking gulat nito ng ibaba ang windshield ng kotse at agad na tinignan siya mula ulo hanggang paa, tila kinikila...