Prologue

473 5 2
                                    

Ang buhay daw ng tao ay sadyang napakaiksi.  Hindi mo alam kung kailan matatapos ang taning mo sa mundong ito.  Hindi mo sigurado kung kailan ka lilisan.  Hindi mo alam kung kailan ka mamamaalam sa mga taong mahalaga sa iyo.

May isang bagay na hindi natin maiiwasang lahat.  Gustuhin man natin o sa hindi, doon at doon pa rin ang bagsak natin.  Sadyang ganoon nga lang ang buhay; may nauuna , may nahuhuli.  Hindi ka naman puwedeng makipagbargain kay Kamatayan kapag dumating na siya para sunduin ka.  Hindi ka naman puwedeng magsabing, "Wait lang.  Hindi pa ako ready."

Ngunit ano nga ba ang mas masakit?  Ang lumisan? O ang maiwan?


Ako man hindi ko din alam ang sagot dyan pero isa lang ang masasabi ko takot ako sa kamatayan. Meron ngang nagsabi sa akin na habang nabubuhay ka pilitin mong maging masaya, gawin mo lahat ang bagay na gusto mong gawin dahil once na dumating na ang judgement day mo hindi mo na magagawa ang lahat. Pero paano ka naman magiging masaya sa buhay mo kung meron kang mga bagay na kinatatakutan at hindi pinagkakatiwalaan dahil ang alam mo ang mga bagay na iyon ay walang idudulot sayong maganda kundi sakit at kalungkutan kasi sa isip mo ang mga bagay namang iyon ay palaging may katapusan.



Ako simple lang ako at pinipilit kong maging masaya sa buhay ko pero may tatlo akong bagay na hindi pinagkakatiwalaan ang love, ang promises, at ang forever......

pero lahat ito nagbago ng nakilala ko siya, binigyan niya ng kulay ang buhay ko na akala ko wala ng pag-asa, pero bakit kay lupit ng tadhana, kung kelan ako naging masaya saka ko naman malalaman na kailangan ko ng umalis sa mundong ito sa takdang panahon.....

 

"Forever..... No matter what I promise I will always love you"

ito ang mga huling salita na narinig ko mula sa mga labi mo na sobrang nagpasaya sakin....

LOVE, PROMISE, FOREVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon