Chapter 28

42 1 1
                                    

"Wow ang ganda talaga dito, mabuti na lang at dinala ako dito ni Will"

Lumilingon lingon ako dahil sa tuwa ng aking nakikita sa paligid. Napaka cute talaga ng shop na ito dahil may small garden at nakakapagpagaan ng pakiramdam ang lugar na ito.

"teka bakit parang ang tagal naman atang bumalik ni Will?"

Habang inaantay ko si Will na bumalik, naisipan ko ulit tingnan ang teddy bear na ireregalo ko kay Kuya ang cute cute kasi ang sarap panggigilan. Hindi ko nalamalayan na may lumapit na pala saking dalawang lalaki.

"Hi Miss, mag-isa ka lang ba?" Sabi nung isa

"May kasama ako" Sagot ko naman sa kanila

"Boyfriend mo ba? sayang naman ang cute mo pa naman" Sabi pa nung isa

Hindi ko na sila pinansin dahil ayoko talagang nakikipagusap sa mga hindi ko kakilala lalo na sa mga taong kagaya nila. At may biglang lumapit pang isang lalaki.

"Kayong dalawa anong ginagawa nyo dito?" Sabi nung lalaking bagong dating

"Wow, ang cute mo naman gusto mo bang sumama samin?" Tapos inangat niya ang ulo ko para mas makita niya ang mukha ko. Hahampasin ko na siya sana pero.....

Biglang akong nanginig sa nakita kong pagmumukha nung lalaki. Halos magblangko ang isip ko sa aking nakita at unti-unting pumatak ang mga luha ko. Nakaramdam ako ng takot, galit, at kung ano ano pa. Nanginginig ang buo kong kalamnan. Para bang sa isang iglap lang bumalik lahat sa isip ko ang mg pangyayaring matagal ko ng gusto kalimutan, mga pangyayaring ibinaon ko na sa lupa, mga pangyayaring pinalangin kong sana naging panaginip na lang. Hindi ko napigilan ang sarili ko at umalis agad ako sa lugar na iyon hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko pero patuloy pa din ako sa pagtakbo.

"Ba-bakit nakita ko pa siya?! Bakit? Bakit?! Bumabalik lahat! Lahat lahat! ang sakit! Sobrang sakit! Akala ko nakalimot na ako! Pero bakit?! Bakit nagkakaganito ako?!”

Nakaramdam ako ng sobrang pagsakit ng ulo ko! Sobrang sakit! Napakasakit na para bang any minute sasabog na siya! Ayoko na! Ayoko ng ganito!!!

 

 

<WILLFRED'S POV>

Lalapitan ko na sana si Ayis pero bigla itong tumakbo at nilampasan ako.

"a-anong nangyari?!"

Dali dali kong nilapag ang binili kong cakes at kinuha ko ang mga pinamili ni Ayis na gamit. Susundan ko na sana si Ayis pero natigilan ako kung narinig ko ang pag-uusap ng mga lalaking lumapit kay Ayis kanina.

"Pare, kilala mo ba ang babaeng iyon?"

"Oo nga Khalen, nagulat ako sa naging reaction niya ng nakita ka, bigla ba namang umiyak at tumakbo."

"Ah yun ba, ex ko yun."

"Siya ba yung ikinuwento mo samin dati na pinaglaruan mo lang?"

"Haha, grabe naman yung salitang pinaglaruan pero pwede na din nating sabihin na niloko ko. Haha. Uto uto naman yung babaeng yun eh akala nya minahal ko talaga siya pero ang hindi niya alam na plano lang naman lahat iyon nung kaibigan niya. Haha. Kaya lang naman ako pumayag kasi may kapalit yung ginawa ko. At saka wala kasi akong mapaglaruan nung mga panahong iyon eh kaya ganun. Napaka boring ng babaeng yun! Walang taste sa pananamit! Ni hindi marunong mag-ayos! Akala nga ng iba katulong ko yun eh hahaha. Nakakahiya siyang kasama sa totoo lang. Siya na ata ang pinakaworst na babaeng nakarelasyon ko."

"Ang sama mo naman pare. Hahahahaha"

Sobrang naginit ang ulo ko kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko at sinuntok ko yung isang lalaki na pinagsalitaan ng masama si Ayis na ikinabagsak agad niya. Sobrang nilaksan ko talaga ang pagkakasuntok ko! Gustong gusto kong basagin ang pagmumukha niya ngayon! Kulang na lang talaga patayin ko na siya!

LOVE, PROMISE, FOREVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon