Chapter 4

64 1 0
                                    

<REIN’S POV>

Normal day naman ngayon nakaka two weeks na ako sa academy na ito, as usual boring lessons, boring classmates este hindi pala lahat except kay Patrick, Ayis, at yung Demi. As always madami na namang mga babae dito sa room namin, nakakairita na nga eh hindi ko lang pinapahalata, pero sa totoo lang talaga bwisit na bwisit na ako sa kanila ang lalandi ah gusto ko silang pagbuhulbuholin at isabit sa puno ng manga pero syempre hindi ko yun pwedeng gawin sabi kasi sakin nung old man na yun ang babae hindi sinasaktan kahit bwisit na bwisit ka na sa kanya.

Maraming nag-aya sakin maya’t maya na lumabas nakakasawa na talaga pero tumanggi lang ako sa mga ito kasi hindi talaga ako interesado

“Pare sama ka samin kulang kami ng isang lalaki eh” Classmate boy 1

“Oo nga naman Rein, sama ka samin magkakaraoke at magaarcade kami masaya yun

Please?” Classmate girl 1

“Oo nga pare para naman magkakilakilala tayo” Classmate boy 2

“Maraming chixs dude, meron din kami mga makakasama from other school.” Classmate boy 1

“Sorry hindi ako pwede, marami akong gagawin eh. naiinis na talaga ako sa mga ito” Sagot ko naman

“Mamaya mo nalang gawin yun” Classmate girl 2sabay pulupot sa braso ko

“Ang harot ng babaeng ito kung makapulupot akala mo ahas. Sorry hindi talaga pwede eh next time nalang siguro.”

“Promise yan ha” Classmate girl 2

“Wala ka bang balak tangalin yang braso mo sakin?” *inalis ni Rein yung braso nung babae sa kanya*

Ayoko talaga sa lahat ang ganito nakakainis na talaga, tapos ang lalandi at kahaharot pa ng mga babae. Anong klase ba itong school halos lahat ng tao dito nakakasura. Bakit pinipilit ko pang papasukin ulit ako dito ng matandang yun nakakainis pala ang mga tao dito tapos yung isa pang yun ah basta nakakainis lang talaga.

Every lunch at after class maraming nag-aayang babae kay Rein, pero tuloy pa din ang pagtanggi ni Rein sa mga ito. Napansin ito ni Patrick kaya tinanong niya si Rein

“Pare”

“Oh, akala ko umalis ka na”

“Haha nakita kasi kitang parang ewan diyan”

“Huh? anong parang ewan”

“Teka bakit ang lamig mo naman makitungo sa mga babae?”

“Hindi naman ah. Ayoko ko kasi talaga sa mga taong kagaya nila napa trying hard tapos ang lalandi pa”

“Palagi mo silang tinatanggihan eh. Kawawa naman sila. Hehe”

“Hindi ko lang kasi gusto ang pinapalibutan ng mga babae. Haha. Hindi mo ako kagaya pare.”

“Haha. Hindi naman ako ganun, ugali ko lang talaga na hindi tumatanggi sa mga favors.”

“Ah ganun ba. Siguro ako depende sa mga favors. Hahah. Ewan ko ba kung pano nakakatagal itong si Patrick”

“Ikaw ba hindi ka ba yung parang naaasiwa na sa kanila?” Tanong ko sa kanya

“Sa totoo lang hindi naman sa naaasiwa, yung para bang nakakasawa na at yung nakakabingi na sila minsan nakikisama nalang ako.”

“Hanga ako sayo natatagalan mo sila.”

“Wala kailangan eh.”

“Dahil sa SC Vice President ka at class representative?”

LOVE, PROMISE, FOREVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon