Chapter 17

48 1 0
                                    

“Remember him? Grabe ang laki na ng pinagbago niya ano Ayis? Hahaha” Sabi ni Kuya

“Ikaw yung lalaki kaninang tumulong samin.”

“Nagtatampo na ako sayo dalawang beses mo na akong nakita hindi mo pa din ako nakikilala.” Sabi naman nung lalaki

“Eh?”

“Hindi mo ba talaga ako natatandaan? Totoo palang naging makakalimutin ka na. Hahaha”

“Eh?”

“It’s been 7-8 years I guess?”

“Eh?”

“Puro ka na ‘eh’. Hindi mo ba talaga ako natatandaan? C’mon.”

Tinitigan ko talaga siya ng maigi para maalala ako ng may biglang nagpop-out sa utak ko.

“I-ikaw ba yan Will????!”

“Sino pa ba? Ikaw na crybaby ka hindi mo agad ako nakilala.”

“Ikaw nga!”

Bigla akong lumapit sa kanya at inakap siya.

“Grabe namiss kitang loko ka!!!!!! Hindi ako makapaniwala na nandito ka!”

“Hahaha. Ikaw din. Mukhang ang laki na ng pinagbago mo ah gumaganda ka lalo.”

“Bakit hindi ka agad nagpakilala sakin nung nagkita tayo?”

“Gusto ko lang. At saka parang pansin ko nga na hindi mo talaga ako matandaan.”

“Kelan ka pa bumalik?”

“Ang totoo kasi niyan mag to-two months na ako simula nung dumating ako.”

“Gago, bakit ngayon ka lang nagpakita kung matagal ka na palang narito?!” Sabi naman ni Kuya

“Ang totoo kasi niyan, nung dumating ako pinuntahan ko agad kayo sa school nyo kaya lang may biglang nangyare.”

“Huh? Anong nangyare?”

“Meron kasing isa dyan na biglang nawalan ng malay sa labas ng school.”

Tapos bigla na lang akong tiningnan ng nakakaloko hindi ko naman alam kung bakit. Teka ako ba ang pinaparinggan niya????

“???????”

 “Naalala ko na! Ikaw nga yun Will. Natatandaan ko na ikaw nga yung nagdala kay Klarisse sa hospital. Pasensya ka na sakin kung hindi agad kita nakilala, kasi naman nataranta na ako nung mga panahong iyon.” Sabi naman ni Mama

“Okay lang po yun tita. Naiintindihan ko naman po.”

“Ang gwapo gwapo mo namang bata ka. Hahaha”

“Hahaha matagal na po.”

Aba at wala pa ding pinagbago, ang kapal pa din ng mukha hahaha.., pero well super agree ako kay mama gwapo naman talaga si Will eh, siya na ata ang pinakagwapong nilalang na nakilala ko. Hahaha. over over ga? Well ganun talaga eh.

Pero teka, yung sinabi ni Will kanina na tungkol sa nahilo sa labas ng school....Loading... loading...... loading pa din ang utak ko then Booom!

“TEKA LANG! Ibig sabihin ikaw pala yung taong yun!” at talagang may hand gestures pa ako nito ha.

Ay ang bobo naman kakaconfirm nga lang pala ni Mama kanina. Ano ba naman yan. Bakit kasi ang bagal mag function ng utak kong ito eh, kulang lang siguro sa linis. Hahahaha.

”Alam mo bang halos mabaliw ako sa kakaisip kung sino yun kasi gusto kong magpasalamat talaga!” nagulat kong sabi

 “Oh ngayong alam mo na, magpasalamat ka na sakin. Hahaha. Dali!”

LOVE, PROMISE, FOREVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon