Chapter 26

43 1 0
                                    

Habang naglalakad na kami palabas ng school bigla naman akong hinigit ni Demi papunta sa kabilang way na hindi namin daan pauwi sa bahay.

"Saan tayo pupunta Demi??"

"Ayis samahan mo naman ako mamaya, mamimili ako ng ingredients para sa gagawin kong chocolates para sa friday!" Sabi ni Demi sakin

"Ah okay,.. aanhin mo naman ang mga chocolates? at anong meron sa friday?" Sagot ko naman sa kanya

"Nagbibiro ka ba?! Uso ba sa inyo ang calendar???? Ano ka ba naman Ayis Valentines na kaya sa friday!!" Iniumpog nalang niya sa noo niya ang palad niya.

"Ah ganun ba? haha. Pasensya ka na nawala na isip ko haha.” oo nga pala sabi nga pala niya sakin na duon siya magtatapat kay Rein

"Wala ka bang pagbibigyan??"

"Haha. Wala at saka hindi naman ako magaling sa paggagawa ng mga sweets, mahilig lang ako kumain pero gumawa nako wag na lang hahaha baka malason pa sila hahaha"

"Ah ganun ba? Sayang naman.. eh sina Patrick, Steven, Paolo, Chris at Willfred... hindi mo ba sila bibigyan?"

"Haha., siguro ibibili ko nalang sila kagaya ng dati"

"Ano ba naman yan.. ang boring mo talaga Ayis sa mga ganito."

"Haha hayaan mo na masaya na naman sila at saka ano ka ba madami na naman silang natatanggap every year eh."

Matapos makapamili ni Demi ng ingredients umuwi agad kami. Grabe talaga ang daming mga babaeng bumibili kanina at talagang halos magkagulo sila sa pagkuha ng mga ingredients at nagkakaubusan na kasi. Tapos itong si Demi akalain nyo yun makikipag-away pa talaga sa iba para lang sa mga ingredients?! Nakakatakot talaga ang mga babae pag minsan, teka babae din ako ah!!! Hahaha.

"Ang bilis talaga nga naman ng panahon......."

Habang nasa kwarto ako bigla akong kinatok ni Kuya.

"Pwede ba akong pumasok?"

"Okay sige.. bukas yan"

Pumasok na nga si Kuya sa kwarto ko at naupo sa kama ko.

"Oh Kuya ano na naman ang problema mo!?"

"Bakit ba sa tuwing pupunta ako sa kwarto mo palagi nalang ganyan ang salubong mo sakin?" sabi niya tapos nag cross arms siya. Para talaga itong bata kahit kelan!

"Eh kasi naman sa tuwing pupunta ka ng kwarto ko, palagi mo nalang akong ginugulo!"

"Ikaw naman, nagiging malamig ka na sakin ha.... siguro may iba ka ng lalaki ano?"

"Ewan ko nga sayo kuya wala ka ng sinabi na matino... oh bakit ka ba pumunta dito?" Tanong ko sa kanya habang patuloy pa din ako sa paggagawa ko ng homeworks ko. Haynaku kuya kung manggugulo ka lang din please lumayas ka na lang sa kwarto ko.

"W-wala lang..." tapos humiga siya sa sa kama ko at inakap ang favorite kong bear

"KUYA!! wag mong akapin si Tabby ko!!!" at inagaw ko sa kanya ang teddy bear ko. Hahaluan agad niya nga amoy niya eh kakalaba ko pa lang dito! tssk!

"Grabe ka naman... ako kaya nagbigay sayo nito." *pout mouth*

Tapos tumahimik lang siya at nakitingin sa ceiling ko

"may problema talaga itong si Kuya! Tssk!"

Bigla naman siyang nagsalita

"nakita ko siya....." Sabi ni kuya na ikinagulat ko naman

Napatigil ako ginagawa ko at tiningnan ko siya pero nakitingin pa din siya sa ceiling at seryoso ang mukha niya habang nakahiga sa kama ko. Minsan ko lang siya nakikita na ganitong kaseryoso, kasi para sakin kahit kuya ko siya, siya ata yung tao na hindi alam ang pagiging SERYOSO. Ang bad kong kapatid no? Eh kita niyo naman palagi na siyang parang bata kumilos, minsan nga iniisip ko kung sino samin dalawa talaga ang mas matanda eh.

LOVE, PROMISE, FOREVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon