Chapter 41

43 1 0
                                    

“Klarisse, nainom mo na ba ang gamot mo?”

Narinig kong sinabi ni Mama ng malakas mula sa labas ng kwarto ko.

“oo nga pala... muntikan ko ng makalimutan.... masyado akong nahumaling sa binabasa kong libro...”

“Iinom pa lang po.”

“Kanina pa dapat yan ah, late ka na ng 30 minutes..”

“Nawala po sa isip ko eh...”

Nitong mga nakaraang araw nung simulang uminom na ako ng mga gamot na inireseta sa akin ng doctor ko, nabawasan na ang madalas na pagsakit ng ulo ko at pagkahilo.

“Mabuti na lang at affective ang gamot... kung nagkataong walang epekto ito magpapa-test pa ako...”

Kinuha ko ang medicine box case sa may drawer ko, at habang kinukuha ko ito may bigla akong napansin na isang maliit na box na nakasilid sa pinakadulo ng drawer ko. Ininom ko agad ang gamot ko kasi late na sa oras at after nuon kinuha ko yung napansin kong maliit na box sa may drawer.

 “ano ang laman nito...? Matagal na ba itong nakalagay dito... bakit ngayon ko lang ito napansin?”

Binuksan ko ang box at bumungad sa akin ang isang kwintas.

(A/N: See the necklace at the side of this page)

Kinuha ko ito at napansin ko na may nakaukit sa may putting pendant na mga letter ‘RCBK’

“RCBK???” River City Bank?? Yung sa stock investment trading??? Nah, impossible hahaha nagkataon lang ito. Nagtataka siguro kayo kung bakit alam ko ito? Narinig ko lang ito sa Kuya nuong nakaraan. At saka sino namang tao ang maglalagay ng ganito sa pendat diba? Hahaha

Bigla kong napansin na natanggal na ang lock ng necklace na ito.

“Sira na pala ang lace nito...”

“Bakit meron akong ganitong necklace at panlalaki pa... hindi kaya kay Kuya ito at napalagay lang sa akin?”

Naisipan kong puntahan si Kuya sa room niya. Kumatok ako sa pinto ng kwarto niya.

“Kuya, pwedeng pumasok?”

“Okay” Narinig kong sinabi niya mula sa loob.

Pagkabukas ko ng pintuan niya tumambad sa akin ang makalat na kwarto niya, ang damit na suot niya kanina pagdating nakakalat sa sahig, ang gulo ng kama at maraming nakapatong na books duon, at ang daming crampled papers sa sahig.

“Ku-kuya... What happened here?!”

“Oh sorry... I’m kinda busy doing my report kaya naman my room is kinda messy.”

“It’s not kinda.. It’s totally in a mess!”

Inumpisahan ko ng pulutin ang pinagbihisan ni kuya at inilagay sa lalagyan ng mga maduduming damit niya.

“Ang kalat mo talaga Kuya sa kwarto mo. Tsk!”

Pinulot ko na din ang mga crumpled papers sa sahig at itinapon sa trash can niya malapit sa study table niya.

“Ano ba yan Kuya, katabi mo na ang basurahan kung saan saan mo pa tinatapon ang mga basura mo!”

“S-sorry..”

Napansin ni Kuya na nililinis ko na ang kalat sa kwarto niya.

“Hey, bakit mo nililinis?! ako na dyan mamaya”

“No Kuya, ang kalat kalat ng kwarto mo hindi ko kayang pagmasdan, ako na ang maglilinis tapusin mo na yang ginagawa mo.”

“O-okay... Nga pala bakit ka pala nagpunta dito?”

LOVE, PROMISE, FOREVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon