Chapter 11

45 1 0
                                    

Nag-umpisa na ang sports week. Matapos ang buong linggo na pagtuturo sakin nina Kuya, Kuya Paolo, at Patrick ng basketball gumaling nadin ako sa sports na ito. Minsan pa nga ay naglalaro kaming lahat sa open court malapit sa park. Yabang ko ano nakikihamon sa basketball varsity, eh sa nagustuhan ko na ang larong ito magagawa ko ba? Hahaha.

Ngayon na ang ikatatlong araw ng sports event at yun nga sobrang ingay, cheer dito cheer doon. Mas lalong maingay ang mga babae kapag ang naglalaro ay ang tatlo kong Kuya at si Pat, haynaku ang kikire talaga kulang nalang eh lumabas ang mga tonsils nila

...............................................................................................................

“Ang galing nyo naman mga Ate, napaos ako sa pagcheer sa inyo eh. Kelan ang championship nyo?” Sabi ni Carol

“Ah, ang alam ko kasi lahat ng championship eh sa last day pero hindi hindi ko pa sure kasi parang may narinig ako na ngayon ata ang championship ng volleyball at soccer.” Sagot ni Anne

“Ang galing ng mga blocks ni Anne kaya ang ganda ng defense namin. Haha” Dugtong naman ni Nikka

“Hindi ah. Yung spikes mo talaga ang the best! Haha”

“Nice game girls!” Bati ko naman sa kanila

“Haha. Natalo nyo ang section namin, pero okay lang. Hahah” Dugtong naman ni Demi

“Bakit hindi kayo sumali sa volleyball club? Sayang ang skills nyo. Heheh” Sabi ni Carol

“Naku not interested ako sumali sa mga ganyan, masyado akong mapapagod. Baka pumanget ako. Hahaha” Pagloloko ni Anne

“Naku baka wala ng makatalo satin, mahirap na. Haha” Pagmamayabang naman ni Nikka

“Hahahaha. Ang hangin!” Pang-aasar ko naman sa kanila

“Wag tayong magpapatalo sa mga babaeng ito Rafael.” Pagsingit naman ni Patrick

“Hahaha, sorry natalo na kami kahapon eh kaya hindi na kami makakapasok sa championship.”

“Eh??? Seryoso?! Naku kailangan ko ding galingan mamaya. Haha”

“Dapat lang. Hahaha. Kung hindi malalagot ka samin. Dapat makuha naman nating ang boys division. Hahaha” Sumbat naman ni Demi

“A-ahh, ah oo syempre. Kapag natalo kayo, ililibre mo kami ng burger at fries mamayang uwian.” Pahabol ni Nikka

“Wait nasan pala si Rein?” Tanong ni Carol habang lumilingon lingon sa paligid

“Oo nga no, bakit bigla yun nawala. Kasama lang natin un kanina eh.” Sagot naman ni Patrick habang hinahanap din si Rein sa paligid

Tiningnan ko siya sa paligid pero hindi ko siya makita. Saan kaya yun nagpunta yung asungot, malamang lamang napapalibutan na iyon ng mga babae. Teka bakit ba hinahanap yung asungot nay un? Bahala nga siya sa buhay niya.

“Hey!”

“Rein! Saan ka nanggaling???? Bigla bigla ka nawawala.”

“Sorry, bigla kasi akong nauhaw eh. Eto ibinili ko na din kayo.”

“Salamat, uhaw na uhaw na nga kami eh. Nice timing.” Habang kinukuha ni Anne ang isa sa mga dala ni Rein

“Thanks.” Sabay abot ni Nikka

“Guys, hindi pa ba kayo nagugutom? Tara na maglunch.” Pag-aaya naman ni Patrick

“Oo nga pala, may dala akong pack lunch pinaggawa ko kayong lahat. Hehe” Natutuwang sinabi ni Carol

LOVE, PROMISE, FOREVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon