Chapter 36

29 1 0
                                    

<REIN’S POV>

Patuloy pa din kami sa pag-iikot ni Steven, sinabi ko sa kanya na sumama siya sa iba sa mga security team at tauhan ni Papa, samantala ako naman patuloy pa din sa paghahanap sa kay Ayis gamit ang car ko.

“bakit ba ang tagal nilang tumawag sa akin!? P*** baka may masama ng nangyayari kay Ayis!”

Hinampas ko ng malakas ang manibela ko. “Nakakaasar talaga!!!!”

“Ayis hintayin mo lang ako ililigtas kita! Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sayo.”

Bigla namang tumunong ang phone ko at dali dali ko itong sinagot.

“Nakita nyo na ba?!”

“Young master. This is the second team. May nakakita daw na itim na kotseng pumunta sa direksyon ng lumang station sa may Harrison street.”

“Okay malapit na ako sa Harrison street didiretso na ako duon!”

Nagbago ako ng daan at dumeretso ako sa Harrison street. Sobrang binilisan ko ang pagpapatakbo ng sasakyan ko.

“Young master delikado po kung pupunta kayong mag-isa, kami na lang po ang pupunta duon.”

“Kailangan ko ng magmadali. Sumunod na lang kayo, sabihin mo din sa iba lalo na sa first team.”

“pero young mas-“

“I’m coming for you Ayis!”

Ibinaba ko na ang phone ko at nagdirediretso na ako papunta sa sinabi ng isa sa security team. At nakarating na nga ako sa lumang station at nakita kong nakapark nga duon ang kotseng kumidnap kay Ayis. Itinigil ko ang kotse at sumugod ako duon sa may itim na kotse. Nang may biglang humarang sa aking dalawang lalaki na nakasuot ng itim na suit.

“Sino ka? Anong ginagawa mo dito?” tanong sakin nung isa

Tapos bigla ko naman siyang sinuntok at natumba ito sa lakas ng suntok ko. Tapos sinugod naman ako nung isa pang lalaki pero nakaiwas ako sa suntok niya at sinipa ko siya ng malakas at natumba din ito pero muli silang nakabangon at mukhang handa ulit lumaban.

“Tsss wala na akong oras! Kailangan ko ng tapusin ito.”

Sinuntok at sinipa ko sila ng malakas hanggang sa tuluyan na silang hindi makalaban. Action talaga kung action, wala akong pakialam kung napakabiyolente ko. Nang napabagsak ko silang dalawa, hinigit ko sa kwelyo yung isa.

“Argh...”

“Sabihin mo saan nyo dinala si Ayis!?”

“D-duon sa may abandoned building, duon s-siya dinala nung mga lalaki.”

Tapos inilapag ko ng malakas yung lalaki at biglang may dumating na dalawang kotse.

“Young master!”

Hindi ko na sila pinansin at dali dali akong tumakbo papuntang abandoned building, sumunod sa akin ang ibang mga tuahan namin. Kinomand ko silang na maghiwahiwalay para mapabilis ang pagtunton namin kay Ayis. Bigla akong nakarinig ng sigaw at sinundan ko kung saan nagmumula iyon hanggang sa nakarating na nga ako sa laban ng kwarto na pinagmumulan ng ingay, pero hindi agad ako nakapasok dahil may isang bantay at sumugod sa akin pero sinuntok ko agad siya ng malakas at tinuhod sa may sikmura. Matapos yun agad agad kong binuksan ang kwarto.

“AYIS!”

“Huh?!” sabi nung isa sa mga lalaki

“Paano ka nakapasok dito?!” sabi pa nung isa.

Nakita ko sa Ayis na nakahandusay at walang suot na damit maliban na lang sa mga undies niya. WHAT THE HELL DID THEY DO TO HER?!

“A-ayis?!”

LOVE, PROMISE, FOREVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon