Chapter 45

36 1 0
                                    

Hindi ko maintindihan kung ano yung narinig ko kagabi. TEKA totoo nga ba yung narinig ko? BAKA naman nananaginip lang ako, kasi di ba tulog ako? Eh tulong nga ba talaga ako?? Haynako Ayis nababaliw ka na! Tulog ka nga pero nagising na ka naman then nakatulog lang ulit.. to make it short hindi ka sure kung totoo yung narinig mo! Pero ano ka ba naman! Inaantok ka nga pero hindi ka naman bingi! HUHUHUHUH! Walanjo naman oh, yan tuloy naguguluhan na ako, hindi na talaga ako magkaintindihan dito.

Sobra talaga akong naguguluhan. GRRRRRR!

Alam ko si Rein ang mahal ko pero bakit ganito, simula nung accidentally kong narinig ang pagtatapat ni Will naguluhan na ako! OO inaamin ko na narinig ko talaga! Ayoko ng lokohin pa ang sarili ko kasi naman simula pa nung kagabe alam kong gising ako!!! HUHUHUHUH..... Pero, OO minahal ko si Will pero dati pa yun, iba na ngayon, mahal ko si Will bilang kaibigan na lang, si Rein na ang mahal ko! Mahal ko na nga ba si Rein? Ano ba naman yan.. Falling in love pa lang pala ako kay Rein!

 

Natatandaan nyo ba dati yung kay Demi? Di ba sinabi ko na never ako magkakagusto sa taong mahal ng kaibigan ko? SYET kinain ko ang sinabi ko! Kinain ko ang binitiwan kong salita sa kanya.... nung mga panahon na narerealize ko na kung bakit ako nagkakaganito, ilang beses kong pinilit pigilan ang sarili ko, ilang beses kong pinilit na lumayo pero bakit ganun kahit anong gawin ko nahuhulog pa din ako sa kanya. Sobra sobra akong nahihirapan nung mga panahong yun, nagtatalo ang isip at puso ko! WAR sila, hindi sila magkasundo! Sabi ni heart GO pero sabi naman ni mind STOP! One time may nabasa akong book about typical teenage story that made me realize, pinamukha sakin ng book na yun na kung may mahal ka ipaglalaban mo at hindi totoo yung magiging masaya ka para sa taong mahal mo kung ipapaubaya mo nalang siya sa iba, katangahan daw kasi ang tawag dun, kasi daw sa love there will always be a war at kahit anong maging desisyon mo may masasaktan at masasaktan din kaya naman ang piliin mo ay kung ano talaga ang magpapasaya sayo... and then I realized he is the reason behind my smiles. Mali ba ako? Mali bang kalabanin ko ang kaibigan ko? Mali bang mahalin ko rin ang taong mahal niya? kahit na may mga ganitong tanong ako sa isip ko, wala na akong magagawa because right now there’s no reason for me to stop from falling in love with him.

Okay okay... back to my problem na! Kaya ba ayoko ng love life eh! nakapagulo!!!! Aurgh!

 

“Dear heart, why are you making things so difficult for me? How am I going to face Will kung magulo ang nararamdaman ko ngayon?”

Aminado akong kinikilig ako nung nalaman ko yung nararamdaman ni Will para sakin, mabilis ang pagtibok ng puso ko hanggang ngayon... pero.... mali ito. Hindi ito ang dapat. Hindi naman pwedeng dalawa ang mahal ko diba? ANO BA NAMAN YAN? MAHAL AGAD? YUNG TOTOO AYIS??

Ala, naguguluhan na ako, ginugulo ng past feelings ko kay Will ang present feelings ko para kay Rein. Bakit ba kasi nagising pa ako ng mga oras na yun!? Oa ba ako? Hahahaha!

“ALAAMMMMMFFFPHHHHH” nagkatip ako ng unan para hindi marinig nila Kuya ang pagsigaw ko.

“Readers! Help me please... hindi ko na talaga alam ang gagawin ko! Naguguluhan na ako!”

 

Nakarinig ako bigla ng katok sa may pintuan ko.

“Ayis?” Sabi ni kuya mula sa may likod ng pintuan

“Bakit kuya?”

“Aalis na ako. Wala kang kasama dito ah.”

Tumayo ako sa kama ko tapos binuksan ko ang pinto ng kwarto ko. Bumungad sakin ang gwapo kong kapatid. Hahaha, bakit ba? Minsan ko lang purihin ang kapatid ko eh hahaha gwapo naman kasi talaga siya! Matangkad, maputi, matangos ang ilong, maganda ang mata, pati buhok ang ganda at ang lambot, basta gwapo talaga si Kuya. Hahahaha

LOVE, PROMISE, FOREVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon