Chapter 43

36 1 0
                                    

Pagkarating namin ng MOA, nagpunta kami agad sa may ice skating arena duon. Excited na excited ako kasi ito ang unang beses kong mag i-iceskating.

“Excited na excited ka ata Ayis ah”

“Sino ba namang hindi? Makakaranas na din akong mag ice-skating. Sa wakas! Yipeee!”

“Eh marunong ka ba?”

“Hindi nga eh.. di ba tuturuan mo naman ako?”

“Ako magtuturo sayo? Asa ka pa, hahaha. Tatawanan kita mamaya sa skating arena kapag bumagsak ka, yun kaya ang dahilan ko kung bakit kita dinala dito.” Pang-aasar ni Will sa akin

“Ang sama ng ugali mo! Inaaway mo na naman ako.” Hinampas ko siya ng malakas sa may braso niya

“Aray ko, sadista ka talaga. Bakit ba simula nung bumalik ako dito nagiging sadista ka na? Pag ganyan ka umasta hindi ka magkakaboyfriend. Tatanda kang dalaga!”

“Grabe ka naman makapagsalita! Namemersonal ka na ah! Kapag ako nagka boyfriend naku naku, magsisisi ka. Hahaha” pero ang totoo nyan wala pa talaga akong balak mg boyfriend hahaha wala pa yan sa isip ko.

“Weh di nga? Hahaha”

“Kesa naman sayo, gwapo nga sira ulo naman. Hahaha. Walang tatagal sayong babae, di ka kasi marunong magseryoso.”

“Talaga lang ha. Makikita natin yan. Hahaha”

“Ngayon na nga lang ulit tayo nagkita tapos aawayin mo na naman ako ha, ganyan ka ba magmahal sa akin? Hahaha”

“Oo, ganyan kita kamahal eh. Hahaha”

“Sira ulo!”

“Tama na nga baka kung saan pa mauwi ito. Tara na sa loob at magpalit na tayo ng shoes.”

“Whatever!”

Pumasok na kami duon ay naupo sa isang tabi para maisuot ang skating shoes na binigay sa amin.

Kagaya nga ng inaasahan pinagtitinginan nga si Will, eh sino ba namang hindi mapapatingin sa gwapo at hot kong childhood friend ano. Hahaha. Naiisip ko tuloy sa sarili ko ang swerte ko kasi may childhood friend ako na kagaya niya, tapos halos pinapaligiran ako ng mga gwapo at hot guys sa life ko, kagaya ni Kuya, Kuya Paowi, Kuya Yami, si Will, si Pat at also the guy whom I let myself to fall in love with him, si Rein. Naku kapag may nakakita sa akin na pinapalibutan ng mga gwapong nilalang na kagaya nila, baka mapatay ako ng mga babae o kaya naman mailibing ng buhay, lalo na ang isang hamak na katulad ko lang ang pinapalibutan nila.

“Hehehe.”

Hindi ko napansin na napa giggle pala ako habang iniisip ang mga bagay na iyon.

“Anong nakakatawa?” Tanong sa akin ni Will ng makita niya akong napapagiggle

“Wala, may iniisip lang ako.”

“Para kang sira ulo dyan eh, natawa mag-isa. Tumigil ka nga pagkamalan ka pang baliw. Hahaha”

“Gago! Hahaha.”

“Hahaha, nakakatuwa bumabalik na naman kami sa dati.. nung mga bata pa kami... ganito talaga kami na madalas magtalo at mag-asaran pero kahit na ganun, never pa kaming nag-away. Bigla ko tuloy namiss ang nakaraan. Hehehe.”

“Oh, tumatawa ka na naman dyan. Ano ba yang pinag-iisip mo ha?” Pang-aasar ulit ni Will

“Bigla ko lang kasi naalala na ganito tayo nung mga bata pa tayo, madalas magtalo at mag-asaran. Nakakamiss din pala.”

“Oh really? Pero iyakin ka naman nuon. Hahaha”

“Che!”

 

LOVE, PROMISE, FOREVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon