Chapter 3

69 1 0
                                    

Habang naghohomeroom kami kinulbit ako ni Demi.

“Ikaw pala ang nag-accompany sa transfer student. Nakita ka daw ni Paolo eh. Ikaw ha nagsesecreto ka. Sinosolo mo ang new Prince Charming ng St. Cross Academy.”

“Anong sinosolo? Hindi naman ako interested sa taong yun. Kung gusto mo iyo na siya walang pumipigil. Ang yabang yabang talaga ng asungot nayun, sana hindi ko muna ulit yun makita.”

Habang kinukulit ako nila Demi tungkol sa transfer student. Biglang nagsalita ang Homeroom Teacher namin.

“Alam kong alam na alam nyo na may transfer student tayo. At ngayon ang first day niya. Please come inside and introduce yourself.”

Naghiyawan ang mga kaklase kong babae, kabilang na din si Demi.

O-oh masama ito, parang hindi magiging matahimik ang schooldays ko dahil sa asungot na yun. Bakit ba naman sa dinamidami ng classroom dito pa siya napapunta?! anong bang naging kasalanan ko at sa dinami dami ng pwedeng mangyari ito ang nabigay sakin, utang na loob ayokong makasama ang asungot nay an buong year!!!!!” sumbat ko sa isip ko.

Pumasok na nga ang transfer student.

“Yo! Good morning. I’m Reinier Bautista.” Tapos nagsmile siya

“may pa yo yo yo pa siyang nalalaman, nakakarumi!!”

Nag-iritan ang mga kaklse ko grabe lamang nakakabingi.

“Wait wait wait! Teka lang! Nagsmile siya?! At bakit parang iba siya sa nakasama ko kanina??! Imagination ko lang ba yun? O baka may kakambal?! Hahaha”

“Quiet class. Okay you can now go to your sit Mr. Bautista it will be beside Ms. Landicho. You can ask her and the class representative about the past lessons.”

“Sobra ka ng sinuswerte ha.” Bulong sakin ni Demi

“Swerte saang part?!”

Such a bully talaga itong bestfriend ko, kung hindi ko lang ito love baka kung ano na ang nagawa ko dito.

Umupo na nga siya sa tabi ko, sa right side ko. Ganito ang pwesto namin, ako ang nasa pinaka back seat ng last row, I’m sitting beside the window favorite sit ko iyon (left side) tapos si Demi naman nasa front ko samantalang si Patrick nasa tabihan niya sa right side din. Bale si Rein ay nakaupo sa likod ni Patrick. Can you capture it? Haha. kung hindi bahala kayo o bka gusto nyo ipagdrawing ko pa kayo?? Haha joke lamang.

“Ui” Bati sakin ni asungot

“Maka-ui ka dyan close ba tayo ha? Ha?” Nag smile nalang ako sa kanya

“Ayis hindi mo ba kami ipapakilala ni Patrick? Wag mong solohin” Pang-aasar ni Demi

*wapak*

“ARAY Para saan yun?!” Habang himashimas ni Demi ang kanyang ulo

“May lamok kasi.” Tapos nginitian ko siya ng nakakaloko

Napansin ni asungot si Demi “Hello”

“Hi Reinier, ako nga pala Demi, Secretary ng student council, bestfriend ni Ayis. Pwede mo akong tanungin regarding sa mga past lessons at mga parts na hindi mo maintindihan.”

“Ako naman si Patrick, Assistant ng student council at class representative. At bestfriend din ako ni Ayis. Pwede mo din akong tanugin ng kahit anong bagay.”

"Ah... Rein nalang for short masyadong formal ang Reinier."

“bakit ba ang bait bait ng dalawa kong bestfriend sa asungot na ito, tapos ang formal formal pa ng introduction... hmmmp.., teka bakit ba ako naiinis???! Ala ewan basta naiinis ako sa asungot na ito!”

LOVE, PROMISE, FOREVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon