Chapter 27

42 1 0
                                    

Ilang linggo na ang lumipas simula ng matapos ang school festival namin, ngayon March na, at parang kapansin pansin ang mga kilos ni Demi.

Ewan ko ba kung bakit pero parang pakiramdam ko nagiging malamig ang pakitungo sakin ni Demi at parang medyo umiiwas siya sakin. Sobra akong nababahala sa kinikilos ni Demi. Hindi talaga ako mapalagay kaya naman kinausap ko ang iba.

"Wala ba kayong napapansin kay Demi?" Tanong ko sa kanila

"Wala naman, bakit mo naitanong?" Sagot sakin ni Pat

"Eh kasi parang... ewan ko ba parang medyo umiiwas siya sakin...."

"Hindi kaya Ayis napaparanoid ka lang?" Dugtong naman ni Nikka

"Ewan ko din... pero parang iba talaga ang pakiramdam ko sa mga kilos niya.."

"Masyado mo lang sigurong pinag-iisip yun... Ganung ganun pa din naman si Demi eh... ang makulit na Demi." sabi naman ni Pat

"Oo nga naman Ayis, wag mo nalang masyadong isipin para hindi ka nagkakaganyan. Baka kasi guniguni mo lang yang mga napapansin mo" Sabi naman ni Anne

"Pero...."

"Wag mong masyadong isipin.. baka busy lang siya sa cram school niya at saka di ba malapit na din ang exam, baka ayaw na nung maging number two lang siya sa list. Hahaha...." Sabi naman ni Pat

"Ah baka nga...." Pagsang-ayon ko naman

"pero hindi pa din ako mapalagay eh... parang may mali.... pero kung may problema naman siya sasabihan niya ako di ba? baka nga masyado lang akong nag-iisip...."

Matapos ko silang makausap nakapag decide na ako na hindi ko na masyadong iisipin pa ang mga napapansin ko kay Demi at itinuon ko na lang ang attention ko sa trabaho ko sa council at sa studies ko.

..................................

 

Habang nasa study table ko ako at nag-aaral para sa exam namin bukas bigla akong nakaramdam ng konting pagkahilo at sakit ng ulo.

"Ang sakit ng ulo ko...... napapadalas na ito ah.... siguro masyado ko ng pinapagod ang sarili ko... naku kapag nalaman ito ni Mama mapapagalitan ako nun at baka paalisin pa niya ako sa student council..."

"Makababa nga at makainom ng gamot"

Bumaba at at pinuntahan ko sina Mama at kuya na nanonood ng tv.

"Mama may gamot po ba kayo dyan sa sakit ng ulo?"

"Bakit? Masakit na naman ba ang ulo mo?" Tanong ni Mama sakin with a worried face

"Parang Ayis napapadalas na yan ah. Gusto mo bang magpacheck up na? Te-teka Ayis... Hi-hindi kaya buntis ka?!!!!!" Sabi naman ni Kuya tapos binatukan siya ng malakas ni Mama.

"Aray ko naman Mama, naalog ang utak ko eh"

"Haha. Yan ang napala mo kuya! Ang baliw mo kasi! Mag-iimagine ka nalang hindi pa ginalingan." Pang-aasar ko naman kay Kuya.

"Oo nga anak gusto mo bang magpacheck up na?"

"Naku hindi na po Mama, pahinga lang ang katapat nito.."

"Ah sige anak, pero mas maganda talaga kapag nagpapatingin ka na sa doctor. Ang gamot eh nandun sa medicine kit sa may cabinet sa kusina."

"Okay po Mama" At dumeretso na nga ako sa may kusina namin.

Habang naglalakad ako papuntang kusina muli na naman akong nakaramdam ng konting pagkahilo. Ano ba itong nangyayari sakin?! Haynaku napaka pasaway ko din kasi eh, nasabihan na nga ako ng doctor na wag magpapakapagod pero tuloy pa din, wala naman akong magagawa eh kasi ito talaga ang kailangan. Agad ko naman hinanap ang gamot para makainom na ako. After kong uminom ng gamot umakyat agad ako sa kwarto ko para makapagpahinga na. Kailangan ko na talagang ipahinga ito at itulog.

LOVE, PROMISE, FOREVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon