Chapter 2

83 3 1
                                    

Natapos na ang isang buong lingo, palagi na kaming busy sa dami ng ginagawa. Palagi na kaming maaga sa school dahil dito. Sobrang nakakapagod talaga, pero ayos lang naman kasi masaya naman kami sa ginagawa namin.

“Saeyi, pinapatawag ka sa chairman’s office.” Sabi ni Paolo

“KYAA Don’t call me that here in school Kuya Paolo!! Okay okay.”

(━┳━ _ ━┳━)

“Awww. Bakit ba Kuya Paolo pa din ang tawag mo sakin. Call me Pawi again kagaya nung dati. Hehe”

 (A/N: Steven, Paolo at Chris ay childhood friends at lumaki sila kasama si Klarisse. Nung mga bata pa sila they used to call each other that way: ‘Saeyi’ ‘Paowi’ ‘Yami’, si Klarisse ang gumawa ng nicknames na ito.)

Hindi ko na tanda kung paano nanging Saeyi ang tawag ng mga ito sakin samantalang ang layo naman nito sa pangalan kong Klarisse Bellrose. Hahaha. pero tanda ko kung paano nagkaroon ng nickname na Paowi at Yami. Malamang ang Paowi ay galing sa Paolo Winchester at Yami galing sa Yagel Christer Miguel, pero ang ginagamit nila lagi sa public ay Chris ewan ko din kung bakit eh ang ganda ganda naman ng pangalan niya. Ang gaganda ng names nila ano? Aba maganda din ang name ng Kuya ko no Steven Terence! Oh diba? Hahaha. Teka balik na nga tayo sa story!

“Ewan ko sayo, tigilan mo nga ako ang dami ko pang ginagawa oh. Kayo na muna bahala dito ha. Babalik ako.” Sabi ko habang inaayos naghahanda na ako palabas ng room.

Oo nga pala, muntikan ko ng makalimutan ngayon nga pala darating ang transfer student. Sigurado na ako ito ang dahilan kaya pinapatawag ako sa office. Habang naglalakad ako papunta sa office, napatingin ako sa bintana at napansin kong parang may kaguluhan sa labas.

“Good morning po sir.”

“Good morning din. Alam mo na naman siguro kung bakit kita pinatawag.”

“Opo.”

“Ngayon ang dating niya, at papunta na siya dito sa office. Alam mo na ang dapit gawin ha.”

*knock knock*

“Sir, andito na po siya.” Sabi nung assistant ni Chairman

“Sige papasukin mo.”

“Gwapo nga ang new student na ito kagaya ng balibalita”

“Good morning Mr Bautista, welcome to St. Cross Academy. Ako si Mr. Duchan, the Chairman of this school. And this is Ms. Landicho, the student council president. She will accompany you this morning.”

“Okay po.”

Nagulat ako nung tumingin siya sakin tapos tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa at ngumiti siya ng nakakaloko ヾ(*´ー')ノ

“anong problema nitong new student na to?!” (o_0)

“Okay Ms Landicho, ikaw na ang bahala kay Mr. Bautista.”

“Sige po sir. Aalis na po kami. Mr. Bautista sumunod ka sakin.”

Habang palabas kami ng office, napansin ko na parang ang ingay sa labas. Nung pagbukas ko ng pinto, ngulat ako kasi biglang naghiyawan ang mga babae. Nakagulat, alam ko naman na normal lang iyon kasi madalas na itong mangyari gawa nila tatlong lalaki sa student council, pero parang over na ata ngayon, akala mo may artista na dumating sa school eh. Napansin ko yung katabi ko, walang kibo na para bang sanay na sanay na siya.

“Haynaku, ang lalandi talaga kahit kelan. Magsialis nga kayo dito haharang harang kayo eh. kung pagsisipain ko kaya kayo papunta sa mga rooms nyo?!” >___<

LOVE, PROMISE, FOREVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon