Chapter 18

46 1 0
                                    

“Bilisan mo naman Ayis”

“T-teka lang Demi, wag kang masyadong mabilis tumakbo.”

“Kahit kelan talaga ang bagal mo, dali nag-iintay na sila satin. Bakit kasi ang tanghali mo ng gumising kung hindi pa kita tatawagan hindi ka magigising.”

“Gabing gabi na kasi ako nakatulog kagabi eh tinapos ko pa ang report para sa Monday bago ko tuluyang makalimutan.”

Malamang iniisip nyo kung bakit kami nagmamadali ngayon, ay paano ba naman kasi may Inter-School National Basketball League na magaganap ngayon at hindi lang basta basta ito kasi championship na. Grabe naman itong si Demi walang awa sakin eh alam ng puyat ako tapos ganito pa pinapagalitan pa ako. tsssk

“Sorry guys we’re late.”

“No its fine. Hali na kayong dalawa narito na ang bus.” Sabi ni Chris

“Malapit ng mag-umpisa ang game.” Sabi naman ni Rein

“Teka nasan pala sina Anne at Nikka?” Tanong ko sa kanila

“They went ahead of us.” Sagot ni Carol

“Oh I see.”

“Oo nga pala nagdala ako ng packed lunch para sating lahat!”

“Wow! Ang dami niyan ah. So great!!” Sabi naman ni Demi. Ito talagang bestfriend kong to basta pagkain... hmmmmn.. si TAKAW! hahaha

“Oo nga pala Saeyi, pupunta din si Willfred siguro susunod nalang siya.” Sabi naman sakin ni Kuya Chris na nagpa excite lalo sakin.

“Si Will? Really??? Nice!” Oo swear, tuwang tuwa talaga ako, eh sino ba namang hindi kasi makakabond mo ang taong mahalaga sayo at sobrang tagal mo ng hindi nakikita diba???

After 20 minutes nakarating din kami sa Basketball Arena, dito magaganap ang Inter-School National Basketball Championship. Napakaraming tao dito. mabuti na lamang at nakareserve na ang upuan namin sa unahan dahil maagang nakarating sina Anne at Nikka. Narito din ang fans club nila Kuya, Patrick at Kuya Paolo. Late na kaming nakarating, nasa kalagitnaan na ng 1st quarter and you know who is the reason why we’re late. HAHAHAHA. Hindi nyo ako masisisi kasi puyat nga ako diba? lols

“Bakit ngayon lang kayo?” Sabi ni Nikka

“Pasensya na.” Sagot naman ni Demi

“Teka bakit anim lang silang naduon?” Nagtataka naman ako kasi anim lang talaga ang players namin dun. Ano ga naman yun? Finals tapos walang players? Wag nyong sabihin na mga late din kasi tinanghali ding magising kagaya ko? HAHAHA

 “Teka ano bang nangyare? Nasan ang ibang players?” Sabi naman ni Kuya Chris

“Hindi ko din alam eh.” Sagot naman ni Anne

“Teka tatawagan ko si Laila”

“Sinong Laila?” Tanong ko naman Kay Kuya Chris

“Manager nila. Teka lang.”

“Hello Laila. Anong nangyare?! Bakit kulang ang players nyo?............ Naku problema nga yan...........Oh siya sige.”

“Ano daw ang sabe?” Tanong ko habang naguguluhan. Ano yung sinasabi niya na problema nga???

“Nagkaroon ng problema, ang train na sinasakyan ng mga players nila ay nagbreakdown, kanina pa daw silang trapped dun 30 minutes na daw ang nakakalipas, mukha daw matatagalan pa bago maayos ang train.”

“Naku problema nga iyon.” Ito na lang ang nasabi ko. So wala talaga kaming magagawa kundi ang maghintay? kailangang lumaban ng school kahit anim lang sila. Team magpakatatag kayo!!!

LOVE, PROMISE, FOREVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon