Chapter 13

46 1 0
                                    

Simula ng matapos ang intramurals ay dumami ang mga babaeng humahabol kay Rein at nagkaroon din ng siya ng fans club na pinangungunahan ni Sophia, ang classmate naming patay na patay sa kanya. OA na ang mga babae dito ano? Umagree kayo! hahaha

Palaging madami ang pumapalibot na babae ka Rein, minsan pa nga ay hinahabol ito kung saan man siya magpunta kaya naman tinataguan na niya ang mga ito. Araw araw palagi ng may mga love letter sa locker niya. Naaawa at natatawa kami sa kalagayan nung asungot na yun, napapansin kong naaasar na din siya sa mga nangyayari sa kanya.

“Kapag may naghanap na kahit sino sakin sabihin nyo hindi nyo alam kung nasan ako ha.” Sabi ni Rein na para siyang nagmamadali

“Haha. Nakakaawa ka naman. Panay ang habol nila sayo.” Sabi naman ni Patrick

“Teka pano ang next class natin? PE un ah.” Sumbat naman ni Demi

“Pass muna ako. Mukhang paparating na sila. Mamaya nalang! Sige!”

“Siya sige. Sasabihin nalang namin sa teacher na masama ang lasa mo kaya hindi ka makakaattend.”

“Kayo ang bahala! Sige aalis na ako!”

Tuluyan na ngang umalis si Rein, hindi namin alam kung saan siya magtatago sa mga oras na ito, baka naman uuwi na lang yun sa kanila at magcucuting classes. Naawa na kami sa kanya kahit papaano dahil hindi na niya tuloy magawa ang mga normal niyang ginagawa sa school dahil sa mga babaeng humahabol sa kanya.

“Si Rein???” tanong ng isang babae

“Hindi namin alam eh. Di pa nga din namin nakikita, kanina pa naming hinahanap.” Sagot naman ni Demi

“Ah ganun ba. Sige.” At umalis na yung babae kasama yung iba pa

“Haha. Grabe naman ang kalagayan nung taong yun ngayon ano?” sabi ko naman

“Kyaaaaaaa!!  Si  Patrick!” Hiyaw nung ibang babae

“Eekkkkk?!” At tumakbo para tumakas

“Mukhang hindi lang si Rein ang kawawa ngayon ah. Haha” sabi ko naman habang natatawa sa nangyayari

 

 

<REIN’S POV>

Lately, laging puno ng mga letters at presents ang locker at table ko, two weeks ng ganito ang nangyayare sa sakin.

“Mukhang palagi ka ng walang energy ah these past few days.” Tanong ni Patrick sakin

“Eh pano ba naman, those girls continue on chasing me. Wala na akong ginawa kundi ang magtago at tumakbo. I really hate this. What a pain in the ass.”

Gusto ko na talaga silang pagbuhulbuholin at itapon sa ilog, ito talaga ang pinakaayaw ko eh.”

“Mapapagod din ang mga iyan. Hahaha. kapag ganyan ka hindi ka magkakaroon ng girlfriend. Haha”

“I’m not interested on having a girlfriend from them. Haha. Isang tao lang naman ang gusto ko eh. Plus I don’t know how to handle a crowd of girls.”

“BOOOOO! Bakit hindi mo nalang gayahin si Kuya Paolo, he knows how to handle girls. O kaya naman bakit hindi mo nalang sila awayin kagaya ng pang-aasar mo palagi sakin!” Sumbat sakin ni Ayis

“At kelan naman kita inaway? Hahaha. ikaw nga itong palagi ng mainit ang dugo sakin.”

“ I’m not like him, hindi ko kaya ang masyadong napapalibutan ng maraming babae. Nasusuka ako lalo na sa mga kagaya nilang malalandi. By the way do you like Paolo?” pahabol ko naman

LOVE, PROMISE, FOREVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon