Chapter 40

38 1 0
                                    

Habang nakahiga ako sa kama ko, hindi pa din mawala sa isip ko yung mukha ni Rein.

“Tabby sabihin mo sa akin bakit ganun siyang makatingin...?”

“.....”

“Pati rin ikaw hindi mo alam?”

“.....”

“Haaay....”

Habang naaabala ako sa nangyari kanina naisipan ko na lang ipikit ang mata ko ng may biglang sumagi sa isip ko ng hindi ko inaasahan na isang familiar na boses.

‘I promise I will protect you kahit na anong mangyari kahit ikamatay ko pa. Hindi ko na hahayaang mawala ka pa ulit sa tabi ko’

Dahil sa biglang pagsagi sa isip ko nung mga salitang iyon napamulat ako at napabangon mula sa aking pagkakahiga.

“Huh...? Ano yun? Anong ibig sabihin nun? Bakit ganun???? Sinabi ba niya iyon? Kelan? Paano? Bakit?” Wow ang dami kong tanong ano? Hahaha. Nababaliw na nga talaga ako.

Nang dahil nga dun sa mga salitang yun bigla na namang kumabog ulit ang dibdib ko na sobrang lakas.

“A-ano na bang nangyayari sa akin...? Naguguluhan na ako...”

Umulit na naman sa isipan ko yung mga salita kanina.

‘I promise I will protect you kahit na anong mangyari kahit ikamatay ko pa. Hindi ko na hahayaang mawala ka pa ulit sa tabi ko’

“Bakit ba pumapasok sa isip ko iyon?! Ano ba iyon??? Bakit boses niya ang naririnig ko?! Sinabi ba niya iyon? Pero kelan? Saan? Bakit wala akong maalala...?”

“Nababaliw na yata ako eh!” Sabi ko habang ginugulo ang buhok ko sa kakaisip

Itinumba ko ang sarili ko pabagsak muli ng kama at tinakpan ko ng unan ang mukha ko para pilitin ang sarili ko na kalimutan na ang mga bagay bagay na nagpapagulo sa isipan ko pero wala pa ding silbi kaya naman naisipan ko na lang ibaling ang attention ko sa pagbabasa ng libro. Ginawa ko na ang magbasa, mag surf sa net, makinig sa music pero wala pa ding silbi lahat ng mga ginawa ko, ginugulo pa din ako ng mga thoughts na iyon kaya naman napabuntong hininga na lang ako. Bumalik na ulit ako sa kama ko at pinilit ang sarili ko na makatulog dahil it’s already 2 in the morning and luckily nakatulog naman ako after ng ilang minuto dahil na din siguro sa pagod ng mga pinaggagawa ko.

 

Makalipas ang ilang mga araw, mas lalo akong naguluhan sa nararamdaman ko. Habang nasa classroom ako napansin ko si Rein sa may upuan niya.

“wala na siyang mga bandages at mukhang magaling na din ang mga sugat niya. Mabuti naman kung ganun....”

Nagulat na lang ako ng bigla siyang tumingin sa direksyon ko.

“ek...!”

Bigla akong umiwas ng tingin at tumungo. Oo ganito palagi ako kapag nagkakatagpo ang mga mata namin! Hays!

“Nakakainis talaga! Simula nung naalala ko ang nangyari sa araw na iyon, hindi na mawala sa isip ko yung mga sinabi niya.... at dahil dito hindi ko na magawang makatingin ng diretso sa kanya. Bakit ba kasi ako nagkakaganito?! Talagang naguguluhan na ako!”

Simula nung maalala ko ang araw na iyon, hindi na mawala sa isip ko yung nangyari at yung sinabi ni Rein habang akap akap niya ako. Naguguluhan na ako kasi ayaw akong lubayan ni Rein sa isipan ko.

Naalala ko na naman ang sinabi niya.

‘I promise I will protect you kahit na anong mangyari kahit ikamatay ko pa.’

LOVE, PROMISE, FOREVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon