Chapter 30

36 1 0
                                    

Nitong mga nakaraan mas napapadalas na ang pagsakit ng ulo, pagsusuka at pagkahilo ni Ayis. Minsan pa nahihirapan siyang igalaw ang katawan niya, yun bang parang naninigas/nangingimay ang mga parte ng katawan niya at nawawalan siya ng lakas igalaw ang mga kamay at paa niya. Nagiging masyadong makakalimutin na din siya sa madaming bagay, nuon pa naman nagiging makalimutin na siya pero mas lumalala habang tumatagal. Ewan ko ba dito sa main character ko kung bakit ayaw pa niyang magpatingin sa doctor eh, nuon ko pang pinipilit na magpacheck-up na siya, ginagamit ko na nga ang Mama at Kuya niya para makinig siya pero wala ding epekto. Pasaway din talaga ang batang ito ayaw ba naman makinig sa author, kapag may nangyaring masama diyan kay Ayis baka lumabas dito sina Steven at bugbugin ako. Huhuhu. Kakatakot!!! Kahit author kaya ng mga yang saktan alang alang sa kapatid niya.

Napapansin na nga din ito ng iba niyang kasamahan sa council maging sa class niya.. Eh sino ba namang hindi makakapansin ha? Aba eh minsan natutulog sa klase o kaya naman madalas eh pupunta sa clinic, tapos akala mo palaging wala sa sarili. At ang malala pa hindi na talaga nakinig! Nagpapakapagod pa din eh alam ng nasabihan na siya ng doctor niya na wag magpapakapagod eh tuloy pa din, yung totoo papakamatay ba siya?! Pati akong author eh nawawala na din ng control sa character ko. Ano ba yan! Yan tuloy hindi ko na napigilan ang sarili kong makapagsalita dito. Pagpasensyahan nyo na ako mga readers ha. Sige na babalik na ako sa story na ginagawa ko. So ayun nga hindi na makafocus si Ayis sa mga bagay bagay at sa mga dapat niyang gawin ng dahil sa kanyang nararamdaman pero pinagsasawalang bahala lang niya ito dahil ang nasa isip niya eh naoover work lang siya at masyadong stressed sa dami ng mga dapat gawin o tapusin. Ilang buwan din itong tinitiis ni Ayis, ayaw naman niya itong sabihin sa pamilya niya dahil ayaw niyang mag-alala sila sa kanya at saka kapag nagkataon pipilitin siyang magresign sa pagiging student council president.

 

Eto ngayon August na at meron na namang isang event na gagawin, ang 50th year celebration ng St. Cross Academy, kaya naman mas lalong naging busy ang council. Ang bilis talaga ng paggalaw ng panahon eh no? Akalain nyo yun parang kelan lang nung grumaduate na sina Kuya dito. Namili ang kaming mga taga student council ng mga materials na gagamitin namin sa mga bagay bagay at para sa welcome banner ng St. Cross celebration festival. Oh di ba SOBRA SOBRA na naman ang pagkabusy namin!!

Kainaman na!!! wala ng pahinga eh, kahit weekends kailangan pang magtrabaho tssk!!! napapagod na ako, pagod na pagod na ako, sa halip na makauwi na ng maaga palagi na kaming inaabot ng 8:30 ng gabi halos araw araw. Nararamdaman ko malapit na talaga akong bumigay... Hindi pala malapit na kundi BIBIGAY NA TALAGA ANG KATAWAN KO NITO! Huhuhuhu kung pwede nga lang ng substitution ginawa ko na huhuhuhu.

“kung nandito lang si Demi.... kamusta na kaya siya, halos dalawang buwan na ang lumipas simula nung araw na iyon..."

Bigla naman pumasok ulit sa isip ko ang mga nangyari nung araw na yun, ang galit na mukha ni Demi, nung sinampal niya ako, nung hinigit niya ako sa kwelyo, at nung lumuha siya. Sariwang sariwa pa lahat sa isipan ko. Pero kahit na ganun ang nangyari sakin, saming dalawa.. hindi pa rin ako nawawalan ng tiwala sa kanya, hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa na babalik siya, na babalik ang dating kami. Hahaha nakakatawa ako di ba? Matapos ang lahat ng iyon ganito pa rin ako mag-isip. Hindi ko alam, hindi ko talaga alam pero kahit na ganoon hindi ko magawang magalit sa kanya, kahit na nalaman ko na lahat ng katotohanan, hindi ko pa din magawang magkimkim ng sama ng loob dito sa puso ko. Dahil alam ko sa sarili ko na sa loob ng limang taon na magkasama kami, naging totoo siya, naging totoo siyang kabigan ko, alam kong hindi pagpapanggap lahat. Alam ko ito dahil bestfriend ko siya.

Nagpunta kami ng SM at namili ng mga kailangang gamit, kung saan saan na kaming stores nagpupunta para mabili ang halos lahat ng nasa list, nagpunta ng Ace hardware, National Bookstore, Department Store and kung saan saan pa. Mabuti na lang pala may malaking budget ang school para dito kaya hindi kami namromroblema sa pagbili ng mga materials pero syempre budgeted pa din lahat ito. Kailangan kompleto lahat at walang makakalimutan na kahit na isang bagay gamit ang pera ng school kung hindi nako naman magkakaproblema pa, hindi kami pinayagan ng school na magdadagdag if ever na kinulang ang pera.

LOVE, PROMISE, FOREVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon