Chapter 21

42 1 0
                                    

“Ang bilis talaga ng panahon bukas Christams na.”

December 24 na ng 6:00pm, umalis kami ng bahay at pumunta sa isang five star restaurant. Tuwang tuwa kami ni Kuya dahil kahapon ng hapon surprise na dumating si Papa sa bahay at meron siyang dalawang linggong vacation stay dito sa Pinas. Minsan lang kasi siyang umuwi eh madalas pa nga inaabot ng hanggang 3 taon siyang hindi umuuwi dahil na din kasi sa dami ng trabaho niya sa America at naiintindihan namin yun, hindi naman kami masyadong nalulungkot kasi palagi namin siyang nakakausap sa phone.

Habang nasa restaurant kami, sari-sari ang mga napag-usapan namin, si Kuya sari-sari ang kinukwento kay Papa kala mo eh wala ng bukas. Ang cool cool nga ni Kuya at ni Papa kapag nag-uusap sila aakalain mo eh magkabarkada lang hahaha.

“Ilibre nyo ang araw nyo sa 27 hanggang 29” Sabi ni Papa

“Bakit anong meron?” Tanong naman ni Mama

“Bakit po Pa?” tanong naman ni Kuya sabay subo ng pagkain niya

“Magfafamily bonding tayo, at saka nakapagpareserve na ako sa hotel ng mga araw na iyon, pupunta tayo ng beach at bibisita din tayo sa mga lola nyo sa Batangas.” Sabi ni Papa

Naexcite naman ako sa sinabi ni Papa. “Yes beach!!!!” aba matagal ko na ding gustong gusto pumunta ng beach kaya lang walang time eh. Tamang tama madaming magagandang beach sa Batangas! At saka ang tagal na din nung huli kaming bumisita kayna lola namimiss ko na sila lalo na ang mga pinsan ko!! Ang saya saya naman!

“Masaya ito! Sige Pa.” Dugtong naman ni Kuya. Halatang halata talaga kay Kuya na excited siya, mukhang mas excited pa siya kesa sakin eh. Hahaha

“Ah ganun ba, Sige mamimili tayo sa 26.” Sabi naman ni Mama, Yun naman! Shopping!!! Wahahaha. YES!!!

Matapos naming kumain umuwi na agad kami ni Kuya sa bahay, samantalang sina Mama at Papa ayun iniwan namin para magkasama pa sila ng matagal. Syempre kailangan din nila ng solo time sa isa’t isa. Dahil mabaet kaming mga anak, kahit hindi nila sabihin yun samin ibibigay pa din namin yung time na kailangan nila hahaha. Habang pauwi kami ni Kuya napansin ko na parang hindi siya mapakali. Ano kayang problema nito??? Baka natatae?? Hahaha. ang takaw takaw kasi eh akala mo isang linggong hindi pinakain eh, kulang nalang ay kainin lahat ng nasa menu eh.

“Bakit? May problema ba Kuya? Don’t tell me natatae ka na? Hahaha. Ang takaw takaw mo kasi kanina eh yan tuloy napala mo.”

“Hindi ah! Ah ano kasi, nakita mo ba ang phone ko???” Natatarantang tanong ni Kuya

“Di ba hawak mo lang yun kanina sa restaurant?”

“Hala!! Baka naiwanan ko dun sa mesa! Naku teka babalikan ko lang.”

“Ah sige, mabuti na lang pala hindi pa tayo masyadong nakakalayo sa restaurant. Hangga din ako sayo kuya pati cellphone mo naiiwan mo, para ka na ding ako makakalimutin.”

“Tama na ang sermon, mamaya na yan. Duon ka na muna sa may convenience store antayan mo ako. Okay lang?”

“Okay sige, bilisan mo ha. Inaantok na kasi ako eh.”

Umupo ako sa may waiting area sa labas ng convenience store habang inaantayan ko si Kuya dito. Sana lang bilisan ni Kuya kasi talagang inaantok ako eh. Itong si kuya nagagalit sakin at tinatawanan ako kapag nakakalimot ako tapos siya din naman pala ganito din hahaha. Magkapatid nga kami, hindi maipag-aakila. Bigla naman umihip ang malamig na hangin.

“Grabe ang lamig talaga, nakalimutan ko pa naman ang jacket ko sa car namin” kinikiskis ko na ang mga palad ko sa mukha at braso ko para mainitan ako kahit konti per walang epekto pa din ang lamig lamig talaga. Ang hina ko pa naman sa lamig, baka mamaya magkasipon pa ako nito, naku naman ayoko pa naman maospital at ayoko din ng lasa ng gamot. Huhuhu. Kuya please bilisan mo naman talagang nilalamig na ako!

LOVE, PROMISE, FOREVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon