Chapter 15

42 1 0
                                    

[DEMI’S POV]

“Waaaaaa”

*sinalo si Demi*

“Huh?”

Bigla siyang tumakbo ng mabilis at hinabol yung mga highschool boys. Hindi ako makapaniwala sa nakita ko, hindi ko mapigilan ang sarili kong mapaluha.

“Sayo ba to?” Sabay abot sakin ng payong

“S-salamat”

“Itong payong na ito ang binigay ko sayo before tama? Nung isang linggo, hindi ko inaakala na ikaw pala iyong babae last year dahil wala ka ng salamin akala ko kamukha mo lang siya, you look good without it. Sorry kung di ko agad na realize na ikaw pala yun.”

“May gusto akong sabihin sayo”

“Ano yun?”

“Matagal ko ng iniingatan ito dahil nagbabakasakali ako na magkikita pa ulit tayo... at sa pagkakataong iyon ibabalik ko na sayo ang payong na ito....... pero-”

Habang nagsasalita ako, nagsimula na ang mga luhang kanina ko pang pinipigil, mga luhang kanina pang gustong pumatak, mga luhang katumbas ng nararamdaman ko para sa kanya. Mga nararamdamang mahigit isang taon ko ng ikinikimkim sa sarili ko.. ngayon.. ngayon.. malaya ko na siyang nailalabas.

“Hindi ko inaasahan na .. na.... magkakaroon ako ng feelings para sayo dahil dito... I’m in love with you Kelvin!”

Sinabi ko ang lahat ng matagal ko ng gustong sabihin habang patuloy pa din ang pagluha ko. Hindi ko na talaga kaya pa itong pigilan kahit gusto ko man.

“....”

Tahimik lang si Kelvin matapos kong sabihin sa kanya yun pero bigla nalang siyang nagsalita

“I’m sorry.... i’m sorry Demi...  I already have a girlfriend.”

“........” Nagulat ako sa narinig ko at patuloy pa din ang pagluha ko

“I’m so sorry.”

“I-its o-kay. I’m t-he o-ne who should say s-sorry.”

“Someday, you’ll be able to find the right person for you.”

Pagkasabing pagkasabi niya yun pinunasan niya ang luha ko, mga luha kong nahahaluan ng mga patak ng ulan. Pagtapos pinat niya ang ulo ko at tuluyan na siyang umalis. Oo iniwan niya ako dito mag-isa, mag-isa habang basang basa sa ulan. Alam ko naman na marereject ako pero... pero... sobrang sakit pa din.

“Good bye............. Kelvin”

.......................................................

 

Matapos ang araw na iyon, ginagawa kong maging masaya pero hindi ko pa din talaga makalimutan ang lungkot na nararamdaman ko. Naisipan kong pumunta sa roof top para ilabas lahat ng nararamdaman ko. Nang makarating ako ng roof top sumigaw ako ng napakalakas para ilabas lahat ng nararamdaman ko. Wala akong pake kung sino man ang makarinig sakin wag lang ang teacher namin naku kung magkataon detention ang aabutin ko nito. Ala basta wala na akong pake, isisigaw ko na lahat.

“AYOKOOOO NAAAA! KAKALIMUTAAAAANN KOOOOO NGGGG LAHAAAAATTT! MAG-UUMPIIISSAAAAAAA NAAAAAA AKOOOOO MULIIIIII! WWWWAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!”

“Ang sarap talaga sa pakiramdam ang nilalabas lahat. Ayos na ako ngayon.” Sabi ko sa sarili ko matapos kong sumigaw mabuti na lang at walang nakarinig sakin dito.

“Tapos ka na ba?”

“Oo........ waaaaah! Sino ka???!! Anong ginagawa mo dito?! You are not from our school!” Nagulat ako sa aking nakita isang lalaki na nakahiga at ibang uniform ang suot suot kaya sure na sure akong hindi sya taga dito.

LOVE, PROMISE, FOREVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon