Chapter 7

61 1 0
                                    

Hindi ako nakapasok nitong araw na ito dahil sabi ng doctor ay magpahinga daw muna ako. Gustong gusto ko ng umalis ng hospital kasi ayoko ng nakahiga lang ako dito, pero wala naman akong magawa kasi narito si Ma at nakabantay. Tapos maya’t maya pa ang pagmomonitor sakin ni Kuya, Kuya Paowi at Kuya Yami sa tawag at mga messages. Natatawa nga ako sa kanila kasi over acting naman sila lalo na si Kuya Paowi at Kuya.

Nung hapon, umalis si Ma sandali para bumili ng pagkain, may biglang kumatok akala ko bumalik agad si Ma dahil baka may nakalimutan pero nagulat ako kasi biglang sumugod sina Demi, Anne, Nikka at Patrick.

“Ayiissss! Namiss kita!” Bigla akong niyakap ni Demi ng mahigpit.

“t-ek-a, d-de-dem-i... hi-ndi a-ko ma-kahi-nga.”

Biglang kumalag si Demi at nagtawanan kami. Dahil sa kanila hindi na naging boring ang araw ko. Sa sobrang ingay namin, napagsabihan kami ng nurse dahil nakakaistorbo daw sa ibang pasyente at bawal din daw ako mastress. Kwentuhang kwentuhan kami nun, ang dami daw nangyare sa school nung araw na iyon parang ang tagal kong nawala ah.

“Lumabas na nga pala ang results ng exam natin ah.” Sabi ni Demi

“May mga ranking na din.” Dugtong ni Nikka

“Ibig sabihin nangunguna ka na ulit Demi.”

Tumahimik sila tapos biglang natawa. Nagulat naman ako sa naging reaction nila. Talagang wala akong ka-ideidea sa nangyayare.

“Oh bakit anong nakakatawa sa sinabi ko? May nakakatawa ba akong sinabe?”

‘Kasi naman, sa wakas may nakatalo na din kay Demi.” Natatawang sabi ni Patrick

“Haha. Oo nga. first time ito na pumapangalawa na lang si Demi” Dugtong ni Anne habang tinatapik si Demi sa balikat

“Ang OA nyo naman, napaka big deal naman sa inyo na second nalang ako. Hahaha”

“Demi! Second ka nalang??? Bakit? Sinong umagaw ng trono mo?!” Pang-aasar ko sa kanya

“Ang OA mo din ha. Hahaha. Hulaan mo kung sino, dahil kilalang kilala mo siya. Haha”

“Si Pat??”

“Hindi ah! Para namang mahihigitan ko si Demi.”

“Eh sino? Ahhhhh alam ko na ung president ng literature club na si Angelo? Palagi lang siyang pumapangalawa sayo ah.”

“Hindi siya, pang apat siya ngayon.”

“Sabihin na kasi. Ang dami pang paarte eh. Hahaha”

“Si Rein!”

“Si Rein ang nangunguna ngayon. Hahaha” Dugtong ni Patrick

“Seriously?! Aba nga naman.. baka naman naswertehan lang hahaha Wow! Demi bakit ka nagpadaig?”

“Anong magagawa ko kung mas matalino siya sakin. Hahaha. 500 ang nakuha niyang score!”

Nagulat ako sa narinig ko. “Perfect score?!”

“Matalino pala yung kulokoy na yun hindi halata ha”

“Hindi lang perfect score, perfect guy pa! Hahaha” sabi ni Anne

“Agree ako diyan friend” Pagsang-ayon naman ni Nikka tapos sabay apir kay anne

“Gwapo, mabaet, matalino at balita ko mayaman din ang family nila..... saan ka pa? Hahah” Dugtong naman ni Demi

“Hindi kaya may gusto kayo dun?” Nagtataka kong sabi

“Haha, sino bang hindi magkakainterest dun eh almost perfect na talaga siya. Siya na ata ang nakasalo ng lahat ng biyaya ng Diyos eh.” Sagot naman ni Anne

“Pero syempre... ipapaubaya ko na sayo si Rein... bagay kayo! HAHAHA” Pang-aasar ni Demi

“S-shut up Demi! Hindi ako magkakagusto sa taong kagaya niya napaka grrrrr asungot talaga ang sama ng ugali niya sakin, palage nalang niya akong iniinis! Kulang na lang eh ipanalangin kong mawala na siya sa landas ko. Hahaha ang bad ko ano? Eh na bad vibes ako sa taong yun eh”

“Naku nagseselos ang isa diyan” Sabay tingin ni Demi kay Patrick

“A-ako?! H-hindi ah! Tigilan mo nga ako sa mga kalokohan mo Demi ako naman ang nakita mo.”

“Hahaha. Ui namumula!”

“Hahaha Demi tigilan mo na nga si Pat palagi mo nalang siyang napagtritripan”

“Oo na oo na sabi mo eh”

..........................

Inabot na sila ng gabi sa hospital sa pakikipagkwentuhan sakin. Sobrang dami na namin napag-usapan, sumakit ang tiyan ko sa kakatawa kanila. Nung paalis na sila nagpaiwan si Patrick sa hospital at pumayag naman sila dahil wala daw akong kasama.

“Pat bakit hindi ka pa sumama sa kanila?”

“Alangan namang iwanan kita mag-isa. Di ba? Pagdating ng mga Mom mo saka ako uuwi.”

“Alam mo sobrang baet mo talaga sakin. Kapag ganyan ka ng ganyan baka bumigay ako sayo. HAHAHAH. Joke!”

Ano ba itong sinasabi ko sa bestfriend ko hahaha, epekto ata to ng amoy ng ospital at mga gamot hahahaha. Mamaya masuka pa itong kolokoy na ito sakin hahaha.

“Kung pwede nga lang. Hahaha.”

“Hahaha. Tumigil ka nga.”

“Gusto mo ba ng apple? Teka ipagtatalop kita.”

“Salamat ha. Salamat talaga.”

“Grabe ka naman magpasalamat para sa apple. Hahahahahaha”

“Seryoso, salamat talaga. Kundi dahil sayo baka kung ano na ang nagyare na sakin. Kaya naman, salamat talga. Pat thank you. Masaya talaga ako kasi bestfriend kita, love na love talaga kita!” *smile*

Nakita ko na biglang namula si Patrick, natawa ako kasi ito ang unang beses na nakita ko siyang nahiya ng ganito.

“Ano, hindi ko alam ang sinasabi mo.”

‘Ano ka ba, wag ka ng mag maangmaangan diyan. Alam kong ikaw ang nagdala sakin dito sa hospital.”

“Hindi ako ang nagdala sayo dito. Nagulat nalang ako nung nalaman ko na narito ka sa hospital.”

Nagulat ako sa sinabi ni Patrick na hindi siya ang nagdala sakin sa hospital. Pero base sa description ni Ma, siya lang naman ang kaibigan ko na may ganun eh.

Habang nagbabasa si Patrick ng libro bigla akong nakaramdam ng antok at tuluyan ng nakatulog.

 

Pag gising ko, narito na si Ma at Kuya. Hinanap ko si Patrick pero sabi nila kanina pa daw nakaalis habang natutulog ako. Tinanong ko si Ma kung si Patrick ung naghatid sakin sa hospital kahapon pero sabi niya hindi daw. Napaisip ako kung sino, isang tao ang pumasok sa isip ko pero impossible iyon eh kasi ang alam ko nauna na siyang umalis samin nung oras na yun. Sino kaya ang taong iyon, kailangan kong magpasalamat sa kanya.

 

 

LOVE, PROMISE, FOREVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon