Chapter 33

32 1 0
                                    

Kinabukasan pagkapasok na pagkapasok ko ng building namin bigla akong hinigit ni Rein at kinaladkad papuntang rooftop ng hindi man lang umiimik. Ni hindi man lang niya ako pinayagang ibaba man lang ang bag ko sa lamesa ko at ni hindi man lang din niya akong makapasok ng room. Eh paano ba naman, aba at nakaabang siya sa labas ng room namin! Ano ba yan!

Binitawan na niya ako ng makarating kami ng rooftop. Walanjo ang sakit po ng wrist ko, sobrang lakas niyang makapangaladkad eh! parang may balak ata itong putulin ang kamay ko eh!

“Ano na namang problema nito?! Ang aga aga!!!”

“Didn’t I tell you to get away from her?! Sinabihan na kita dati pero hindi ka nakikinig sakin!!”

“Sabi ni Rein na mukhang galit at pasigaw pa niya itong sinabi sakin!

“Bakit mo ba ako sinisigawan?! At sino ba ang tinutukoy mo?" Aba ang aga aga naninigaw na siya! Ang aga aga nahihighblood ako.Panira naman siya ng umaga ko eh!! Arrggg

“Yung babaeng yun!”

“Sino bang babaeng yun?!! Sabihin mo kaya ang pangalan!!!”

“Si Cloei! Ang bobo mo naman eh. Sino pa ba sa tingin mo ang tinutukoy ko ha?!”

“At ako pa ngayon ang bobo!! Paano ko ba nga malalaman kung sino ang babaeng tinutukoy mo kung hindi mo naman sasabihin ang pangalan! Mas bobo ka naman eh!!”

“Ikaw nga hindi ka nag-iisip! Siya lang naman ang sinabi ko sayong layuan mo eh!!”

“Eh bakit ka ba naninigaw ha?! Umiinit ang dugo ko sayo ang aga aga! Kung mag-aaway lang din tayo mas mabuti pang umalis na lang ako!” nagdadabog ako ngayong paalis ng rooftop

“Wag ka munang umalis hindi pa tayo tapos mag-usap!”

“Ayan ka na naman sa pagsigaw mo!!! Ayokong makipag-usap sayo! Parehas tayong mainit ang ulo walang maganda tong patutunguhan!”

“so-sorry na. Hindi na kita sisigawan. Wag ka munang umalis please.”

“Yan kung ganyan ka edi papayag akong makipag-usap sayo.” Ayun bumalik na ulit ako, naawa naman ako kay Rein eh. Wala naman sigurong masama kung pakikinggan ko siya diba? I also want to hear his side after all.

“Ayis, please pakinggan mo naman ako kahit ngayon lang, iwasan mo na si Cloei at wag kang lalapit sa kanya kahit na anong mangyari.”

“Ano bang problema mo kay Cloei? Bakit ganyan ka na lang makaasta sa kanya? Hindi ka man lang ba maaawa sa kanya, pumunta siya dito para sayo, para makausap ka, bakit ayaw mo man lang siyang pakinggan ha?”

“Basta. Wag ka ng maraming tanong dyan. Makinig ka na lang sakin. Para sayo din tong ginagawa ko.”

“Kung wala kang sasabihing dahilan sakin hindi ako makikinig sayo. Wala naman kasi akong nakikitang mali sa ginagawa ko. Ano ba sayo kung kaibiganin  ko siya, mabaet naman siyang tao ah.”

“I can’t tell you the reason. But please stay away from her.”

“Ano bang problema nito?!"

"Bahala ka na nga dyan, babalik na ako ng room.” Wala pa din siyang sense kausap. Sinasabi niyang layuan ko si Cloei pero ayaw naman niyang sabihin kung bakit. Tapos para na din daw sakin yung sinasabi niya?! Hindi ko talaga siya maintindihan! Napaka masikreto naman niya eh!! Timo nga pati yung nakatapos nap ala siya ng college sa Harvard sinisikreto niya pati yung pagiging tagapagmana niya. Ano ba yan! Eh paano ko ba pagkakatiwalaan ang isang taong maraming itinatago?? >______<

Tinalikuran ko na siya at maglalakad na sana ako pero bigla niyang hinawakan ng wrist ko para pigilan ako.

“.....” si Rein yan, pinigilan niya ako pero wala naman siyang sasabihin.

LOVE, PROMISE, FOREVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon