Chapter 46

37 1 0
                                    

Dear Readers, sorry kung ngayon lang ulit ako nakapag update. Sobrang naging busy kasi ako nitong mga nakaraang araw eh at nawawalan na ako ng time. Tapos nawalan pa ako ng inspiration kasi naman eh yung crush ko, chos, charot ko lang yun, ayaw pa kasing aminin na tinatamad lang hahaha joke. Hindi pero ang totoo talaga sobrang busy lang talaga tapos nagkasakit pa ako nitong mga nakaraan kaya yun lalo ng walang nangyari. Sorry talaga. I'll give my best para laging makapagupdate. 

I hope magustuhan nyo ang chapter na ito. ( ^ _ ^ )

>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>> 

 

 

Nagpunta na nga kami ni Ryan sa may amusement park kagaya ng gusto niya. Nagpaiwan na kami dito ni Ryan kay Eric, yung butler nila, yun din naman kasi ang gusto ni Ryan eh. Nung una ayaw pumayag ni Eric kasi baka daw magalit ang Young Master niya pero kalaunan pumayag din siya nung sinabi ko na ako na ang bahala kay Ryan.

Nakakatuwa siyang pagmasdan, yun bang parang ito ang unang beses na nagpunta siya dito. Takbo siya dito, takbo duon. Nakakatuwa lang talagang panoorin. Ang cute cute kasi niya, yun bang ang ngiti niya ay abot langit na at sobrang napaka bright at warm.

"ang sarap sigurong magkaroon ng cute na kapatid ng kagaya niya. Naku kapag nagkaroon ako ng kapatid na kagaya niya palaging magiging masaya ang araw araw ko kasi may cute na kapatid ang sasalubong parati sakin. How I wish I could have a cute sibling like him."

At dahil weekend ngayon, maraming tao dito sa amusement park, may mga pamilya na namamasyal dito, may barkadahan, at meron ding couples. Bigla ko tuloy naalala yung dati na magkasama kami ni Rein na namasyal dito, para kaming nagdadate hahaha. In my dreams talaga, as if naman na kami lang dalawa yun ano, syempre kasama nun sina Patrick at ang iba pa nagkataon lang na may nangyari nuon kaya napawalay kami ng ilang oras sa kanila nun.

Hindi ko namalayan na napangiti na pala ako habang naaalala ko yung mga nangyari dati. Yun nga pala yung panahon na naging close kami ni Rein.

Habang inaalala ko yung mga nakaraan hindi ko napansin na tinatawag na pala ako ni Ryan.

"Ate Ayis. Ate Ayis~"

"Yes?"

"Bakit nakatulala ka diyan? Kanina pa kitang tinatawag eh di mo naman ako pinapansin" Sabi ni Ryan habang naka pout mouth siya.

"Sorry, may naalala lang ako."

"Ano ba yung naalala nyo?" Curious na tanong ni Ryan

"Hahaha, wala lang iyon, wag mo na lang pansinin. Teka saan mo ba muna gustong magpunta?"

"Gusto ko sumakay sa horse! Sa carousel tayo!" Excited na sinabi ni Ryan

"Sige sige. Tara dun."

So ayun nga sumakay kami sa carousel. Nakakatawa kasi ngayon lang ulit ako nakasakay dito, ang huli ko atang pagsakay eh nung nasa elementary pa ata ako. Ang sarap lang bumalik sa pagkabata.

Sumakay din kami sa iba pang mga rides pero syempre dun lang sa pambata kasi naman diba five years old lang kaya ang kasama ko.

"Princess"

"Bakit prince?"

Nagtataka siguro kayo kung bakit ganito ang tawagan namin ano? Eh kasi naman po kanina princess na siya ng princess sa akin kaya ako naman tinawag ko naman siyang prince. Tuwang tuwa nga siya nung tinawag ko siyang prince eh. Tapos natawa pa nga ako nun nung sinabi niya sakin na paglaki daw niya, gusto niya akong maging princess niya tapos siya naman daw ang magiging prince ko. Hahaha ang bata bata pa nito kung ano ano na ang nalalaman, siguro kung ano ano ang tinuturo dito ng kuya niya. But well, I don't mind him being like this because this is one of his cute sides.

LOVE, PROMISE, FOREVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon