Chapter 29.5 extra chapter

40 1 0
                                    

THE PAST OF AYIS

>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>> 

 

Ang bilis talaga ng panahon middle schooler na agad ako. Halos three years na din ang lumipas simula ng nagmigrate sina Will sa Canada.

"Kamusta na kaya si Will? Grabe namimiss ko na talaga siya. Kung nandito lang siya for sure sa St. Cross Academy din siya papasok kasama ko at baka classmate pa kami." Sabi ko sa isip ko habang nakatingin sa mga ulap.

"Ayis what's wrong? Bakit nakatulala ka na naman sa langit? Sige ka baka madapa ka niyan." Sabi naman ni Kuya

"Wala lang may iniisip lang ako.”

syempre hindi ko sasabihin sayo na iniisip ko si Will. Hehehe" Mahirap na ano, lolokohin lang kasi ako ng kuya ko! At saka secret ko itong feelings ko for him. Hahaha.

"Mukhang nagugustuhan mo na ang St. Cross Academy ah"

"Ah oo, nandun kasi kayo kaya hindi ako nalulungkot plus may super cool guy best friend ako, si Patrick. At meron din akong girl bestfriend, si Demi, tanda mo ba siya? siya yung nakilala ko nung sa entrance exam dito."

"Ah, oo tanda ko na. Teka at bakit may Patrick ha?"

"Kaibigan ko yun, alam mo ang baet baet niya tapos magaling pa sa sports at matalino, saan ka pa? Nakilala ko din siya nung entrance tapos naging classmates pa kami. Kinukwento ko kaya siya dati pa so ibig sabihin hindi mo pala ako naiintindihan?! Ano ba yan!"

"Kailangan kong makilala yang Patrick na yan. Kailangan may approval ko muna bago mo kaibiganin ha."

"Wala na kaibigan ko na. Hahaha. At best friend ko na."

Eto na naman kami ni Kuya nagkukulitan na naman, palagi na lang kaming ganito pero kahit ganun nakakatuwa pa din kasi oh tingnan nyo close na close kami ni Kuya. Oh di ba ang sweet namin? Hahaha. Ganyan kami magmahalan hahaha.

"Teka kuya, ano bang laman niyang dala dala mong malaking paper bag?"

"Ah, oo nga pala muntik ko ng makalimutan para sayo. Belated birthday gift ko."

"EH? really?! Anong laman?"

"Buksan mo na lang"

Pagbukas ko tumambad sakin ang isang brown teddy bear na nakasuot ng blue coat. Tuwang tuwa ako sa nakita ko.

"this is the bear that I really wanted to buy pero wala akong pera kasi ang mahal.... WAAAA! Grabe talaga si Kuya! Sobra niya akong pinasaya!"

"Like it?"

"YES!! OF COURSE!!!! Hindi ko maexplain ang saya ko ngayon! Thank you Kuya! From now on I'm going to call him Tabby!"

Tuwang tuwa talaga ako sa natanggap kong gift from Kuya kaya naman hindi ko talaga mapigilan ang sarili kong titigan ito. Hanggang sa nakatulog ako katabi ko pa din siya. Simula ng ibinigay ito sakin ni Kuya, ito na ang halos kasama ko kapag nalulungkot ako at kapag masaya ako, ito ang madalas kong kausap sa kwarto ko. Haha di ba parang bata lang ako?

 

Makalipas pa ang mahigit isang taon ko sa St. Cross Academy 3rd year middle schooler na ako. Maayos naman ang nakalipas na 2 years ko bilang middle schooler dahil ksama ko naman ang dalawa kong bestfriend, marami din akong naging kaibigan at meron din mga taong naiinis sakin ewan ko ba kung bakit. Sabi naman ni Demi baka daw naiinggit sakin at saka nagseselos dahil kaclose ko sina Kuya Paolo at Kuya Chris tapos kapatid ko pa si Kuya at best friend ko daw si Patrick.

LOVE, PROMISE, FOREVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon