Chapter 8

53 1 0
                                    

Second day na absent ako, mabuti na lamang dahil umalis na kami ng hospital at pinayagan na ako ng doctor na sa bahay na lamang magpahinga, kasi naman kapag tumagal pa ako ng isang araw pa sa hospital magwawala na talaga ako. Ayaw na ayaw ko talaga ng amoy ng ospital kaya hanggat maaari eh ayokong napupunta dun.

Maghapon lang akong nakahiga sa kama ko dahil sabi ng doctor kailangan ko pa din ng matinding pahinga kahit wala na akong lagnat. Ayun si Kuya patuloy pa din ang pagmomonitor sakin, dinaig pa niya ang nanay namin eh.

Nung hapon, dumalaw ulit si Demi at Patrick, dinala din nila sakin ang mga lessons namin simula kahapon para daw makahabol ako. Napakababaet talaga ng mga bestfriends ko. Nung maggagabi naman sina Kuya, Kuya Paolo at Kuya Chris ang kasama ko sa bahay, umalis si Ma kasi may binisita siyang kumare niya. Ayun walang ginawa yung tatlo kundi maglaro ng play station sa salas, ako naman ayun nagbabasa lang mga notes na dinala nina Demi kanina.

.................

Kinabukasan, nagayos na ako at nagbihis para pumasok na ulit, pero hindi ako pinapayagan ni Ma.

“Klarisse, hindi ka pa pwedeng pumasok ngayon, sabi ng doctor ay bukas ka pa maaring pumasok. “

“Ma, kaya ko na po, dalawang araw na akong hindi pumasok baka tambak pa po ang gawain ko sa council eh at saka ayoko pong malate sa mga lessons namin.”

“Kaya ayaw pa kita papasukin eh, magpapagod ka na naman. Hindi mo na narinig ang bilin ng doctor sayo? Bawal ka nga sobrang mapagod.”

“Hindi po, promise cross my heart. Uuwi agad ako mamayang hapon.”

Matinding pangungulit ko kay Ma para lamang payagan niya ako, mabuti na lamang at napapayag ko siya at saka naman naroon naman sina Kuya eh kaya wala na siyang dapat ipag-alala.

“Sasabayan ka na sa kuya mo ng pagpasok.”

Dumeretso na ako pa school medyo tangahali na kasi mahabang usapan pa ang nagyari samin ni Ma. Sabay kami ni kuya pumasok at binilin din niya sakin na sabay na kaming uuwi kasi nga daw baka mapaano na naman ako pag-uwi tapos nakausap na daw niya sina senpai na wag ako hahayaang mapagod.

Pagdating namin ng school gate, madaming bumati sakin. Nakasabay pa namin sina Rafel at Carol.

“Ate Ayis!” Sabi ni Carol habang tumatakbo palapit sakin

“Good Morning sa inyong dalawa.” Bati naman ni Rafael

“Ah good morning din” Bati ko naman sa kanila

“Yow morning.”

“Namiss ka namin!!! Bakit dalawang araw kang nawala?????” Sabi ni Carol habang nakapulupot sakin

“Sorry, sumama kasi ang pakiramdam ko eh.”

“Magaling ka na ba?” Tanong ni Rafael

“Oo. nga pala kamusta nitong wala ako?”

“Ang daming nangyare, medjo madami ang ginawa sa council.” Sagot ni Carol

“Mabuti na lamang at nandun si Patrick at Demi. Nga pala nagpupunta din Chris nung nakaraang dalawang araw at tumulong sa council.” Dugtong ni Rafael

“E-eh?!” tiningnan ko si Kuya

“Hehehe” Ngumiti lang siya sakin habang hawak ang ulo niya

“Alam mo ba Ate Ayis wala ng napunta sa council na magugulong babae kahit na nandun si Kuya Chris at Kuya Steven... hindi ko alam kung bakit pero nakakatuwa kasi tahimik na ulit dun.”

“Talaga? Natakot nga siguro sila sa ginawa ko dati. Hahaha ang galing naman, dapat pala nuon pa ako ng wala kung ganitong kaganda ang epekto ahahaha”

LOVE, PROMISE, FOREVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon