Chapter 25

40 1 0
                                    

"Ayis I'm in love with you!"

Napatigil ako sa paglalakad ng narinig ko ang mga salitang iyon. Sa sobrang gulat ko napaharap ako sa kanya na hindi alam kung ano ang dapat kong sabihin at gawin.

"s-sorry... hindi ko alam ang dapat kong sabihin" eto nalang mga salitang lumabas mula sa mga labi ko.

"A-ano.... Hindi mo naman kailangang ibigay agad sakin ang sagot mo. Maghihintay ako." Nang sinabi niya ito kitang kita ko sa mga mata niya ang pagiging seryoso at diretso siyang makatingin sa aking mga mata na para bang nakikita niya ang nasasa loob ko.

Gustong gusto ko talagang umalis ng mga oras na iyon.

"I'm sorry, I have to go" kumaripas agad ako ng takbo para makatakas sa pangyayaring iyon.

Nang makarating ako sa bahay dirediretso agad ako sa kwarto ko at naglock ng pinto. Hindi ko pinansin sina Mama at Kuya na tinanong ako kung ano ba ang nangyayari sakin. Pagkapasok na pagkapasok ko humiga agad ako sa kama ng hindi man lang nagpapalit ng damit.

"Hindi ko talaga alam...... Hindi ko alam....." Ito nalang ang nasabi ko at nagulat ako ng biglang tumulo ang mga luha ko at nagtuloy tuloy pa ito sa pagpatak. Why am I crying?

*tok tok*

"Ayis, may problema ka ba? sabihin mo sakin makikinig ako" Tanong ni kuya mula sa likod ng pinto

"Kuya gusto ko ng makapagpahinga.. iwan mo na muna ako"

"Pero.."

"Kuya please."

At narinig ko na ngang umalis si kuya sa may pintuan.

.................................................

 

Kinabukasan hindi ko talaga alam kung paano ko haharapin si Patrick kapag nagkita kami. Habang papasok na ako sa pintuan ng classroom namin nakasalubong ko naman si Patrick na palabas ng room.

"A-ah.. Good morning" Bati niya at biglang tumungo

"G-good morning din" Bati ko din siya ng hindi man lang tumitingin sa kanya.

At naglampasan na nga kaming dalawa. Sa buong araw na iyon hindi kami masyadong nag-uusap ni Patrick at kung mag-uusap man kami mga simpleng 'oo, hindi, ganun ba, ah' lang ang mga nasasabi namin sa isa't isa, hindi pala namin dahil mas madalas ako! Halatang halata na meron namumuong tensyon saming dalawa. Honestly sobrang awkward talaga. Hindi ko naman kasi alam na ano eh.. na ano... na ako pala ang tinutukoy niya. Hindi ko talaga alam ang isasagot ko sa kanya, at sa tuwing makikita ko siya naiisip ko yung gabing yun at dahil dun mas nahihirapan akong i-approach siya. Maya't maya naman akong tinatanong ni Demi kung may problema ba daw kami ni Patrick pero hindi ko nalang siya sinasagot ng diretso. Halos isang linggo na din kaming ganito. Kapag i-a-approach naman niya ako ako itong lumalayo at umiiwas. Hays! Bakit ba ako nagkakaganito?! Bakit ko ba siya iniiwasan?? Waaa! Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko eh! Naguguluhan na ako!!! Should I act normal towards him?? I want to but I just can’t! Ang hirap naman ng ganito eh!!

Nung hapong iyon pagkatapos na pagkatapos ng class namin nagkaayaan kami na pumunta sa bagong bukas na cake shop malapit sa may shopping center.

“May bagong bukas nga pala na cake and sweet shop dun sa may malapit sa favorite ice cream shop natin. Masarap daw ang mga cup cakes nila dun!!!” Excited na sabi ni Demi

“Talaga?! Tara dun!!! Gusto ko silang matikman!” sabi naman ni Anne

“excited na ako!!!” sabi naman ni Nikka

“haha ang hilig mo talaga sa sweets Anne, kapag hindi ka tumigil sa pagmamatakaw mananaba ka. Tumataba ka na nga eh! Para ka ng baboy hahaha” sabi naman ni Kuya Paolo kahit kelan talaga palagi pa din niyang inaasar si Anne.

LOVE, PROMISE, FOREVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon