Chapter 38

31 1 0
                                    

WHAT HAPPENED AFTER THE ABDUCTION OF AYIS

(A/N: Pure Rein’s pov)

 

>>>>>>>>>>>>>> 

 

“sobrang lakas naman ng ulan.... parang hindi na ata ito titigil ah...”

Habang pauwi na ako sa bahay namin. Biglang nag ring ang phone ko.

*ring ring ring*

“hello?”

“Hello Rein.”

“Steven ikaw pala. Kamusta na si Ayis?”

“She just woke up, pero wala siyang maalala tungkol sa mga nangyari sa kanya.”

“eh?”

“Oo, and I asked her doctor about it, sabi naman sa akin there is a possibility kaya siya walang maalala ay dahil sa maaaring nagkaroon siya ng trauma.”

“eh nagtatanong ba sayo kung anong nangyari sa kanya?”

“oo, pero nagsinungaling ako, sinabi ko na lang na nahimatay siya kagabe dahil sa pagod.”

“i see...”

“Sinabi din sa akin ng doctor na mas nakakabuti na wag na nating sabihin sa kanya yung nangyari.”

“Mabuti pa nga. “

“Nga pala Rein, may balita ka na ba kung sino ang gumawa nun sa kapatid ko?”

“Wag kang mang-alala dahil sinisiguro ko sayo pagbabayarin ko ang gumawa nun sa kanya.”

“A-anong balak mo?”

“Ibababa ko na, malapit na ako sa bahay ko.”

“T-teka la—“

Umuwi ako sa bahay ko ngayon dahil may aasikasuhin akong mga bagay. Pagkababa ko ng kotse sumalubong sa akin ang ilang mga security guards at maids at magging si Ryan tatakbong pumunta sa akin.

“Welcome back young master.” Bati nilang lahat sa akin.

“Kuya!!! You’re here!” Excited na bati ni Ryan habang nakaakap sa mga binti ko pero tinanggal naman niya agad.

I kneeled down then patted his head.

“Nag-aaral ka ba ng mabuti little Ryan?”

“Yes kuya, tingnan mo oh may star pa ako from teacher!”

“Very good.”

“Nakaalis na ba ang teacher mo?”

“Yup, kanina pa.”

 

Nga pala si Ryan ay naghohome schooling kasi ito ang gusto nina Papa at Mama. Ayoko man ng ganito siya kasi wala siyang magiging kaibigan at hindi niya mararanasan ang saya ng pagpasok sa school pero wala akong magawa. Ayoko talagang maranasan ni Ryan ang lungkot ng kabataan ko na nakakulong lang sa bahay at sa mga other activities ko. Gusto kong maranasan niya ang saya ng pagiging bata, pero wala eh, wala akong kapangyarihan na mag against sa kanila... maybe we are really tied up sa ganitong klaseng buhay. Ano ba yan napakwento pa tuloy ako! Ayoko pa naman ang nagkwekwento ng tungkol sakin!!! Nakakainis kang author ka ha!

 

“Akala ko Kuya sa Saturday ka pa uuwi, wala kang class?”

“I have something to do. Aalis din ako mamaya.”

“Eh? Akala ko pa naman I can play with you today.”

“Next time na lang okay?”

Tapos nagpout mouth siya sa akin then biglang lumapit sa aking yung butler.

LOVE, PROMISE, FOREVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon