Chapter 9

64 1 0
                                    

Ang bilis ng panahon, mag sports event na, excited na excited na ang buong school sa event na ito. Ang pinag-uusapan ng mga estudyante ay kung saang sports sila sasali. Kung sila ay excited sa intramurals, ako naman hindi kasi wala akong alam sa sports ayoko talaga ang naglalaro. Last year nakaligtas lang ako sa intramurals dahil sa trabaho ko sa council pero ngayon wala na akong ligtas dahil sa sobrang kasipagan ng student council members ko, natapos na nila ang lahat ng trabaho para sa buwang ito. Ano kaya kung mag sakit sakitan ako para naman makaligtas? Hmmm. Pero hindi pwede, dapat maging good role model ako sa kapwa ko students... pero naman eh... ayoko talaga ng sports! Kahit kelan hindi ko talaga ito magustuhan.

“Ayis, may naisip ka na bang laro na gusto mong salihan?” Tanong ni Demi

“Wala. Ayokong maglaro, pwede bang pass na lang ako dito?”

“Hindi maari, ikaw pa naman ang president, ikaw pa ang hindi cooperative.” Sumbat naman ni Nikka

“Oo nga naman. Mag-eenjoy ka dito.” Pahabol ni Anne

“Alam nyo naman na hindi ako magaling sa kahit anong sports. Ayaw sakin ng sports. I really hate sports! Swear!!!!” >__<

“Hahaha. Ano ka ba, tutulungan ka namin.” Habang tinatap ako ni Demi

Ngayong araw na pagpapasa ng list ng sasalihan laro, at hanggang ngayon wala pa din akong nasusulatan na sport kahit isa. Habang nasa tapat ng board, iniisip ko pa din kung saan ako maglilista ng pangalan ko

“Hindi ko talaga alam ang sasalihan ko.’

“Hanggang ngayon wala ka pa ding nasasalihan? Last day na ngayon ah.”

“Ikaw pala Pat. Wala naman talaga kasi akong hilig sumali sa mga ganito eh.”

“Kung hindi ka makapili, ako nalang ang pipili para sayo. Haha”

Tapos nasulat na nga si Patrick sa isa sa mga papel. Sinilip ko naman kung ano yung sinusulatan niya.

“HUH? BASKETBALL??? Hindi pwede hindi ako marunong. Burahin mo yang pangalan ko.”

“Hahaha. Hindi maari, naisulat ko na at kailangan ko na itong dalhin sa faculty office ngayon, deadline na kaya. At saka kahit anong sports naman dito wala kanga lam eh. hahaha. kaya ito na lang! HAHAHAHA’

“Hindi pwede. PATRICK!!!” Hinahampas ko siya ng malakas sa braso

“Wag ka mag-alala ako ang bahala sayo, tuturuan kitang magbasketball. Hahah. At saka ano ka ba ang kuya mo kaya ay captain sa basketball club, ano pang pinag-aalala mo. hahah Sige alis na ako dadalhin ko pa ito.”

“T-teka lang!”

Hihigitin ko sana siya pero bigla siyang kumaripas ng takbo.

“PATRRRIIICCCKKKK!”

Nawala na nga si Patrick dala ang mga list. Lagot ako nito, ayoko pa naman mapahiya sa paglalaro. Wala na akong magagawa kaya naman naisipan kong magtry magpractice mag-isa sa court malapit sa may park after class. Matapos ang klase, dumeretso agad ako sa court at nag-umpisang magpractice. Kahit ayokong magpractice ng isang sport na hindi ko naman alam kung paano itong gawin, wala akong magagawa kasi nandito na ako. Ang alam ko lang naman dito eh basta dapat maishoot ang bola dun sa ring yun may score na, yun lang talaga ang alam ko! Wag nyo akong tawanan kasi wala talaga akong alam sa kahit anong sports. Bobo na ako kung bobo eh anong magagawa nyo eh sa ayaw sakin ng sports eh kaya ayaw ko din sa kanila kaya patas lang kami. hahaha

“Grabe pala talaga ang hirap ng sport na ito, naku humanda talaga sakin si Patrick bukas.Naku bugbog sarado yun sakin kahit na gwapo siya este kahit na bestfriend ko pa siya! Bwahahaha”

LOVE, PROMISE, FOREVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon