Dream VI

140 9 0
                                    

Tiara's POV

"Arggg! Sinusumpa kita Kien Stephor! Bwiset ka sa buhay ko! Bwiset! BWISETTTTT!" Nandito ako ngayon sa bar kasama si Barney at dalawang araw na ang nakalipas simula ng insidenteng iyon. Nakakabadtrip! 


Flashback

"Bye Tiara!" naglakad na sila papalayo.

"Wait!!"

"Papayag na ako!!" Ayokong maiwan kasama ang mga bulate dito.


"Sabihin mo muna na Mahal na mahal mo ako. Paakawalan kita." Pagkatapos niyang sabihin yon ay nagtawanan sila. Hindi lang pala sila dalawa. Madami sila at malapit sa akin yung iba. Bigla namang may naramdaman akong gumapang.


"Pakawalan mo na ako. Mahal na mahal kita kumag! Masaya kana?"Maiyak iyak na sabi ko. Makawala lang ako dito humanda ka sa akin.


"Alisin niyo na nga yung piring ng babaeng iyan! Ang ganda pa naman ng vinideo ko pagpepyestahan to for sure!"Tinanggal na nung isa ang piring ko at argg!! Bwiset! Mga Gummy Worms lang pala to!


"Isusumbong kita sa pulis!" Makalabas lang ako dito. Humananda ka.


"Edi isumbong mo.. Wala ka namang pruweba. Pwede naman akong magsinungaling. Isa ka lang. Madami kami. Simula ngayon magpapanggap kang girlfriend ko. Pumayag kana dahil dalawa tayong magbebenefit dito promise!"


"What do you mean?" Tanong ko.


"Since we're running out of time what do you mean. Ohh ohh ohh" Bigla naman silang kumanta. Parang sira talaga.


"Anong benefit? Anong pinagsasabi mo?" Tanong ko sa kanya.


"Ex-Girlfriend ko si Kendie Madisson. Kilala mo naman siya diba?" Oo. Kilala ko nga si Kendie. Siya lang naman ang pinakaiinisan kong tao ngayon. Karibal ko siya sa mundo ng modelling. I hate her cause she's always copying my style. As if namang magaya niya ako. Papayag ba ako? Gusto ko lang magantihan si Kendie dahil sa ginawa niya sa bff kong si Bart. Pinahiya niya lang naman sa harap ng madaming tao. Pag pumayag din ako mas mapapadali ko siyang mapaikot sa mga kamay ko.


Bigla naman akong bumalik sa sarili nang magsalita na si Kien.


"OH? Ang tagal mo naman magisip future girlfriend ko." Inirapan ko siya.


"Pag pumayag ako buburahin mo na ba yung video ko dyan sa phone mo? Ayoko lang pagpyestahan ako dahil sa mga kalokohan mo. Im not a comedian para magpasaya ng tao."


"Kasalanan ko bang matakot ka sa Gummy worms?? HAHAHA! Tinext ko na yung bestfriend mong dinosaur pinapasundo kita dito. Sa monday pa tayo magsstart kaya magpakasaya ka muna. "


End of Flashback

"Hay nako Tiara wag mo na isipin yun. Mas maganda nga yun ei. Mas malapit na siya sayo mas makakaganti kana." Tama si Bart. Mas malapit mas better. I smirked.


"Ang galing mo talaga!"Umamba naman siyang magaapear pero hindi ko ginantihan. Kinuha ko yung beer. "Cheers nalang beks!"


Ano kaya nagustuhan niya doon sa Kendie na yun? Ang panget naman. She's just tall and skinny but im still prettier and I have the looks of a model. Ano naman kaya pinaplano ni Kien? Pagseselosin? Yuck.. cliche much.


Hayss bukas girlfriend niya na ako. Kailangan ko lang sumakay sa trip mo Kien. Sorry.


Wildest Dream(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon