Tiara's POV
Monday na. OMG! Ngayon na ang itinakdang araw. Kinakabahan ako pero kailangan ko siya at gusto kong makaganti sa ex niya at sa KANYA.
Kailangan ko lang naman siyang paibigin. Napakadali lang naman iyon para sa isang Tiara Majesty kaso parang may mali. Bakit parang lalo siyang nababadtrip sakin.
krringggg~~~
"Hello? Sino po sila?" Tanong ko sa kabilang linya. "Ganyan ba kailangang batiin ng girlfriend niya ang boyfriend niya?" Haixxxt.. si Mr. Yabang pala to. "Malay ko ba! Eh hindi naman nakasave number mo dito!" I roll my eyes kahit di naman niya ako kita. "Bakit ka nga pala napatawag Mr. Kien na boyfriend ko na ngayon...ay.. fake boyfriend pala!" Tumawa naman yung nasa kabilang linya. "Magimpake kana. Dito ka na tumira sa unit ko." WHUUUUUT! SIRA BA SIYA?? "Hoy umayos ka lalake ka! Gf lang ako hindi asawa!"Tumawa naman siya ng malakas. Ako bay pinagtitripan neto oh ano? "Ano ka ba Tiara. Makalumang tao kaba? Hahaha! Ang mga couple ay naglilive in na! Uso na yun at mas maiinis si Kendie sa atin pag nangyari yun!"
Hindi ko kaya yung pinagsasabi ni Kien grabe ang sakit lang sa bangs although wala naman akong bangs.
"Eh.. bago palang tayo at tsaka fake naman to! Ayoko sa plano mo!"sigaw ko sa kanya.
"Teka Tiara.. wag mong sabihing... Hahaaaaaahahaha!" Sabog na ata tong kausap ko.
"Anong tinatawa tawa mo!" Sigaw ko sa kanya.
"Easy! Nakakabingi ka hahaha! Ikaw kasi simple lang naman yung gagawin natin. Titira lang tayo sa iisang bahay para lang mas mapadali yung mission natin. Gusto ko lang naman gumanti. Pag makikipagbalikan na siya edi break na tayo pero never ko siyang babalikan. Wala naman akong gagawin sayong masama. Hindi ko naman pagnanasaan yang katawan mong dalawa likod!"
"Letche ka!Okay Fine! Pero pano tayo makakasiguro na saglit lang?" Tanong ko sa kanya.
"Basta! Gwapo ako malamang babalikan ako nun. Madaming nagkakandarapa sa aking babae. Swerte mo nga kung tutuusin eh. Ikaw sikat na konti lang followers. Paano pa kaya kung ako yung sumikat!" pagyayabang niya at tumawa nanaman siya ng malakas. I hate his laugh. Nakakainis. Napapayag lang ako dahil gusto ko gumanti, Iyon lang.
"Ibababa ko na to. Wala kang kwenta kausap. Sunduin mo nalang ako dito sa bahay."utos ko.
"Ok sweetie. I love you!" Seryoso? badtrip talaga kahit kailan! EEEW talaga itong lalaking ito! Wala ng isasama ang araw ko pag marinig ko ang boses niya!
"Leche! Mamatay ka na Kien!"binaba ko na ang linya. Kaimbyerna.
Maggagabi na wala parin siya nakakainip naman. Bigla naman ako nakarinig ng busina sa labas. Hay salamat. Agad kong binuksan ang pinto at yung gate.
"Hoy ang tagal mo. Paki kuha na ng gamit ko sa loob." Tinitigan nya lang akog masama. Ano bang problema ng lalaking ito.
"Wala ka bang gwardiya? Driver? Yun pagbuhatin mo! Sa gwapo kong to pagbubuhatin lang ako ng gamit! Tsk. Manigas ka." Agad ko naman siyang sinamaan ng tingin.
"Eh kung gusto mong maflying kick ko yan. " Sabay tingin ko dun sa ano niya at agad naman siyang lumapit sa akin ng padabog.
"Okay fine! Kainis ka talaga sapi queen!" Tsaka ngumisi ng napakalaki.
"Che! Ikaw tong may sapi!"
Kinuha niya na ang mga bagahe ko. Bukas ko nalang ipapadala sa driver yung iba. Duh. Ang dami ko kayang gamit . Umupo ako sa likuran at sinalpak ko yung earphone ko sa tenga ko.
Kien's POV
Nakatulog na si babaeng may sapi sa likod ng kotse ko. Nakakatuwa siyang pagmasdan pag tulog. Gusto niyo ulitin ko pa? 'PAG TULOG'. Sana tulog ka nalang lagi. Hahaha! Di ko akalaing ganyan ang ugali ng isang sikat na sikat na model. Ibang iba siya kay Kendie. Si Kendie kasi mahinhin kumilos pero maarte. Tiara naman ay kung kumilos parang siga, maarte din,laging may sapi, nakakainis. Hindi ko ng alam kung bakit madaming fan to. Siguro plastic siya sa camera. Halos lahat naman ng artista at modelo plastic sa harap ng Camera. Bakit kaya ayaw niyang magacting. Mukhang may potential naman siya. Baka naman walang nagaalok sa kanya hahaha. Bakit ba ako inis sa iyo? Pero nagagandahan ako. Hayst! Ano ba tong nasa isip ko! Bigla naman siyang nagsalita.
"Akala ko ba mahal mo ko? Ganun naba kahirap? Kailangan mo pa akong iapgpalit sa iba! Tapos ngayon kailangan mo akong iwanan! Ang sama mo! Ang sama sama mo!"
Biglang may tumulong luha sa mga mata niya. Mabigat ata ang pinagdadaanan niya. Mas mabigat pa siguro sa pinagdadaanan ko. Nakramdam naman ako ng konting awa. Pinunasan ko nalang ang luha sa kanyang maamong mukha.
BINABASA MO ANG
Wildest Dream(Completed)
FantasiTHERE'S A SECRET THAT I WILL NEVER TELL YOU UNLESS YOU READ My story. -Tiara Majesty