Tiara's POV
Isang linggo na akong hindi pinapansin ni Kien. Hayys hindi ko naman na kasi talaga mapigilan nun e! Ano bang gagawin ko?
"Kien... Sorry na! Ui! Sorry na! Hindi na mauulit!" Ngayon lang ako nagkalakas ng loob na magsorry at kausapin siya. Hindi ko naman alam na mabaho yung lalabas! Nakakahiya!
Pumasok ako sa kwarto ko at nagimpake ako ng damit. Matapos kong magimpake ay lumabas na ako ng kwarto dala dala ang mga bag ko.
"Aalis nalang ako. Bye." malapit na ako sa pinto nang bigla siyang nagsalita.
"Ibalik mo na yang gamit mo. Kung gusto mong di na ako magalit sayo maglinis ka dito!" What?? Seryoso? Ako maglilinis?? Wala pang naguutos sakin ng ganyan ah!
"May mga naglilinis namam dito! Why me?? "tanong ko sa kanya. Sobra naman iyon!
"Sige lumayas ka na.Sasabihin ko nalang sa tv na kunwari lang ang lahat. Wala namang mawawala sa akin. Chupi!" Blackmail king ka talaga!
"Nakakainis ka talaga! Maglilinis na po ako!" San ako magsisimula? Sa kwarto? Sa kusina? Sa sala? Ano ba?? Ang hirap naman! Hindi kasi ako naglilinis sa bahay. Si yaya agad ang gumagawa nun kaya naman mataaas ang sahod na binibigay ko sa kanya.
Kinuha ko ang walis at pumasok sa kwarto niya. Parang wala namang lilinisin! Pwede na yan ! Wag na walisan!
"Achuu! walisan mo nga yung kwarto ko Tiara ang alikabok! Pakimop nadin please?" Yung totoo? Parang wala namang linisin eh! Padabog kong kinuha yung walis.
Nagwalis nalang ako baka pagalitan pa ako ng kumag na yon!
Matapos kong walisan ay minop ko agad at sinunod ko yung kwarto ko, then sa kusina at hinuli ko ang living room.
Anong oras na ba? Tumingin ako sa orasan. 5 pm na ? Eh 1 ako nagsimula! Grabe ang sakit ng katawan ko tsaka ang baho ko na!
Pumasok ako ng kwarto ko at naghanap ng mabibihisan bago ako maligo.
Ligong ligo na ko! Pumasok ako sa shower room. Haysss ang sarap maligo!
Kien's POV
Umalis muna ako para bumili ng makakain namin. Bumalik agad ako matapos kong bumili. Pwede na pala maging maid tong si Tiara eh. Napakintab niya yung sahig dito.
"Queen!" Nasan kaya yung babaeng yun? Bigla naman bumukas ang pinto sa kwarto niya. Nagpupunas siya ng buhok habang naglalakad.
"Bakit?" Napatingin siya sakin at bigla naman niyang hinawi yung buhok niya palikod. Bakit ganun? Bakit parang slowmo yung nakikita ko?
Dahan dahan siyang umupo sa tabi ko at ngumiti. Bigla naman akong napalunok.
*boogs*
"Aray!" Nagising naman ako sa batok niya. Sumosobra kana Tiara!
"Nakatulala ka kasi sakin parang pinagnanasaan mo ko eh! Haha! In love kan ba? Aminin mo na! Naaatract ka sa kagandahan ko. " ang lakas talaga ng sapi niya no? Na-aatract? Hell no!Pag pumuti ang uwak pwede pa.
"A-anong nakatulala! Napapangitan lang ako sa suot mo! Masyadong malaswa! Magbihis ka nga!" totoo naman kasing malaswa yung suot niya! Kitang kita yung cleavage niya tsaka sobrang iksi ng short niya.
"Malaswa o sexy? Wag ka na nga magkaila! Naaattract ka sakin! Masanay kana Kien! Ganito ako magsuot sa bahay!" Nginisihan lang niya ako."Wow ice cream!" Kinuha niya yung dala kong mga pagkain. Kahit kailan ay mukha siyang pagkain, Kumuha siya ng baso at kkain nanaman ng icecream.
"Try mo lang umutot sa harap ko malilintikan ka sakin!" Tiningnan niya lang ako ng masama.
"Kien ask ko lang. Pag nakipagbalikan sayo si Kendie... tatanggapin mo pa ba siya?" napaisip ako sa tanong niya.
Mahal ko pa talaga si Kendie kahit na taon na din kaming hiwalay. Hindi ko alam kung bakit siya nakipagbreak. Sabi niya lang hindi na niya ako mahal. Hindi ako naniniwala sa kanya. Alam kong mahal niya pa ako. Hindi ko din alam kung tatanggapin ko pa ba siya. Sabi ng puso ko, oo tatanggapin ko pero sabi ng utak ko, wag na, sinaktan na niya ako.
"Hindi ko alam." Matipid na sagot ko."Ikaw ba Tiara. Nagmahal kana?" biglang nahulog yung baso na hawak niya pagkatanung ko.
"S-sorry." Dinampot ko yung nabasag na baso. "Ouch!" nasugatan ako nung baso.
"Nagmahal na ako, pero niloko niya ako. Sumama siya sa iba. Kaya kung makikipagbalikan siya, hindi na ako babalik pa. Sira na ang tiwala ko sa kanya at kung babalikan ko pa siya ay masasaktan lang ako. Parang itong baso. Nasira na siya pero pinilit mo paring damputin. Nasugatan ka tuloy. Masakit diba?" Kinuha niya yung kamay ko at sinipsip yung dugo.
"Tara gamutin natin yan ako na ang bahala dito mamaya." Hinila niya ako sa kwarto niya. May side din pala siyang seryoso. Kinuha niya yung first aid kit at binuhusan ng alcohol yung sugat ko.
"@#$%&* Arggggg! Ang sakitttt!" Tumawa lang siya .
"Bumili nalang tayo ng bagong baso." ngumiti naman siya sakin. Bakit ganyan ka Tiara? Bakit kakaiba ka ngayon?
"Lilinisin ko lang yung nabasag ko. Magpahinga ka nalang." Bigla ko namang hinawakan yung kamay niya at hinila dahilan na mapatumba siya sakin. One inch nalang ang pagitan ng mga mukha namin. Napatingin ako sa labi niya. Nangaakit ang labi niya at para bang may nagsasabi saking halikan ko yun. Napapikit siya at unti unti kong nilapat ang labi ko sa kanya at binigay ang pinakamatamis kong halik.
BINABASA MO ANG
Wildest Dream(Completed)
FantasyTHERE'S A SECRET THAT I WILL NEVER TELL YOU UNLESS YOU READ My story. -Tiara Majesty