Kien's POV
Malapit na kami mag-one month ni Tiara. Pwede kayang totohanin nalang namin? Nahuhulog na yata ako sa kanya. Sa maiksing panahong nakasama ko siya ay nakalimutan ko lahat ng problemang dumating sa buhay ko.
Kung aamin man ako sa kanya, hindi ko naman alam kung gusto niya din ako. Aish! Akala ko ba hindi ako maiinlove sa kanya! Ginayuma yata ako nun eh.
"KING!!!!! BILISAN MO!! ANG SAKIT NA!" ayan nanaman si Banyo Queen. Ang bilis talagang matunawan ng isang to!
"Opo mahal na Reyna! Andyan na oh lalabas na ako!" Lumabas ako ng banyo at nagmamadali naman siyang pumasok. "Ano ba kasing klaseng tiyan yan?" Sobrang bilis talaga ng panunaw niya. Kailangan tama lang lagi kakainin niya kasi pag sumobra lalabas agad. At bakit ako dito nagtambay sa banyo niya?
Ano ba ang nagustuhan ko sa isang Tiara Majesty? Hmmm.. Ewan ko ba!
I went to the living room and tried to relax myself and to think what's happening in my heart. Bigla ko namang naisip si mom and dad. How are they? Nagkaayos na kaya sila? I hope yes but I know it's a big NO. Simula bata ako puro pambababae pang ang alam ko kay papa at si mom naman ay laging lasing. Sabi sa akin ni mom hindi daw siya minahal ni Dad at ako ay isang pagkakamali lang ni Dad. I pity my mom and I hate the woman behind her sadness. Alam kong wala siyang kasalanan pero siya parin ang dahilan kung bakit parang wala akong pamilya. Bakit ganun nalang mahumaling sayo ang Dad ko. I want to know her and talk to her. I wanna know the truth kung bakit ako isang pagkakamali lang. Siya lang ang makakasagot sa katanungan ko. Hindi ko naman makausap sila mom and dad.
"Hayys success!" Bigla bigla naman siyang naupo sa sofa.
"Ambaho mo naman! Dumumi kana di kapa naligo! Hmmp!" Bigla naman niya akong sinamaan ng tingin.
"Ang kapal mo ikaw nga tong hindi pa naliligo!" she crossed her arms.
"Pagnakaganti na ako kay Kendie. Aalis kana?" di na ako nakatiis at tinanong ko na siya.
"O-oo naman! Napilitan lang naman ako no!" I felt sudden pain. Wala lang talaga ako sa kanya.
"Hindi ka man lang manghihinayang? Di mo na makikita ang isang gwapong katulad ko? Hahaha!" Ang gwapo ko kaya!
"Hindi no! Fake boyfriend lang naman kita eh! Tsaka pagnainlove ako sayo baka.... hmm.. Ligo muna ako ha. May pupuntahan pa tayong photoshoot. "Awtts Double kill yun. Bigla siyang tumayo at pumasok sa kwarto niya.
Baka ano? Ano kaya yung sasabihin sana nun. Pumasok na ako sa kwarto ko para magayos.
*****
Pumasok na kami sa loob ng studio. Naginit ang dugo ko ng makita ko si Hades. Lagi lagi nalang bumubuntot kay Tiara. Nandito ako pero parang wala lang sa kanya. Mabuti nalang at ayaw na ayaw ni Tiara dun sa kumag na yun.
"Babe wait mo lang ako dito." Nakita ko si Kendie habang nakapulupot sa boyfriend niya. Tss.. 'Bagong boyfriend'. Kada kita ko sa kanya iba iba ang kasama. Bigla naman siyang napatingin sakin.
"King.. Nagseselos ka?" Napabalikwas ako ng makita ko si Tiara. "Hindi no!" Depensa ko sa kanya. "Ikaw lang ang mahal ko! Hinding hindi ako magseselos diyan!"
"Hoy Kien! Anong sinasabi mo diyan! Seryoso ka? In-love kana sakin no? Umamin kana!" Sabi niya sabay sundot ng aking tagiliran.
"Hindi totoo yun! Alam mo namang kailangan nating umarte diba? Sinabi ko lang yun kasi baka malay mo may nakakarinig pala. Asa ka naman!" Nginisihan lang niya ko.
"Tiara my loves!" Bigla naman lunapit si Hades. Hinawakan ko ang kamay ni Tiara at hinila papalapit sakin.
"Easy bro. Girlfriend mo ba talaga yan?" Nakangising tanong niya.
"Gag* ka pala eh! Alam mo namang girlfriend ko si Tiara tinatanong mo pa!"
"Bro! Easy! Alam ko naman ang lahat. Fake girlfriend mo lang si Tiara. Rinig ko lahat ng pinaguusapan niyo."Hinawakan niya ang kamay ni Tiara."Tiara babe date tayo mamaya ha! Kung hindi ka sisipot.." Nilabas niya ang recorder. " "Hoy Kien! Anong sinasabi mo diyan! Seryoso ka? In-love kana sakin no? Umamin kana!....Hindi totoo yun! Alam mo namang kailangan nating umarte diba? Sinabi ko lang yun kasi baka malay mo may nakakarinig pala. Asa ka naman!" Then in-off niya.
"Pano ba yan Tiara! Mamayang 5pm sa labas ng coffee shop mo. Bye!" Sinamaan ko siya ng tingin.
"Kasalanan mo to eh!" Sigaw sakin ni Tiara. Ako pa? Eh siya nga yung unang una sa record.
"Hoy babae ikaw ang may kasalanan!" Sigaw ko sa kanya.
"Excuse me? We're going to start na. Kabago bago niyo palang nagaaway na kayo. Hay nako naman!" Nakita kong inirapan ni Tiara si Kendie.
"Sorry Queen. Sige punta ka na doon."
Makalipas ng ilang oras ay balik na ulit kami sa bahay. Maiiwan lang naman ako dito dahil may 'date' siya mamaya.
"Bilisan mo! Baka malate ka sa date mo!" Ngumiti lang siya sa akin. Arrg! Anong ngini-ngiti niya! Naiinis na nga ako eh!
"Ikaw pa excited ah! Wait lang ha! Kailangan kasi bongga yung isusuot ko. Nagpadeliver pa ako ng mga bagong style ng damit dun sa friend kong fashion designer."
Hinagis ko yung unan sa kanya. Akala ko ba inis siya dun sa hades na yun! Bakit todo paganda pa siya!
"Hoy ansakit! Selos kalang! Bading ka kasi hindi ka marunong magyaya ng date!"
"Bading?? So bading pala ako?? "Lumapit ako sa kanya. "Sabihin mo nga ulit na bading ako." I said that with my super duper sexy voice. Habang papalapit ako sa kanya ay umaatras naman siya.
"Hindi mo lang matanggap sa sarili mong may lahi kang bading! Hahaha!"
"Talaga lang ha?" Lumapit ako sa kanya at nacorner ko siya sa pader. "Baiwiin mo sinabi mo."
"No!" Nakangiti niyang sabi pero halatang kabado. Hinubad ko ang shirt ko at nilapit ko ang mukha ko sa kanya.
"Sabihin mong bakla ako. 1... 2... 3..." Hinalikan ko siya sa noo. Hinawakan ko ang mga kamay niya at damang dama ko ang panginginig nito. "Sinong bakla?" Hinalikan ko siya sa ilong. Tinikom naman niya ang bibig niya.Dahan-dahan kong nilapit ang mukha ko sa kanya at pumikit naman siya. Agad akong lumayo at pinagmasdan ang nakakatawang mukha ni Tiara.
"HAHAHAHA!" Napadilat naman siya ng tumawa ako. Agad siyang sumugod sakin at pinagsasabunutan ako.
"Ouch! hoy Tiara! Awww!" Kiniliti ko naman siya para bumitaw pero wala paring epekto ang kiliti ko.
"Letse kang Kien ka! Kakalbuhin kita!" Aray ko talaga!!!!
"Sabihin mo nalang kasi sakin na gusto mo magpahalik! Di mo na kailangang manabunot!"
"AHH! GUSTO MO TALAGA MAKALBO HA!?"
*DING-DONG*
YOWS! You save my life! Kung sino ka man!
Agad naman siyang pumunta sa pinto. Hay nako! Yung damit lang pala!
"Excited na ako sa date namin ni Hades!" Nagbelat naman siya sakin at pumasok sa kwarto niya.
I DONT CARE.

BINABASA MO ANG
Wildest Dream(Completed)
FantasyTHERE'S A SECRET THAT I WILL NEVER TELL YOU UNLESS YOU READ My story. -Tiara Majesty