Tiara's POV
Nandito ako sa coffee shop ko kasama si Bart.
"Sis buti nalang at hindi kayo natuloy. Kung hindi ay gigisahin ka ni Kean kung nasaan si Sierra." he said. I know. Kaya nga gumawa ako ng paraan eh. Sana lang ay hindi na niya ako maisip ipakilala sa mga magulang niya.
"Pilit kong kinakalimutan si Sierra pero bakit ganun? Yung mga naiwan niya apektado parin ako. Konektado padin."
"Kasalanan mo din naman kasi. Sabihin mo na kay Kien para hindi siya masaktan ng sobra kung siya mismo ang makakatuklas."I sighed. Paano? Nahihirapan na ako sa sitwasyon ko.
"Sa tingin mo maiintindihan ni Kien?Matatanggap niya ako? Lalo na kung malaman niya yung kay Sierra? Pero hindi naman si Sierra ang may kasalanan dahil si Sierra ang naapi hindi sila."
"Nako Sis! Balik nalang tayo sa Frosia hinahantay kana ni Zeus! Choz!"biro ni Bart.
"I will never do that!"
Kien's POV
Nandito ako sa kwarto ni Tiara. Nagtataka kasi ako dahil ayaw niya akong papasukin sa kwarto niya kaya pumasok ako habang wala siya.
"Sir bawal nga pu pomasuk sa kwartu ne Mam!" sigaw ng katulong. Mukhang may tinatago nga sa akin ang girlfriend ko.
"Di naman niya malalaman. Promise."
Nilibot ko ang buong kwarto. Wala namang katago tago dito. Naupo ako kama niya at pinagmasdan ang paligid. May nakita akong bookshelf sa may gilid. Mahilig ako sa libro kaya pinuntahan ko yun kaso bigla akong nadulas at naitulak ko yung bookshelf at laking gulat ko ng umurong iyon ay may lagusan na bumukas.
"Ser wag pu kayung pomonta diyan. "sabi ng katulong. Hindi ko ito pinakinggan at pumasok parin ako sa ailid na iyon. Bumungad sa akin ang mga bote ng wine at maliliit na boteng may ibat ibang kulay.
Kinuha ko ang isang maliit na bote at nung binuksan ko ito ay nagliwanag ng saglit.
"Ano to Glow in the Dark?Maliwanag naman. May kung anong likido ang nasa loob."
Nilibot ko ang silid at ang tanging nakita ko nalang ay mga paintings at picture ng ibat ibang tao pero sa ibat ibang panahon.
Pinagmasdan kong mabuti ang mga larawan. Parang may mali. Parang may kulang. May nakita akong isang painting na nakakuha ng atensyon ko.
Kean and Sierra
Iyon ang nakasulat sa painting pero yung mukha nila ay may mga nakasaboy na pinturang pula.
Sino naman kaya iyon?
Tiara's POV
Parang may sakit ata tong maid ko. Kanina pa hindi mapakali.
"Anong problema mo? May sakit kaba? Magpahinga ka muna."sabi ko sa katulong.
"Segi pu mam."
Inaantok na ako. Makaakyat na nga.
Pagpasok ko ko ng kwarto ay parang may naaamoy ako. Amoy ng pabango ni Kien. Namimiss ko lang yun haha pati pabango alam na alam.

BINABASA MO ANG
Wildest Dream(Completed)
FantasyTHERE'S A SECRET THAT I WILL NEVER TELL YOU UNLESS YOU READ My story. -Tiara Majesty