Tiara's POV
Linggo.
Ngayon na ang itinakdang araw para kay Kendie.
Dinial ko ang number niya pero out of coverage area. Dinial ko ang number ni Kien na agad namang sinagot niya nang magring.
"Kien kasama mo ba si Kendie?"(Hindi ko siya kasama Queen ko.)"Hindi ko siya macontact. Kinakabaham ako."(Pupunta ako diyan sa bahay mo tapos punta tayo kina Kendie.)"Sige.Magiingat ka ha. I love you!"(I love you too." Inendd call ko na.
"Bart kinakabahan ako. Ngayon na ang itinakdang araw. Ngayon na siya ibabalik ng Frosia."
Nandito nga pala si Bart. Isa din siyang witch. Siya si Apollo sa aming kaharian. Siya ang witch na kayang magbago ng anyo.
Hind ko pa kayang sabihin kay Kien ang tungkol dito at kung pwede lang ay ayokong malaman niya. Lalo na ang nakaraan ko.
"Hay nako best! Easy ka lang! Ang masamang damo matagal mamamatay!"
"Ano ka ba Bart wag ka ngang ganyan!"
"Highblood naman! Teka teka kayo na ulit ni papa Kien?"tanong niya sakin. Bruhang to hotseat pa eh di na nga ako mapakali dito.
"Oo kami na ulit! Happy?"sarkastiko kong pagkakasabi.
"Paano kung malaman niya ang lahat tungkol sayo.. as Hera , sa Frosia.. at kay "
"Shut up!" pagputol ko sa kanya."Baka may makarinig sayo.Sasabihin ko din yun sa kanya pero... hindi na muna sa ngayon."
"Eh paano kung magkita kayo ni Echoserang Palaka baka pag sa kanya mismo manggaling ay wala kanang Kien na babalikan."
"Bahala na!"
"Hi ladies!" -Kien.
"Gusto ko yan!"-Bart
"Ano na ang hinihintay natin puntahan na natin si Kendie."yaya ko sa kanila.
Sasakyan ni Kien ang ginamit namin. Mas sanay daw kasi siya pag iyon ang gamit kesa iba. Mayamayay nakarating din kami sa tapat ng bahay ni kendie.
"Nakita niyo ba yun? May liwanag sa taas. Tara puntahan natin si Kendie. Kung ano ano kasi ang naiisip mo Tiara eh."sabi ni kien at agad naman kaming lumabas ng kotse at pumasok sa bahay ni Kendie.
"OMG.Ang dilim namam bessie!" Ang arte talaga netong Baklang to!
Umakyat kami hanggang sa marating yung kwarto niya na pinagmulan ng ilaw. Ngunit wala na si Kendie. May napansin akong sulat sa may kama niya.
Alam kong pupunta kayo dito. Tiara, salamat dahil tinanggap mo ako sa kabila ng lahat. Kien, Mahal na mahal kita. Alagaan niyo ang isa't isa. Kien wag kang magalala. Kung nasaan man ako ngayon ay masaya na ako. Wag mo na akong hanapin. Pakisabi sa mga supporters ko na mahal na mahal ko sila. Bigyan niyo ako ng magandang lamay. Palabasin niyo nalang na crinemate ako. Salamat sa lahat. Paalam.
Biglang tumulo ang aking luha habang binabasa ang sulat ni Kendie. Hindi ko alam kung paano ko ito ipapaliwanag kay Kien. Masyadong magulo ang lahat.
"Tiara, alam mo ba kung nasaan si Kendie? Gusto ko siyang makita kahit ngayon lang." nakibasa din pala sila sa akin.
"Hi..hindi ko alam Kien. Wala namang nasasaad sa sulat."
"Paanong wala yung katawan niya? Paano natin makakasigurong patay na siya."
"Hindi ko alam."
***
Sinunod namin ang kagustuhan ni Kendie at kinalimutan ang lahat pero mananatili parin siya sa puso ko.
Maraming buwan amg lumipas at ngayon ay Anniversary na namin ni Kien at sobra akong kinakabahan dahil ngayong araw ay ipapakilala niya na ako sa kanyang mga magulang.
BINABASA MO ANG
Wildest Dream(Completed)
FantasyTHERE'S A SECRET THAT I WILL NEVER TELL YOU UNLESS YOU READ My story. -Tiara Majesty