Dream XXXVIII

93 5 0
                                    

Kien's POV

Tatlong oras na akong nandito sa harap ng computer kakahanap ng Frosia na yan. Hindi ko talaga mahanap. Bakit ganun saang lupalop kaba ng mundo matatagpuan.

Dinial ko nalang ang number ni Karl at baka may alam itong kaibigan ko sa Frosia na to.

"Hello Karl?"(Oh pre? Musta na?)"Okay lang naman ako. Ahmm.. May itatanong lang sana ako sayo eh."(Ano naman yun?)"Alam mo ba yung Frosia?Ano ba yun?"(Fro..Fo..Frosia ba kamo? ahh Hindi ko alam yun! Hello? Pre? Dyan kapa?)"Oo dito pa ako"(DishcmSC Kitabxjks MahskcjdRinig)"Ano? Ang gulo di kita maintindihan."(toot..)

Mahina siguro signal nun. Hay nako. Matagal ko na din iyong hindi nakikitang bestfriend ko.

Kinuha ko ang susi ng sasakyan ko. Im going to the biggest old library baka nandoon ang hinahanap ko.

Tiara's POV

Hay nako namomroblema na nga ako nakalimutan ko pang sabihin kay Kien na may Masquerade Ball pala mamaya. Invited lahat ng sikat na celebrity, businessman, models at mga politiko sa bansa. Birthday kasi ng president. Bongga nga eh.

Hindi parin sinasagot ni Kien ang tawag ko. Magleave na nga lang ako ng message.

Mga 5:30 ay nagpunta na ako sa salon kasama si Bart para magpaayos.

"Nagtext na ba yung boyfriend mo?" tanong si bart.

"Hindi pa nga eh. Ano na kaya nangyari dun. Nako pag nalaman ko lang na nangbabae yun ay yari talaga sakin yung Kien na yon."

Kien's POV

The Hidden Kingdom of Frosia

Ito lang ang librong nakita ko na maaring makatulong sa akin. Manipis lang siya na libro.

Pagbukas ko ng libro ay isang litrato lang yung tumambad sa akin. Litrato ng isang kaharian na makulay. Maraming nagliliparang makukulay na bagay.Binuklat ko muli at nakita ko ang isang makisig na lalaking nakaupo sa trono. May nakasuot na kwintas sa kanya na may malaking diamante sa gitna. Nagulat ako sa nakita ko sa sunod na pahina. Si Kendie ang nasa larawan hindi ako nagkakamali at sa sumunod na pahina ay nanduon ang larawan ni Karl. Anong ibig sabihin nito? Binuklat ko pa ang libro at nakita ko naman si Bart at Hades at ang pinakanagulat ako ay ang sumunod na pahina. Si Tiara. Iba ang mga suot nila. Para silang mga Diyos at Diyosa.

May nakita akong nakasulat sa baba ng larawan ni Tiara. Napakaliit nito at hindi ko halos makita. Ganun din yung sa ibang larawan.

Nilapit ko ang mata ko.

Hera. The Witch of Feelings and Emotions. The long lost princess of Frosia. She was lost for five hundred years and the frosians are still searching for her.

Nagmasid ako sa paligid kung may cctv. Mabuti at wala. Ito lang yata ang part na walang cctv. Agad kong siniksik yung libro sa may pants ko at bumaba. Ang weird ng mga librarian. Nakangisi at nagtitinginan sila. Lumabas na agad ako ng lumang library na iyon.

Pagsakay ko ng kotse ko ay agad kong tiningnan ang phone ko. Shit.. Ang daming call ni Tiara! Hera pala. Ngayong alam ko na ang katotohanan ay parang mas lalo ko siyang minahal. Mas lalong kailangan ko siyang proteksyonan. Five hundred years na siyang nawawala? Edi ibig sabihin ay hindi siya natanda.. Ibig sabihin ay mas matanda pa siya sakin?

Binasa ko yung text niya. Masquerade ball? Late na ako ah..

Nagmadali akong mag maneho papunta sa bahay para makapag ayos. Makakahabol pa naman ata ako.

Wildest Dream(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon